Chapter 138 - Mystery in Ladies Comfort Room (3)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tila nakahinga ng maluwag si Jopay matapos masabi ang pangalan. 

"Gaga ka! Sa palagay mo ba ay kaya kang proteksyunan ng mga ito kay Police Major?!" sigaw ng lalaking naka-cap. 

Iyak ng iyak ang dalaga. 

"Pero bakit gusto niya akong ipapatay, siya ba ang nag-utos sa iyo?" hindi makapaniwala si Jopay. 

Hindi ito sumagot kaya napikit siya. "I love him so much, so why?" dagdag nito na umiiyak.

"Gaga! Akala mo naman ay ikaw lang ang babae niya--" hindi na nakapagpigil si Rob na sinuntok sa mukha ang lalaki. Naiingayan na kasi siya dito. 

Umangil ang lalaki at nanggagalaiti pero sinuntok muli ito ni Rob ng isa pang beses. 

Agad namang nagtipa si Cally sa cellphone ng lihim at pinadala kay Mat-mat na pinsan niya. 

[Please send me everything about Police Major Jaime Guzman] 

"M-master, paano niyo pong nalaman na nagbebenta ako ng droga sa opisina?" 

Tiningnan muna ni Cally ang babae bago nagpatuloy. 

"Nang unang beses na magsalita ka kanina at sabihin mong huwag kang sasaktan." simpleng sagot ni Cally. 

Natahimik si Jopay. 

"Nang araw na iyon isang salita lang ang narinig ko mula sa iyo at iyon ang 'Thanks! Tatlo kayo ang talagang nasa comfort room, si Cristy ang kasama mo na nagbebenta. Halos lahat ng pang-aalok ay nanggaling sa kanya para kay Celebrity A. at tingin ko, ikaw lang ang naghahanap ng prospect buyer." 

"...At sigurado ako na ikaw si Pia." 

Iyak lang ng iyak si Jopay dahil tama ang lahat ng sinabi ni Cally. 

Si Prin ay talagang nagulat sa mga nadinig. Nang dahil sa 'thanks!' nakilala na agad ito ni Cally? Isang salita lang iyon at nasino agad nito si Jopay? Gusto niyang magreklamo bigla kay Lord kung bakit kulang ang skills at talino na pinaambon sa kanya. 

"Ngayon, gusto kong malaman kung paanong nakapag-overdose ng drug si Celebrity A at saka si Cristy" ito ang tanong ni Cally na hindi niya maintindihan. 

"Dahil nakita ni Celebrity A na sinundo ako ni Police Major sa set kung saan kami nagkasama nang nagdaang araw. Nagsimula siyang i-blackmail ako" 

"And she knew or rather assumed na galing ang mga droga na binebenta namin kay Police Major. Binigyan ko siya ng tatlong gamot na libre at sinabihan na mas maganda kung sabay sabay niya iyon na iinumin." 

"Si Ms Cristy naman ay may nagawang mali ng araw na iyon, dahilan para ipapatay siya ni Jaime. Hindi po ako sigurado kung ano po iyon…" halos hindi makatingin ang dalaga sa kanila pero iniisa-isa nito sa isip ang lahat ng naganap. 

"...Si Ms Cristy ang talagang nakakakilala kay Jaime, matagal na siyang tauhan ng nobyo ko. Nang makilala ko si Ms Cristy sa isang event, sinimulan niya akong usisain. Pinakilala niya ako kay Police Major o mas tamang sabihin na binugaw niya ako, Master" patuloy na umaagos ang luha ni Jopay. 

Nang dahil sa pagmamahal sa lalaki, nasilaw siya at pumayag na maging kasangkapan nito. Si Cristy ang talagang nagbebenta, at siya ang naghahanap ng buyer. Nakagat niya ang labi para pigilin ang luha. 

Huli na para magsisi na nagkamali siya ng taong pinagkatiwalaan. 

Doon na nag-init ang ulo ni Prin. "binugaw ka?!" 

Tumango ang babae. 

"Does it happen always sa MGM artists?" tanong ni Prin. Bilang babae, nababahala siya. 

Natatakot si Jopay na tumingin kay Cally bilang presidente ito ng opisina nila saka tumango. 

"Especially sa trainees" 

"Fu*k that monster!!" hindi napigilan ni Kai ang magmura. 

Lalo na at may plano si Bella na magtraining sa MGM. Paano niya ngayon pipigilan ang dalaga na huwag na nitong ituloy ang plano na kumanta o magtrain sa MGM? Gusto niyang manuntok o manggulpi ng tao. 

"Nang ma-inlove po ako sa kanya, tingin ko, naging daan po iyon para utusan niya na rin ako na maghanap ng bibili ng droga." pinunasan ni Jopay ang mga luha niya. 

"wrahhhh!!!!" 

Nagulat na lang sila ng biglang sumigaw ang lalaking naka-cap at mabilis na tutunguhin ang pwesto ni Jopay, para patayin ang babae. Mabilis ang mga naging pagkilos ng apat pang lalaki. 

Si Kai bilang malapit sa katana ay hinila iyon at mataas na tinalon ang lalaki. 

Diretso sa bumbunan ng ulo nito ang matalim at mahabang espada pababa sa katawan nito. Nanggigil si Kai na pinilit na ipasok ang lahat ng metal na iyon sa loob ng katawan ng lalaki. Unti-unting kumakalat ang dugo sa cap na suot nito. 

Para itong barbeque meat na tinutusok sa mahabang bamboo stick.

Nanghilakbot si Jopay sa takot. Halos lumuwa na ang mga mata niya dahil sa nasaksihan lalo na ng unti-unting malaglag ang katawan ng lalaki sa sahig. 

Nanlalaki ang mga mata nito na hinimatay. 

Nangigigil si Kai sa narinig na binubugaw ang mga artists ng MGM at napagbalingan niya ng galit ang lalaki. 

"It's his fault!" angil pa ni Kai. 

Si Prin sa kabilang gilid ay napapailing, kapag kasama nito si Bella ay tila sinasapian talaga ito, dahil ang inakto ni Kai nang mga oras na iyon ang totoong ugali ng binata.