Chapter 130 - Sweetest Reward

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sumaglit si Cally sa  MGM theatre dahil gusto niyang panoorin si Prin kung paano ito sumayaw. Sa mga nakalipas na araw, nagp-praktis ang asawa niya sa Matsui VIlla at todo tanggi ito na makita niya kung paano ito sumayaw. O kung paano ito magpraktis.

Prin performed like a living anime on the stage. She's so cute in everyone's eyes. Natatawa naman ng lihim si Cally dahil na-enganyo niya ang asawa niya na magsuot ng Card Captor Sakura costume na nababagay sa kanta nito.

Tulad ng inaasahan, pasado si Prin. Si Yolly ang mag-a-arrange ng schedule nila sa mga darating at kailangan nilang alamin ang identity ng taong hinahanap nila sa mas mabilis na paraan.

Nakasimangot naman si Prin na humiwalay sa dalawang magkasintahan para puntahan si Cally sa opisina nito. Bukod sa ayaw niya ng kausapin pa ang dalawa dahil nagmumukha lang siyang 'extra' sa harapan ng mga ito, gusto niyang pagalitan si Cally dahil sa pinagawa nito sa kanya.

Pagdating niya sa floor, sinalubong siya ni Cally na nakasuot ng itim na loose pants at active shirt. Kumunot ang noo ni Prin nang makita ang ayos nito.

"Where are you going?" tanong niya dito. 

Hindi sumagot si Cally. Sa halip, inakbayan lang siya nito kahit nakasuot pa siya ng costume na Card Captor Sakura patungo sa kung elevator.

Magkaiba sila ng awra ni Cally habang nasa tapat ng elevator. Si Cally mukhang magliligtas ng Prinsesa samantalang siya, mukhang maghahanap ng spirit cards.

Nakakunot ang noo na sumunod siya sa asawa hanggang sa makaakyat sila sa  pinakataas na palapag kung saan naroon ang Helipad. Wala naman siyang makitang helicopter bukod sa mga gear na kung anu-ano na nasa lapag. Alas sais na ng hapon ang oras kaya nagsisimula nang lumamig lalo at nasa itaas na bahagi sila ng building.

Nililipad pa ng hangin ang palda ni Prin dahil sa lakas ng hangin.

Hindi nagsalita si Cally at basta na lang siya sinuotan ng gear at safety belt sa tiyan saka ni-lock iyon ng mahigpit. 

Ginalaw-galaw ni Cally ang belt na nakakabit sa katawan niya para masiguro kung safe iyon. Saka siya sinuotan ng gloves sa kamay at pinapalitan ang suot niyang sapatos. 

"Husbie, ano ang gagawin natin?" may ideya na si Prin sa gagawin nila pero hindi niya pa rin naiwasan na mag-tanong.

"Lilipad." Kinabit ni Cally ng mabilis ang hook ng belt na nakakabit sa katawan nito sa hook na parte ng helipad tatlong metro ang layo sa pinaka dulo na bahagi ng gusali saka ito tumakbo at basta na lang tumalon.

Hindi na siya nagulat sa ginawa ni Cally. Ginaya niya ang ginawa nito, kinabit din niya ang safety belt sa hook saka sumunod. Hinintay siya ni Cally dalawang palapag mula sa pinakatutok kung saan sila nanggaling. 

"This is my reward dahil nagawa mo ng maayos ang trabaho mo."

Literal silang nasa gilid ng MGM Building at natutuwa si Prin sa gagawin nila ni Cally.  They watch the sunset habang nakasabit sa gilid ng building. Mahigpit ang pagkakahawak nila parehas sa tali at sa lock

Hinintay nila na lumubog ang araw saka siya hinapit nito.

"Honey, you are the cutest among my artist and the cutest who climbed a wall so far" biro nito dahil nakasuot pa siya ng costume, hindi normal na suot kung magw-wall climbing. 

"Syempre, I have to support my husband" 

Biglang sumeryoso ang asawa niya.

"Saksi ang city of Manila, I want you to know that I, Cally Han will never loved any other girl aside from my wife." 

Saka nito sinakop ang labi niya.

Ang pangarap ni Prin na mahalikan ni Cally habang nagw-wall climbing ay natupad habang nasa paligid nila ang magandang tanawin. Unti-unting lumulubog ang araw sa gilid. 

Para siyang nalasing sa halik ng asawa niya, dahilan para muntik nang mabitawan ni Prin ang tali na hawak para manatili sila sa pwesto. Mabuti na lang at nakahawak ito sa bewang niya. 

"Naniniwala na ko na 'Safety first bago kissing'" sabi nito sa kanya.

"Gan'on, mabuti nga at kissing lang at hindi mags.e.x sa gilid ng building"

"idiot! Who will do that?"

Tumawa lang si Prin sa naisip niyang kalokohan. Tumitig siya kay Cally matapos ang ilang sandali.

"I love you so much, Husbie" bulong niya kay Cally. 

Hinalikan pa siya nito sa huling pagkakataon.

"Okay, let's end this. paunahan!" sabi nito saka sila parang mga langgam na nagtagisan pababa ng building.