Chapter 135 - What is happening?

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Habang pauwi, hindi maiwasan ni Prin na isiping mabuti kung sino ang taong hinahanap nila. Seryoso siya na pinagtutugma ang narinig nila ni Cally sa napanood nila na lumabas-masok sa loob ng Ladies comfort room.

Kinuha niya ang laptop at sinimulan na i-play muli at pinag-aralan ng paulit-ulit ang kuha sa CCTV .

Nilingon naman siya ni Cally sa tabi dahil sa pananahimik niya. "Honey, okay ka lang ba? Ilang linggo na lang at tapos na ang bakasyon niyo sa school. We have to know the person's identity as soon as possible."

Nilingon niya si Cally. Halata na seryoso rin siyang makita ang taong hinahanap nila. "Husbie, I am sure na isa si Ms. Cathy sa narinig ko na boses sa comfort room."

"Kaya nga galingan mo ang pagsayaw at pagkanta para makuha mo agad ang sagot."

Tiningnan niya ito ng masama. "Hmp! Sigurado na pinagtripan mo lang kami ni Kai pero alam mo naman talaga na hindi na namin kailangan na mag-audition 'di ba? Gusto mo lang talaga na parusahan kami parehas" saka niya ito inirapan.

"Wow Honey, I am happy for you!" sabi nito sa kanya.

"Bakit?" takang tanong niya dito.

"Dahil tumatalino ka na. You are getting brilliant day by day."

Prin "..."

Ang galing ng asawa niya 'di ba? Tama bang tudyuin siya kahit sa oras na iyon. Sakto naman na huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.

Tinitigan niya ito ng masama. Hanggang sa mga oras na iyon ay inaasar pa rin siya nito at tinutudyo siya sa kakayanan ng utak niya.

"Honey, don't give me that look. Iisipin ko na gusto-gusto mo nang makita ang little monster ko kaya palagi kang nakasimangot o galit."

"Y-y-you?!"

Nakangisi lang ang asawa niya at tila natutuwa pa ito lalo sa mga reaksyon niya. "Yes Honey? It's not my fault. Nakalimutan mo na ba ang sabi ng doktor na one month kang suspended at wala pang one month ang lumipas nang maospital ka."

Parang siya pa ang sinisisi nito sa nangyari.

Sasagot pa sana si Prin nang mag-ring ang telepono ni Cally. Si Zuki ang tumatawag sa asawa niya.

"Yes?" sagot ni Cally na nakaspeaker

"Shi, may problema. 'Yung pinababantayan mo sa aking celebrity... namatay"

Nanlaki ang mata ni Prin sa narinig. Nagkatinginan sila ni Cally.

"What happened?" usisa ni Cally.

"Overdosed sa drugs" sagot nito sa kabilang linya.

"Please investigate kung ano ang nangyari." huling sabi ni Cally saka ibinaba ang tawag. Sunod na tinawagan niya si Xander.

"Master?" sagot nito sa kabilang linya.

"Celebrity A died due to drug overdose. Please call her manager and confirm kung ano ang nangyari" utos ni Cally.

Halatang nagulat din ang binata sa kabilang linya. Lumaki ang problema nila lalo at under ng MGM management si Celebrity A na pinasusundan nila kay Zuki.

"It means, she was the buyer we are looking." nakapangalumbaba na usal ni Prin.

"Hindi pa tayo sigurado. Posible na kusa siyang pinatay dahil naroon siya sa lugar."

Ilang saglit pa tumawag din si Cobra. Kinakabahan silang parehas dahil mukhang hindi rin maganda ang balita na sasabihin nito.

"Master, papunta ng airport si Celebrity B." sabi nito sa kabilang linya. Napakuyom ng kamao si Cally. Mukhang dumating ang problema nila hindi pa man lumalalim ang imbestigasyon..

"Pigilin mo siya, bring her sa opisina kung kinakailangan. I think we don't have a choice now kung hindi ang usisain sila ni Ms. Cathy. Call Zuki and tell him to bring Ms. Cathy sa MGM office."

"Master... iyan pa nga ang rason kung bakit ako napatawag." sabi nito.

Kinakabahan si Prin at Cally sa sasabihin ni Cobra dahil mukhang hindi maganda ang balita nito.

"...Namatay din sa overdose si Ms. Cathy"

Lalong nanlaki ang mata ni Prin. 'Shit! What is happening?'

Bakit isa-isang namatay ang suspect nila, hindi man lang lumipas ang isang araw. Pinakalma ni Cally ang sarili. "Get Celebrity B. tell her na pinapatawag ko siya sa opisina ko."

Walang nagawa si Prin at Cally kung hindi ang bumalik sa opisina.