Chapter 134 - Suspects

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Maaga silang nagpaalam kay Ms. Yolly para makauwi dahil kailangan pa nilang um-attend ng meeting sa Matsui Villa. Sinigurado muna ni Kai na naihatid nila si Bella bago sila tumuloy sa Matsui Villa.

Hindi nila maaring iwan si Bella sa training hall lalo at hinahanap pa nila ang taong 'tulak'.

'Pag dating ni Prin at Kai sa general hall kung saan gaganapin ang meeting nila ay naroon na si Cally, Xander, Cobra at Zuki. Naroon din si Rob na pare-parehas na naka-indian sit sa bawat gilid ng Japanese table.

Tinabihan ni Prin ang asawa na hawak ang laptop nito na nakakabit sa isang projector. Si Kai sa isang gilid.

"Let's start!" Simula ni Rob. Saka diniliman ng kaunti ang kwarto.

"Okay, kaya ko kayo pinatawag nang biglaan para mas mabilis na ma-identify ng bawat isa ang taong hinahanap natin." Si Cally.

"Nang nakaraang araw, narinig namin ni Prin ang isang transaksyon sa ladies comfort room. Pinahanap ko kay Xander ang CCTV sa hallway na malapit sa lugar para ma-identify ng mas malinaw ang mga taong nasa loob ng comfort room ng mga oras na iyon."

Pinindot nito ang laptop at pinapanood sa kanila ang kuha sa parehas na oras kung kailan nila narinig ni Cally ang transaksyon.

Una nilang napansin ang isang babae na halatang celebrity na pumasok ng CR. Sa tingin ni Prin, ito ang buyer.

Maya-maya nakita nila na magkasunod na pumasok si Ms. Cristy, ang bagong manager at Andy Perez, ang bagong trainee sa loob at sabay din na lumabas kahit hindi pa lumilipas ang isang minuto.

Naguluhan si Prin. Ilang minuto bago nila nakita na may tatlo pang babae na nagsipasukan sa loob na pare-parehas celebrity. Lumabas ang dalawa sa mga ito. Tapos pumasok muli si Ms. Cristy. Lumipas ang isang minuto bago nila nakita ang grupo ng mga babae na pumasok muli sa comfort room.

Bago nila nakita ang naunang celebrity na lumabas kasabay ng dalawa sa mga babaeng bagong pasok. Lumalim ang nasa isip ni Prin dahil wala siyang makuhang lead.

"The bad news is, walang nagngangalang Pia sa mga nakita natin na pumasok ng CR. Good news, is tatlo sa kanila ang iimbestigahan natin." Pagbibigay-alam ni Cally.

"Husbie, may sasabihin pala ako..." Tininganan niya ang bawat isa.

"...Sigurado ako na narinig ko ang boses ni Ms. Cristy at Andy sa comfort room nang araw na iyon. Hindi lang ako sigurado kung sino sa kanila… at parehas ko silang nakita na pumasok sa loob ng comfort room"

Tumango si Cally. "Ang suspek natin…" pinakita ni Cally ang larawan ng tatlong babae at kasama si Ms. Cristy.

Ang unang larawan ay ang naunang celebrity (Celebrity A) na pumasok sa loob ng CR. Pangalawa si Ms Cristy at pangatlo ang isa pang Celebrity (Celebrity B) na kasabay na pumasok ng dalawa pang kapwa celebrity rin.

"Tatlo sila ang tao sa CR nang marinig natin ang transaksyon" sabi ni Cally.

Nanlaki ang mata ni Prin. "Tatlo sila?"

Hindi maiwasan na magtaka si Prin lalo at iniisip niya na hindi makikipag-negosasyon ang kahit na sino nang mayroong witness.

"Yes. And we can't identify kung sino ang buyer o tulak." Paliwanag ni Cally.

Sunod na pinanood nito sa kanila ang CCTV naman sa White Devil. Nang gabi rin na iyon ay kapwa nasa lugar ang tatlong babae at pare-parehas na may date ang mga ito.

"Ngayon, I am certain na isa sa kanila ang hinahanap natin."

Lumalim ang nasa isip ni Prin. "Husbie, I want to see that comfort room. because I think there is something wrong. Dalawang tao lang ang nadinig natin. How come na tatlo ang naiwan?"

"Dahil nadinig natin ang nag-uusap malapit sa bintana at posible na nasa dulong bahagi ng cubicle naroon ang isa pa."

"Pwedeng si Celebrity A ang talagang hinahanap natin dahil siya ang pinaka-nagtagal sa CR. Pwede rin naman na si Ms Cristy at Celebrity B."

"I think the 'Pia' we are looking is the celebrity A." Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Kai.

"I think so too. Dahil siya ang pinaka-nagtagal sa CR at base narin sa narinig ninyo ni Prin, matagal na siyang hinahanap ng kung sino man na bagong pasok." Si Rob.

"Kung nagkataon na nadinig niya lang ang usapan, sigurado na nasa alanganin ang lagay niya." Si Zuki.

"Kai and Prin, manmanan niyong mabuti si Ms Cristy sa opisina. Zuki, ikaw ang bahala kay Celebrity A. Cobra, ikaw ang totoka kay Celebrity B" utos ni Rob.

"By the way, may balita ba kay Mr. Sy?" Tanong ni Cally.

"Ang balita ay nasa south siya ngayon at may posibilidad na siya ang leader ng South Caracass, may posibilidad din na partner siya ng talagang leader nito." Pagbibigay-alam ni Zuki.