Alam ni Prin na hindi magk-kwento si Kai sa dalaga kahit nobya pa nito si Bella tungkol sa misyon nila bilang trainee. Wala rin naman siyang plano na magkuwento sa kaibigan pero mas mabuti na siguro na magsabi siya dito kahit kaunti.
Titig na titig si Bella sa kanya kaya hindi niya nagawang magsinungaling sa babae. Humugot muna ng malalim na hininga si Prin bago nagpatuloy.
"Alam ko na kahit papaano ay may naiintindihan ka sa nangyayari. I know that you noticed that we knew martial arts. Honestly, we are more skilled than martial artists."
Hindi na nagulat si Bella doon. Sa ilang beses kasi na kasama niya sa Prin, muntik na siyang mapahamak pero madalas na nililigtas siya nito.
"We trained hard in the past. Para kaming sinulid na papasok sa butas ng karayom. And… Cally is not just a boyfriend. He is my husband" pagbibigay-alam niya dito.
Doon nanlaki ang mata ni Bella at napatayo pa ito. "Whaaat!?"
Hinila niya ulit ang dalaga paupo at sinabihan na huwag maingay. "Shhh… Hey, huwag kang maingay, it's a secret."
"H-how come I didn't know?" ang akala ni Bella ay magka-live in lang si Prin at Cally kaya madalas na magkasama ang dalawa. Kaya lahat din ng meron ang lalaki ay naibabahagi nito sa kaibigan niya. Hindi niya akalain na mas malalim pa pala ang samahan ng dalawa at sa edad nitong disin nuwebe ay magpapakasal na si Prin si Cally.
Saka wala talagang balita na na may asawa na si Cally kahit sa MGM office bilang naroon nagtatrabaho ang Daddy niya.
"Sorry my friend, ayoko lang kasi na iba ang isipin mo sa akin noon kaya ang pakilala ko ay mag-nobyo lang kami ni Cally. Alam mo naman ang Philippine culture, kapag nalaman na nag-asawa ako ng bata pa, they will mock me. They would think I will get pregnant or soon be pregnant." mahabang paliwanag ni Prin.
"But don't you have any plans to get pregnant?" tanong ni Bella.
Napakamot sa ilong si Prin at namula ang pisngi. "We talked about it and…yes, hindi muna kami mag-b-baby dahil nag-aaral pa ko." simpleng sagot ni Prin. Sa loob-loob niya ay hindi talaga simple ang dahilan.
Napag-usapan nila ni Cally na hindi magandang ideya na magkaanak sila nito sa kasalukuyan. Malalagay sa alanganin ang anak nila kaya nagkasundo sila na saka na magkakaroon ng baby kapag nasiguro na nila ang kaligtasan nila.
Hindi pa lumilipas ang taon nang dukutin ang asawa niya at alam nila na nagmamatyag lang ang taong iyon sa kanila.
Sasagot pa sana si Prin nang tawagin ang pangalan ni Bella na susunod na magp-perform.
"Good luck!" sabi niya dito.
Sa loob ng theater, natuwa ang mga auditioner sa ginawa ni Kai. Ginamit niya ang martial arts skills niya para magawa ng maayos ang performance.
"We can train you para mag-model"
"Yes, tingin ko ay okay na i-train ka namin para maging modelo." ito ang mga komento sa kanya. Ayos na iyon, ang mahalaga makapasa siya bilang trainee.
Sumunod si Bella sa stage. Nanghiram siya ng gitara para magawa ng maayos ang performance niya. Inisip niya na kailangan niya ng trabaho kaya kailangan niyang galingan.
Sa personality pasado si Bella sa auditioner.
Si Kai sa kabilang banda ay nanatili sa theatre. Nanatili siya para manood sa ibabang bahagi ng stage dahil natagpuan niya si Cally na nagsosolong nakaupo doon. Hindi siya nagawang palabasin dahil si Cally ang kasama niya. Seryoso siya na pinakikinggan ang bawat salita at tono ni Bella kahit ang kilos ng kamay ng dalaga habang tumutugtog ito ay hindi niya pinalampas.
He fell in love deeper sa babaeng ito. Sa palagay niya, nadadagdagan ang pagkagusto niya sa dalaga araw-araw. Bella's speaking voice is sweet and her singing voice is much sweeter. Para siyang highschool na kinikilig at namumula habang nanonood.
Pagkatapos ni Bella, halatang kinakabahan siya na naghihintay ng sagot mula sa audioner kung pasado ba siya o hindi. Matapos ang ilang sandali at sabihin sa kanya ang mga dapat niyang gawin, gusto niyang tumalon sa saya nang sabihin na pasado siya.
Kai is also happy na nakapasa ang nobya niya.
"Tsk! Your Angel is surprising." puna ni Cally.
"Of course because she is my Angel." mayabang na sabi niya kay Cally.
Ilang saglit lang nakita na nila na naglalakad si Prin sa stage. Pansin ni Kai na kinakabahan din si Cally para sa asawa nito.
Humugot ng malalim na hininga si Prin bago niya narinig ang tugtog saka siya nagsimulang magperform.
Wala namang kaso kahit Japanese song pa ang gagawin niya dahil ang mahalaga makatapos siya ng audition.
Lihim na natatawa si Cally habang pinapanood niya ang Honey niya na sumayaw at kumanta.