Chapter 131 - Her Boytoy

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kumakain si Kai at Bella ng hapunan sa isang seafood restaurant na malapit sa Blue City Condo Tower nang isang tao ang nakita niya na papalapit sa kanila. Ang madrasta ni Bella.

Kinakabahan siya, samantalang kalmado naman si Kai. Lihim na inangat nito ang labi.

Iniisip niya na baka ipahiya na naman siya ng ginang doon na alam niyang imposible rin na gawin nito dahil kilala ang babae bilang asawa ni Martin Hernandez, ang Daddy ni Bella.

Hindi nito basta-basta sisirain ang imahe sa publiko.

Huminto ang ginang sa harapan ng magkasintahan. Hindi ito nagsalita at basta nilapag ang susi ng condo sa mesa, sa tapat ni Bella.

Halata ang pagtataka sa mukha niya kung bakit biglang sinauli nito ang susi sa kanya.

Hindi ito nagsalita at basta na lang sila tinalikuran.

"Excuse me? Wala ka bang sasabihin?" habol ng binata sa ginang.

Si Bella naman ay walang maintindihan sa nagaganap. "Babe, huwag mo na siyang pansinin." Bulong niya.

Saglit na natuwa si Kai dahil unang beses siyang tinawag ni Bella ng 'Babe' and he is happy. Pero mas inuna niyang intindihin ang ginang.

Lumingon ang ginang sa kanilang dalawa. Nakangisi ng todo si Kai, wala namang maintindihan si Bella. Sumandal si Kai sa silya kung saan siya nakaupo at naghihintay sa sunod na gagawin ng ginang.

"Hindi ka pa nagso-sorry sa girlfriend ko" hindi na nakatiis na sabi ng binata.

Nakakuyom ang magkabilang kamao ng ginang na lumapit kay Bella. Napausog naman ang dalaga dahil baka may gawin ito sa kanya.

"S-sorry…" mahinang sabi nito at halatang labas sa ilong.

Bella "...."

"Okay na ba?! I have to go! Nabalik ko na ang susi, siguro naman ay okay na." Mataray na sabi nito kay Kai.

Labis-labis ang pagtataka ni Bella kung ano ang ginawa ni Kai para mapaamo nito ang ginang. Ano ang nangyari at ibigay nito pabalik ang susi ng condo sa kanya?

"Hindi pa ko tapos. I don't want to see you kahit na sa ground floor lang ng Blue City... You can go now!" Saka ito inismiran ni Kai.

Halata ni Bella na nagtitimpi ng galit ang madrasta niya.

"I will not promise na huli na natin itong pagkikita. Hihintayin ko ang araw na maghihiwalay kayo, saka kita babalikan" banta pa nito kay Bella.

"Well, goodluck na lang sa paghihintay mo, dahil kinakain na ng uod ang katawan mo, hindi pa kami naghihiwalay! Umalis ka na lang." Nabubwisit lang si Kai na makita ang babae sa harapan niya.

Hindi naman ito ang magulang ni Bella kaya bakit niya igagalang ang babae? Ang lakas pa ng loob nito na isumpa ang relasyon nila ng Angel niya.

Gamit ang mga koneksyon, napag-alaman niya na may nilalanding binata ang ginang. Nasa edad trenta pataas ang boyfriend nito sa ngayon.

Sakto pa na nakakuha sila ng mga picture ng mga pagpasok ng ginang sa motel na kasama ang lalaki nito. Lahat ng ebidensya ay nakuha ni Kai sa loob lamang ng magdamag.

Kaya tulad ng pangako ni Kai kay Bella, sa araw na iyon ay babalik ito sa tirahan nito.

*****

(Pag-alala ni Kai sa naganap)

Nang umaga na iyon, tinawagan niya ang ginang habang natutulog pa si Bella.

"Ibalik mo ang susi sa girlfriend ko, ako ang lalaki na tinawag mong taga-iskwater." Pakilala ni Kai sa ginang. Nagulat ito dahil nalaman niya ang numero ng personal nitong telepono.

"At bakit ko gagawin?" Tila nais nitong makipagmatigasan sa kanya.

"Simple lang... because I know your secrets. You have a boyfriend recently at sigurado ako na hindi mo magugustuhan kapag lumabas ang balita na ito, tama?"

"You are just bluffing! I don't want to talk to you!" Hindi siya nito pinaniwalaan. Maingat ang ginang sa mga paglabas-labas nila ng boyfriend nito kaya bakit siya agad maniniwala. Isa pa, may magagawa ba ang isang taga-iskwater sa kanya?

Balewala na binabaan nito ng telepono si Kai.

Kaya ang ginawa ng binata, inutusan niya ang tao ni Zuki at nagpahatid siya ng hard copies ng mga kalokohan nito sa manager ng babae. Naka-atensyon pa rin naman ang brown envelope sa ginang na may lamang mga pictures at palitan nito ng mensahe sa lalaki nito.

Mas may trill nga lang kung ang makakatanggap ng envelope ay ang manager nito. Para maisip nito na hindi siya nagbibiro at seryoso siya na bawiin ang bahay na dapat ay kay Bella.

Nang hapon, matapos ang audition nila, hindi na nagulat si Kai nang makatanggap ng tawag sa babae at sinabi niya ang gusto niya dito.

"I want you to give that condo unit to Bella as a gift. I will pay the donation tax pero gusto ko na mapunta na ng tuluyan ang condo unit na iyon sa girlfriend ko."

"Nahihibang ka ba?!" Galit ito sa kabilang linya.

Umismid si Kai. "Hindi ako nahihibang. Sa ating dalawa ikaw ang nahihibang. I can buy Bella a bigger condo unit kahit ngayon, but I want that place for her" sa pananaw ni Kai, karapatan ni Bella ang kung ano mang bagay ang ibinigay dito ng Daddy nito. Kaya binabawi niya lang kung ano ang pag-aari ng girlfriend niya.

"You? Will buy her a bigger condo? Huwag mo nga akong patawanin" panghahamak nito. Naniniwala kasi ang ginang na walang lalaki na may sinasabi sa buhay ang magkakagusto kay Bella. Katulad lang si Bella ng Mommy niya.

"Oh! So you really thought that I'm a boytoy?"

"Bakit? Hindi ba?"

"I respect your decision but try to search my name. The Google has it. Anyway, meet us at a seafood restaurant near Blue City Tower at ibalik mo ng personal ang susi sa girlfriend ko. Bye!"

Bilang modelo at asawa ng aktor, may reputasyon na pinahahalagahan ang babae, kaya nanggigigil ito na pumayag sa gusto ni Kai.