Chapter 137 - Mystery in Ladies Comfort Room (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Unang beses na makita ni Jopay si Cally. Napakagat siya sa labi, wala siyang ideya sa kung ano ang talagang itsura ng Presidente pero ramdam niya na ang lalaking malakas ang dating na nauuna sa pagkilos ang Master Cally nila. 

Isa pa, may hawig ito sa chairman. 

Kinakabahan siya na yumuko. "M-m-master" uutal-utal na bati niya.

Seryoso lang ang mukha ni Cally at wala siyang makitang emosyon sa lalaki. 

Binuhusan ni Zuki ng tubig ang lalaking naka-cap sa mukha dahilan para magising ito. Bumalikwas ito ng bangon. Pilit man na tumayo ang lalaki tinapakan na ito ni Rob sa dibdib saka tiningnan ng pailalim. 

"Who are you?" tanong ni Rob sa lalaki.

Umangil agad ito. 

"I won't tell you." saka ngumisi.

Hindi na nagdalawang isip si Rob na tapakan sa mukha ang lalaki ng may pag-gigil. 

"Ahhhhh!!!" Sumigaw ang lalaki dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Rob. Umangil ito ng paungol. Abot-abot ang takot ni Jopay sa gilid dahil sa nasaksihan. Nagsimula na itong umiyak. 

Binaba ni Rob ang sariling katawan para pantayan ang mukha ng lalaking naka-sumbrero. Nag-aapoy ang mata nito na tila kayang patayin ang lalaki ano mang oras. 

"Inuulit ko, Sino ka?" 

Nagkikiskis ang mga ngipin ng lalaki dahil sa sobrang galit kay Rob. 

Umismid si Rob "The truth is, hindi ko naman kailangan na hingin ang sagot mula sa iyo. Kaya kong alamin kung sino ka sa mas mabilis na paraan pero mukhang mag-eenjoy ako na paglaruan ka muna." sabi nito sa nakakademonyong boses.

Napalunok ang lalaki. Pero halata na hindi pa rin ito magsasalita. 

"Ikaw!" binalingan nito si Jopay. 

"Hu-huwag niyo po akong saktan" nakikiusap na sabi ng babae.

"Dad, Calm down, kami na ang bahala ni Cally sa kanya." hinawakan ni Prin ang daddy niya at pinakalma. Nakahalukipkip lang ito na nag-indian sit sa pinakasulok. 

"You!" tawag ni Cally dahilan para mapatuwid ng tayo ang babae. 

"I want to know kung kailan ka pa nagsimulang magbenta ng droga sa opisina." seryoso na sabi ni Cally sa babae. 

Bilang lingon kay Cally ang lahat. Hindi nila inasahan iyon. Nanlalaki ang mata ni Prin sa narinig. Ang taong ito ang suspek nila? 

"M-m-master…" sabi nito at napakagat-labi. 

"Magsalita ka. Mapapatay ka na ng kasabwat mo ay hindi mo pa alam." mahinahon lang na sabi nito. 

Kita sa mukha ni Jopay ang labis na pagkabahala. 

"A-ano po ang ibig niyong sabihin?" sinubukan niyang magkaila dahil mas nananaig ang takot ni Jopay na mawala ang trabaho niya. 

Doon na umismid si Cally sa unang pagkakataon. Si Prin ay kunot ang noo dahil kahit anong galaw ng utak niya ay hindi niya akalain na ang babae ang hinahanap nila. Si Kai at Zuki ay kapwa seryoso at tamang nakikinig lang. 

"I will tell you what happened that night in 15th Floor, MGM Building A." simula ni Cally. 

Nanlaki naman ang mata ng dalaga, napalingon sa gawi nila ang lalaking naka-cap.

"Celebrity A went to that comfort room to wait for you and Cristy. Nagtagal siya doon ng ilang minuto para magpanggap na nagm-makeup o kung ano pa man. When Cristy came in, she doesn't expect na kasunod niya si Andy Perez… Kaya hindi muna sila nakapagsimula ng transaction."

"... Matapos ang ilang minuto naghanap ng tyansa si Cristy para makabalik ng comfort room. Tama?"

"...Then you came in before Cristy. Your drug transaction started."

Hilam na sa luha si Jopay matapos marinig kay Cally ang lahat. Si Prin ay nagulat sa mga sinabi ng asawa. 

'How come he knew?' binawi niya rin agad sa isip dahil muntik niya nang makalimutan na matalino nga pala ang asawa niya. 

"M-m-master…" usal ng dalaga. Ang inalagaan niyang reputasyon sa loob ng ilang taon ay siguradong matatapos sa oras na iyon. 

"Jopay, It's better for you to speak dahil sigurado ako na ang taong pinagtatakpan mo ang siyang gustong pumatay sa iyo." dagdag ni Cally. 

Halos hindi makapaniwala si Jopay sa nadinig. 

"Hmp! Mas mabuti pa na unahin na natin ang lalaking ito para magtanda siya at sabihin sa atin ang lahat" singit ni Rob. Tumayo pa ito at pinatunog ang mga buto sa kamay. 

Natakot si Jopay pati ang lalaking naka-cap. "Uunahin natin ang mukha mo!" sabi nito. 

"Si Police Major Jaime Guzman! S-sya po." umiiyak na biglang sabi ni Jopay.