Chapter 136 - Mystery in Ladies Comfort Room (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kinakabahan si Celebrity B, o tawagin natin sa pangalang Jopay. Kadarating niya lang sa paliparan kahit dis-oras ng gabi. Nagsuot siya ng shades para hindi makilala.

Bago siya lumabas ng sasakyan ay isang malakas na ring ang nagpakabog sa dibdib niya.

Isang kilalang numero ang tumatawag.

"T-they are dead." bungad niya dito.

"W-what about me?" kinakabahan niyang sabi sa kausap.

"Mangibang bansa ka na muna. Nasa Airport ka na ba?" sagot nito sa kabilang linya.

"Yes… pero --" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil pinutol na nito ang tawag. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba.

Siguradong sira ang career niya dahil sa nangyari. Kumuha muna siya ng yosi na nakapatong sa ibabaw, saka iyon sinindihan. Para siyang maiiyak na hindi maintindihan. Stressed ang lahat ng parte ng katawan niya dahil sa nangyari.

Binuksan niya ang bag at nakita niya pa doon ang dalawang piraso ng drug pills. Halos maiyak siya na nagkaroon siya ng problema dahil dito.

Nang dahil sa droga at pagmamahal ay sinira niya ang career niya na inalagaan sa loob ng maraming taon.

Habang kumakabog ang dibdib, isang katok sa bintana ang bumulabog sa kanya na halos lumundag ang puso niya dahil sa bigla. Hindi niya kilala ang lalaki na kumakatok sa bintana.

Nakasombrero ito kaya hindi niya namumukhaan. Seryoso ang mukha nito. Inulit nito ang katok kaya napilitan siyang buksan.

Binuksan niya ang bintana pero nanlaki ang mata niya nang maglabas ito ng patalim at akmang ip-pwersa patungo sa kanya.

"Ahhh!!!" tili ni Jopay.

Noon niya lang napagtanto na hindi dumeretso sa kanya ang patalim dahil isang kamay ang pumigil dito. Isang lalaking mahaba ang buhok na hanggang balikat ang pumigil sa kamay ng naka-cap na lalaki.

Kumakabog ang dibdib na lumipat si Jopay sa passenger seat para lumayo.

Pinilipit ng lalaking long hair ang braso ng naka-cap dahilan para mabitawan nito ang patalim.

"Ahh!" hiyaw nito.

Matapos iyon ay gumanti ito ng suntok sa long hair. Gumilid ng kaunti ang mukha nito dahil sa pagkakasuntok at natigilan saglit.

"hmm... mukhang matapang ka. I like it!" ngumisi ito. matapos nito iyong sabihin ay tila sinapian ng demonyo ang lalaking long hair. Gumanti ito ng suntok sa mukha sa una.

Hindi rin naman nagpatalo ang lalaking naka-cap, tumira ito ng ilang sipa na sinangga ni Long hair. Kinakabahan si Jopay, gusto niyang lumabas ng sasakyan pero mas kinakabahan siya na masaktan ng dalawang lalaki.

Kapwa hinihingal ang dalawang lalaki matapos ang palitan ng tira. Dumura pa ng kaunting dugo ang naka-cap sa isang gilid.

Dalawang metro ang layo ng mga ito at kapwa kumukuha ng lakas.

"Sino ka? Masyado kang pakialamero!" angil ng naka-cap.

"Hmmm… pasensya ka na, pero hindi mo siya pwedeng patayin dahil hindi pa siya nakakausap ng master ko." sagot ni Long hair o ni Cobra. Nag-aapoy ang mga mata ng dalawang lalaki para sa isa't isa.

"Wrahhh!" tila galit na sumugod ng sipa ang naka-cap. Sinangga naman ni Cobra ang bawat tira nito. Saka ginantihan din ng sipa sa mukha. Tumilapon ito sa lapag kung saan naroon ang patalim.

Tumayo muli ang lalaki nang hawak-hawak na nito ang patalim at sumugod para saksakin si Long Hair o Cobra. Nadaplisan nito sa braso ang lalaki. Sa gigil ni Cobra, hindi na niya pinatagal pa ang pagkakataon, hinuli niya ang kamay nito at binali gamit ang tuhod.

"Ahhhhh!!" hiyaw nito.

Buong pwersa siyang humugot ng lakas para tirahin sa leeg ang naka-cap dahilan para makatulog ito.

Matapos masigurado na hindi ito magigising sa loob ng ilang oras, binitbit at basta pinasok ni Cobra ang lalaking naka-cap sa likod ng sasakyan ni Jopay.

"Mag-drive ka." utos niya sa babae.

Nangangatog naman si Jopay na sumunod sa kanya saka niya tinawagan si Cally.

"Shi Cally, may gustong pumatay kay Jopay sa airport, hawak ko ang suspek."

Ilang saglit na natahimik ito sa kabilang linya.

"Okay, let's change the meeting place. Bring him to Matsui Villa." utos ni Cally bago nito binaba ang tawag.

"S-shi Cally?" tanong ng babae habang nagd-drive. Hindi ito pinansin ni Cobra. Mas minabuti niya na bantayan ang lalaking nawalan ng malay.

=====

Takot na takot si Jopay na dinala sa general hall kasama ng lalaking gustong pumatay sa kanya. Mas dumoble ang kabog ng dibdib niya.

Hindi siya makatakas dahil secured ang lugar na pinagdalhan sa kanya.

"N-nasaan ako?" tanong niya kay Cobra.

"Master Cally wants to talk to you."

Nanlaki ang mata ng dalaga. Dumoble ang kaba niya lalo't narinig niya ang pangalan ng Presidente.

"K-kuya, ano ang gagawin sa akin ni Master Cally?" natatakot niyang tanong.

"Hindi halimaw si Master Cally para katakutan mo ng ganyan. Unless… may ginawa kang kalokohan sa opisina."

Umangat ang labi ng babae at nangatog.

Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan at pumasok si Cally, kasunod si Prin, Kai, Zuki at Rob.