Chapter 140 - Couldn't bare to lose her

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi nilabas ng grupo ng opisina ni Cally na namatay si Celebrity A nang dahil sa overdose ng droga. At ganoon din kay Ms. Cathy Evangelista, na namatay ito dahil sa parehas na rason. 

Hindi makakaganda sa imahe ng opisina kung sasabihin nila ang totoo. Ganoon din sa lahat ng celebrity ng MGM at kailangan nilang proteksyunan ang lahat. 

Si Assistant Xander at Assistant Drake ang nagtulong para ilabas ang balita. Nagtrabaho din ang dalawa para ilabas sa loob mismo ng opisina na lahat ay required na kumuha ng drug test na gaganapin din sa opisina. 

Ang grupo naman ni Rob ang umasikaso ng hiding place ng grupo ni Police Major Jaime sa tulong ni Jopay. 

Habang abala ang lahat, nasa higaan pa si Prin at si Cally. 

Isang haplos sa pisngi ang gumising kay Prin. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at isang warm undertone skin ang bumungad sa kanya. 

"Hmmm" ungol ni Prin.  

"Honey, kailangan na nating gumising. Kailangan nila tayo sa opisina" 

"hmmm… I can't Husbie... Napagod na ko maghapon kahapon. Then you used all of strength last night, I'm not going" reklamo niya in a raspy morning voice. 

Hindi pa sapat ang ilang oras na tulog niya dahil naubos talaga ang lakas niya nang nagdaang araw sa pabalik-balik na byahe papuntang MGM, sa Matsui Villa, sa bahay at sa ensayong ginawa nila ni Cally nang nagdaang gabi.

"okay, I'll give you an extra hour to use my chest for resting" 

Hindi niya na inintindi pa na sumagot. 

Hinayaan naman ni Cally na magpahinga muna si Prin. Habang nakapikit pa ito na nakadapa sa dibdib niya, he look at his wife habang pinapagapang ang hibla ng buhok nito sa pagitan ng mga daliri niya. 

What he said to her last night is true. He couldn't bare to lose even a single strand of her hair. 

Noon, ang alam lang niya ay ang misyon niya sa buhay. Sinunod niya ang gusto ng pamilya niya. Noon pa man, alam niya na ang purpose niya ay mamuno pagdating ng araw. Pamunuan ang pitong pamilya para maging mapayapa ang mundo. 

He knew from the start that they are not simple and he was doing all of these things because he loves his parents so much. He accepted the challenge in order to save his family. 

Tinanggap niya ang hamon na inayawan ng Daddy niya noon. Pero simula nang maging asawa niya si Prin, isang pangarap ang talagang sumibol sa pagkatao niya. 

And that was to be with this girl every single day. He is looking forward to have a peaceful life someday with Prin.

Tumingin siya sa labas ng bintana. 

'Gon Peter…' naalala niya ang lalaki. Ligtas lang silang lahat kung sakali na mawawala sa larawan ang lalaki.

Biglang nagbeep ang cellphone niya at mula kay Mat-mat ang mensahe. 

[The person you asked me to investigate is dangerous. He is the South Caracass Gang Leader. Not only he sells drugs thru Mr. Sy, he is also engaged with human trafficking and arms smuggling. I sent all the information in your email. Uncle Rob must stop this guy] 

=====

Nagising si Prin dahil sa ring ng cellphone niya sa gilid ng kama. Noon niya lang napansin na mag-isa na lang siya sa kwarto and it's five in the afternoon. 

Posible na pinabayaan siya ni Cally na magbawi ng lakas. Nakita niya ang pangalan ni Bella na tumatawag. 

"Yes My friend" naghihikab na bungad niya dito. 

"Prin, where is Kai?" halata na hindi ito mapalagay. At halata rin na pabulong lang magsalita ito sa kabilang linya. 

Kumunot ang noo ni Prin. "I don't know, maybe he was in the office together with Cally."

"Prin, help me… hindi ako makakonekta kay Kai. I was invited by Maya para mag-unwind, she brought me to her friend's house but I saw them knocking out my sister. I-I hid in the restroom and ahhhhhhh!!!!" tumili ito ng pagkalakas lakas na halos masira na ang tenga niya. 

Nagising ng tuluyan si Prin.

"Bella!!!!!" sigaw niya sa telepono. 

Nanlalaki ang mata ni Prin. Anong nangyayari? Maya-maya pa, narinig niya na may kumakaluskos sa kabilang linya at may kumuha ng telepono ng kaibigan niya. 

Mga paghinga mula sa isang lalaki ang nadidinig niya. Hindi na niya napigilan na murahin ito. 

"G*go ka kung sino ka man!!! I want to see your face right now! Kapag sinaktan mo ang kaibigan ko, I will definitely put an ex mark on your face. Dudukutin ko ang mata mo at ipapakain ko sa kasama mo" 

"hmm… let's see. Too bad, because I already have her. Ba bye!"