Chapter 128 - Audition (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pinatuloy muna ni Kai si Bella sa tirahan niya dahil alam niya na mababawi ni Bella ang condo unit nito at kusang loob na ibibigay ng madrasta nito sa kanila ang susi. 

May inutusan na siyang Dark Guard para imbestigahan ang may edad na babae kahit nasa Japan pa ang mga ito. Nakisuyo din siya kay Cally na hiramin ang tauhan ni Zuki na si Hawk, kaya nagsisimula na rin itong maghanap ng pwede niyang ipang-blackmail sa madrasta ni Bella. 

"You can stay in this room. I'll sleep on the couch outside" sabi ni Kai. 

"Y-you can stay here, I will be the one to sleep outside. Your couch is shorter than you.. And.. And uncomfortable" sabi ni Bella. 

Nahihiya naman siya na siya na nga itong nang-abala, ipapagamit pa sa kanya ang kwarto nito. 

"It's okay. Ngayong gabi lang naman."

"T-tabi na lang tayong dalawa." sabi ni Bella na hindi-makatingin sa binata. 

Napalunok naman si Kai. Is she inviting him? Iwinaksi niya sa isip ang bagay na iyon dahil parehas pa silang bata at kapwa estudyante. 

"Wala ka namang gagawin sa 'kin… di ba?" halos hindi makatingin ang dalaga at tila inosente ang tanong nito. 

Namula ang pisngi ni Kai. Hindi niya maipapangako, pero sinagot niya ito ng "Wala" 

"Then, let's sleep together here." umusog si Bella sa gilid. Walang nagawa si Kai kung hindi ang tabihan ito. 

Pinatay niya ang ilaw na nakadagdag sa tensyon sa loob ng kwarto. 

"Bakit ka nga pala napauwi bigla?" usisa ni Bella para mawala ang tensyon nila ng binata. 

Sumimangot si Kai nang maalala na kailangan niyang maging trainee sa MGM. Pero mabuti na rin at tinanggap niya ang hamon ni Cally dahil naabutan niya si Bella na inaapi ito ng madrasta nito. 

"May trabaho kami ni Prin." sagot ni Kai

"Pwede akong sumama?" 

Kai "..." 

Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Bella na hindi normal ang trabaho nila ng kaibigan nito. Pero naisip niya na kailangan rin ni Bella ng trabaho at magandang pagkakataon na isama nila ni Prin ang dalaga. 

"I'll ask Cally." simpleng sagot ni Kai. 

=====

Kinabukasan nagkita-kita si Bella, Kai at Prin sa opisina ng MGM. 

Nagtaka si Prin kung bakit kasama ng binata si Bella. 

"Hello My Friend! I need a job kaya nagtanong ako kay Kai kung pwede rin akong mag-audition." nakangiting sabi ni Bella na mas maganda pa sa bukang liwayway. 

Nakangiti lang din ang binata sa tabi ni Bella. 

Alam ni Prin na masaya lang ang 'ugok' dahil kasama nito ang Angel nito, pero alam niyang sa loob-loob ni Kai ay nagrereklamo talaga ito dahil kailangan nila na mag-audition ng pagsayaw o pagkanta.  

Dadaan sila sa normal na proseso ng pag-o-audition para hindi sila paghinalaan. Si Yolly Zamora na isang Trainer at Manager ng mga trainees ang kausap ni Cally.  

Alam ni Yolly na spy si Prin at Kai. At asawa ni Cally ang babae kaya kailangan niyang magdoble ingat at alagaan ito ng mabuti. Unang beses niya na makita si Cally ay hindi niya akalain na bata pa ito. Gayunpaman, hindi rin lingid sa kanila na masyadong alaga ng Presidente si Prin lalo at nabigyan siya ng warning ni Xander. 

Nabigla pa nga siya nang malaman na may nagbebenta ng droga sa MGM Management. 

Bente singko ang lahat na mag-o-audition na gaganapin sa isang theater na matatagpuan sa gitnang bahagi ng MGM Buildings. Panghuli silang tatlo sa magp-perform. 

Isang Japanese piece ang sasayawin at kakantahin ni Prin na may title na 'Black Angel'. 

Si Bella ay kakanta ng Titibo-tibo. Anak siya ng isang celebrity kaya marunong at sanay siya sa ganoon. Samantalang si Kai ay sasayaw ng Always ni Cher. Wala siyang maisip na performance kun'di ang sayawin iyon. 

Nasa isip ni Kai at Prin na hindi naman nila kailangan talaga na galingan dahil makakapasok pa rin naman sila bilang bagong trainees. Naghanda pa rin sila ng mga nakalipas na araw kahit nang nasa Taiwan pa si Kai dahil hindi rin naman kaya ng sikmura nila na basta na lang makapasok. 

Kinakabahan si Prin dahil iyon ang unang beses na magp-perform siya sa stage. 

Napansin nila na may mga lumabas ng theater na luhaan at halatang hindi nakapasa. May mga pasado rin naman. 

Agaw-pansin silang tatlo nila Kai at Bella dahil hindi sila nagp-practice at tamang nagmamasid lang. Hindi katulad ng mga kasama nila na todo pa rin ang practice kahit naghihintay sa hallway. 

Ang dalawang magjowa na kasama ni Prin ay tila ginawang dating place ang audition at nagmukha pa siyang third-wheel ng mga ito. 

Sa wakas ay dumating na ang oras nilang tatlo. Naunang tinawag si Kai sa loob para mag-perform. 

"By the way, my friend. What is exactly going on?" usisa ni Bella. Nasa isip ng dalaga na hindi basta mag-o-audition si Kai at Prin bilang bagong trainee sa MGM.