Nagtungo si Prin, Kai at Bella sa Training Hall kung saan gaganapin ang meeting. Ipapakilala sila sa mga naunang nakapasok na trainees. Sinusundan nila si Ms Yolly Zamora hanggang makarating sa training hall.
Naroon na ang limang bagong trainees, dalawang manager at ang tatlo pa na nakapasa rin sa audition tulad nila. Sa bente singko na nag-audition, anim lang sila ang nakapasok.
Hindi alam ng anim kung anu-ano ang mga ginawa nila noong audition bukod kay Kai dahil napanood nito ang performance ni Prin at Bella.
Titig na titig kay Kai ang mga babae na trainees at hindi na nabigla si Prin. Sorry na lang dahil kasama ng binata ang 'Angel' nito.
Si Bella ay masaya na papasukin niya ang mundo ng Daddy niya.
Sinimulan na ipakilala ang lahat. Pinakikinggan naman ng mabuti ni Prin ang lahat habang nagsasalita ang bawat isa para masino niya ang taong narinig sa ladies comfort room, lalo na sa naunang trainees sa kanila dahil isa sa mga ito ang suspek, pero hindi niya nakilala ang boses kahit isa sa limang naunang trainees.
Posible na nakadagdag ang echo sa CR ng araw na iyon o kaya naman ay dahil halos pabulong lang na nagsalita ang taong hinahanap niya. Hanggang sa madinig niya ang boses ng isang manager, si Ms Cristy Evangelista at ang kasabay nila na nag-audition, si Andy Perez.
Sigurado si Prin na narinig niya ang boses ng dalawang babae sa restroom. Ginamit niya ang daliri para senyasahn si Kai na nasa tabi, nakuha nito agad ang signal. Kalmado lang silang dalawa na pinuna ang parehas na babae.
"So, I hope everyone will work hard" sabi pa ni Ms Cristy.
Iniwan sila nito at ni Ms Yolly para daw magkakilanlan ang lahat. Matapos makaalis ng dalawang manager, lumabas agad ang sungay ng dalawa sa naunang trainees.
"Kayong mga bago, huwag ninyong isipin na porque nakapasok kayo ay may chance nang mauna kayo na makakuha ng trabaho sa 'min. Ilang buwan na kami dito at iilan pa lang ang trabaho na nakukuha namin." Nakilala niya si Susan Yu na nagsalita.
Nakataas lang ang kilay ng kasama nito.
Hindi naman ito pinansin ni Prin at hinarap si Kai at Bella. Hindi siya nagpunta sa training hall para maghanap ng kaibigan kaya hindi niya pinansin ang reklamo ng babae.
Sigurado si Prin na kung walang Bella silang kasama, iritable ang hitsura ni Kai sa mga oras na iyon. Kaya hindi na siya nagtaka na kalmado ang lalaki at very supportive boyfriend sa kaibigan niya.
"Alam mo Leader MB5, nakakatakot ka na ngayon. Totoo nga na nagbabago ang lahat sa pag-ibig" pagbibiro niya dito.
"Pwede kong i-suggest kay Ms Yolly na gawin kayong Love Team. Bagay e!"
"Sorry na lang dahil pang pribado lang ang relasyon namin. Bakit kailangan pa namin maging love team sa MGM, e Love team kami in real life?" sagot sa kanya ni Kai.
Namumula lang si Bella sa tabi nito.
"Hay grabe… makata ka na rin ngayon!"
"Power of Love…" sagot ni Bella.
Panay ang ngisi nila nang lapitan sila ng dalawang babae.
"Hey, Kayo!" nakahalukipkip pa ito at nakataas ang kilay ni Susan.
"Magpraktis na tayo, bawal ang tatamad-tamad." sabi nito.
Tiningnan lang ni Prin ang babae dahil wala siyang plano na magpraktis. Ang role niya doon ay alamin kung sino ang 'tulak' kaya bakit siya mag-eeffort na sumayaw at kumanta.
Isa pa, she's a boss kaya gagawin niya ang gusto niya.
"Bawal magligawan dito" sabi pa ng kasama ni Susan.
"Hindi na kami magpapraktis dahil mas gusto niyo naman na makakuha ng trabaho kaysa sa amin. Kaya nga mas maganda kung galingan niyo at huwag niyo na kaming intindihin pa." sabi ni Prin dito.
Si Bella at Kai ay tamang nakikinig.
"I'm not talking to you!" sagot kay Prin.
Inikutan na lang ni Prin ng mata ang babae. Naiintindihan niya na kung bakit wala pang kontrata na nakukuha ang dalawang babae. Parehas kasing walang ginawa kun'di ang silipin ang ginagawa ng kapwa trainees.
"Mabuti pa Leader Kai, ilibre mo kami ng Ramen ni Bella." sabi niya sa lalaki. Alam niyang maraming pera si Kai kaya kinapalan niya na ang mukha na magpalibre.
"Ayoko." sagot nito.
"What? Daming pera, ayaw manlibre."
"Mas mabuti pa nga, Babe. Gusto kong kumain" aya dito ni Bella.
"Okay!"
Prin "..."
Isang aya lang mula sa nobya nito ay payag na, samantalang siya madami pang diskusyon.
Sumunod na lang siya sa dalawa para lumabas.
"Hey! Where are you going?" puna ni Susan.
"Kakain dahil nagutom kami sa ngawa mo" sagot ni Kai dahilan para mapahiya ang babae.
"Alam mo Leader, mabuti at hindi natin kasama si Bella sa training ng Dark Guards. Kung hindi, baka nagbubuhay prinsesa siya habang kaming lahat ay pinarurusahan mo" puna niya habang papunta sa Ramen House na nasa ibaba lang ng MGM Building.
"She doesn't need to be a Dark Guard because I am here para iligtas siya."
Gusto ng sumuka ng dugo ni Prin sa narinig. Nasaan na ang striktong Kai? na ayaw ng pabebe, pero naging pabebe na ngayon?
Habang umoorder, sabay silang nakatanggap ng mensahe mula kay Cally.
[Meeting at Matsui Villa, 4PM]