Sumunod si Kai sa floor kung nasaan ang Amenities. Natagpuan niya si Bella sa isang pool bed nakaupo. Naka ankle-crossed sit si Bella at nakapatong ang mga braso sa tuhod. Nakatingin lang ito sa galaw ng tubig sa swimming pool habang lumuluha.
Parang tinatarak naman ang dibdib niya na makita ang babae sa ganoong ayos. Nilapitan niya ito at tinabihan.
"Hey…"
Naririnig niya ang mga paghikbi nito. Hindi naman alam ni Kai kung ano ang sasabihin. Hinagod niya na lang ang likuran ng nobya niya.
"Do you want me to call your Dad?"
Matigas na umiling lang ito saka yumukyok. Patuloy lang sa paghagod si Kai sa likuran ni Bella.
"Huwag ka nang umiyak." Gusto niyang manuntok ngayon na nakikita niya na hilam sa luha ang girlfriend niya.
"Nakakahiya, nalaman mo pa tuloy na wala akong kwenta, wala na akong titirhan… Saan na ko pupulutin?" patuloy lang sa pag-iyak si Bella.
"Huwag na huwag mong sasabihin na wala kang kwenta. Kung wala kang matitirhan, pahihiramin kita ng kumot at sabay tayo na matutulog sa kalye. Kung walang pupulot sa iyo, e'di sasamahan kita para sabay tayong pupulutin. Pwede tayong magpaampon kay Cally" pagbibiro nito kay Bella.
Lalo namang lumakas ang pag-iyak ng dalaga. "I'm sorry, I'm not good at joking."
"I'm a mistress' child and alone…" reklamo nito sa buhay.
"My Angel, It's not your fault if you became a mistress' child. At least, you are a good child."
"I don't have a home now… I don't have a family." kagat-kagat nito ang labi at nasabi tuloy isa-isa ang problema.
Pinaharap niya si Bella at pinunasan ang luha nito sa pisngi.
"Don't worry, I will work hard for you. So, you can buy a bigger home someday. You can buy 5 condo units, one Villa surrounded with pink and white roses. What else do you want?"
Nakatitig lang si Bella kay Kai habang nakakupkop ang mukha niya sa malapad na kamay nito. Pinupunasan nito ng magkabilang hinlalaki ang luha niya sa magkabilang pisngi. Napakagat-labi siya dahil sa sinabi nito. Para kasing nagmumula sa puso ang mga kwento nito. It's sounds like it was his dream and not hers.
He was the sweetest boyfriend indeed. Alam ni Kai kung paano pagagaanin ang loob niya.
"Don't say that you don't have a family because you have me." Nakatitig ito sa kanya, sinusuri ng mabuti ang mga mata na para bang nananalamin ito doon. Nang sa palagay ng binata ay sapat na siya na titigan si Bella na sandaling tumigil sa pagluha, binigyan niya ito ng magaan na halik sa labi.
Maya-maya, may kinuha si Kai sa malaking bag na bitbit nito. May kinuhang isang supot ng dark chocolate.
"Pasalubong ko to sa 'yo e hindi ko akalain na kailangan mo'ng kainin agad." binuksan ng binata ang supot ng dark chocolate kisses, kumuha ito ng isang piraso saka nito pinakain sa kanya.
"I wanted to see kung gaano katotoo na sasaya ang tao kapag kumain ng Dark chocolate" dagdag pa nito.
Tahimik lang si Bella na sinunod si Kai. Sa palagay niya ay nakatulong ang binata sa nararamdaman niya. Paano na lang kung wala si Kai?
"Okay ka na?" tanong nito matapos ang mahabang katahimikan. Mga tatlong piraso ng dark chocolate kisses ang pinakain nito sa kanya.
"Hmmm."
"Good!" nasisiyahan na sabi nito. Nagulat na lang siya ng binitbit siya nito at akmang tatalon sila sa swimming pool.
"No! No! No! Ahhh!" Tili ni Bella. Napakapit siya sa leeg nito ng mahigpit saka napapikit. Bumalot agad ang lamig sa katawan niya dahil sa malamig na tubig ng pool.
Todo ang kapit niya sa leeg at bewang ni Kai dahil maliit lang siya para sa five feet na taas ng pool. Hindi abot ng paa niya ang sahig at hindi siya marunong lumangoy.
Gayunpaman, she felt safe dahil buhat siya ng binata.
"Remember my words, kung may mga bagay na hindi mo kayang gawin, tuturuan kita para gawin ang bagay na iyon. Kung may bagay na suko ka na, I will always be here para magpa-alala na kaya mo ang lahat." Nakangiting sabi ni Kai.
Hindi niya akalain na magagamit niya ang pagiging leader niya bilang Dark Guard sa relasyon nila ni Bella. All he could do right now is to motivate her.
Basa silang parehas nang makabalik sa palapag kung nasaan ang mga unit nila. Nakita ni Bella na nasa labas na ang mga gamit niya.
Nalungkot siya sa sitwasyon.
Malungkot siyang lumapit sa mga gamit. Pwede siyang magrenta ng apartment at maghanap ng part-time job. Tulad nga ng sabi sa kanya ni Kai, naniniwala ito na kaya niya ang problema na iyon. Naging pakunswelo na lang niya sa sarili ang isipin na mas maraming tao ang may mas mabigat na problema kaysa sa kanya.
"Don't worry, my Angel. Promise ko sa iyo na babalik ka sa kwartong iyan, bukas" sabi ni Kai.
Saka siya nito tinulungan na ipasok muna ang mga gamit sa unit nito.