Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Prin na ayusin ang sarili at tawagan si Cally matapos matanggap ang tawag ni Bella.
"Husbie, are you with Kai?" Tanong sa asawa.
"Yes, we are in general hall awhile ago. kalalabas lang namin" Sagot nito.
Ang tinutukoy ni Cally ay ang general hall na nasa Matsui villa at alam ni Prin na naka-block ang kahit anong tawag o signal sa loob ng kwarto para sa security nang kung ano man ang mapag-usapan sa loob.
Lumabas siya ng kwarto ng naka-black leather pants at isang itim na blusa, nakapusod ang mahaba niyang buhok habang kausap si Cally sa kabilang linya.
Kailangan niyang magmadali kaya double time siya sa pagkilos.
"Husbie, please put me on speaker." Utos niya dito.
Hinanap niya ang susi ng motor ni Cally sa drawer kung saan nakalagay ang mga susian ng sasakyan at ng bahay. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa sasabihin.
"Someone got Bella. She called me five minutes ago. Please ask someone to locate her phone."
"What?!" Si Kai ang nadinig niya sa kabilang linya.
"Kai, she called you pero hindi daw siya maka-konekta. She called me instead. She was with Maya at may dinalaw daw na kaibigan. Then, these friends knocking down her sister bago niya ako nakausap. Nagtago siya sa CR nang nakausap ko siya."
"Shi*t! I'll ask MB002 to track her phone's location. Magkita tayo as soon as possible." Sagot nito sa kabilang linya.
Sakto na nakita ni Prin ang susi ng motor ni Cally.
Agad silang gumawa ng aksyon para ma-trace ang huling tawag ni Bella kay Prin. Hindi naglagay ng GPS si Kai sa cellphone ng dalaga para magkaroon ito ng privacy kaya gumamit sila ng ibang paraan.
Matapos ang sampung minuto, sumagot sa kanila si Tom mula sa Japan at binigay ang eksaktong address kung saan nagmula ang lokasyon ni Bella gamit ang phone details ni Prin. Lihim silang kumonekta sa satellite para ma-hack ang tawag.
Nagmadali si Prin na makapunta sa lugar gamit ang itim na BMW S1000 na motor ni Cally. Nagdala siya ng dalawang patalim, maliit na baril para makasiguro sa kaligtasan niya. Hindi nila alam kung sino ang kalaban.
[Be careful Honey, we are still working with South Caracass issue] mensahe ni Cally sa kanya.
Sa loob lang ng sampung minuto ay huminto siya sa tapat ng isang apartment. Magkasunod sila ni Kai na nakarating sa lugar na naka-motor din ng oras na iyon. Namukhaan niya na kay Cobra ang motor na ginamit nito. Kilala niya si Cobra na hindi basta-basta magpapahiram ng sasakyan, kaya hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Kai para mahiram nito iyon. Posible na may pinalitan ang lalaki o kaya naman ay ninenok nito ang motor.
Halatang nagmadali rin ang binata para makarating sa lugar para iligtas si Bella.
Nasa anim na talampakan ang kulay krema na gate ng apartment, two-storey house iyon at may nadidinig silang malakas na tugtog ng rock sa ikalawang palapag.
"Alamin niyo kung sino ang may-ari nitong bahay. Saka kung sino ang kasalukuyang nakatira" utos ni Kai sa telepono na sa tingin ni Prin ay si Tom.
Sabay na sumampa si Prin at Kai sa pader saka tumalon papasok sa loob. Parehas silang maingat sa pagkilos lalo at hindi nila alam kung ilan ang tao sa loob ng bahay sa kasalukuyan. Hindi nila alam kung sino ang kalaban.
Sinenyasan siya ni Kai na aakyatin nito ang pader papuntang second floor. Nagbigay lang si Prin ng 'okay-sign'.
Si Prin naman ay nanatili sa main door. Sinilip muna niya ang bintana na katabi ng pintuan. Madilim sa loob ng bahay pero naaaninag pa rin ang loob.
Nang mapansin na wala siyang makita kahit anino na kumikilos sa loob, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Magulo ang mga gamit na halatang nagkaroon ng komosyon sa lugar. Naalala niya ang sinabi ni Bella na pinatulog ang kapatid nitong si Maya.
Sa tingin ni Prin ay nanlaban ang babae kaya makalat doon.
May nakita siyang apat na baso sa mesita. Hinala niya na dalawang tao ang kasama ni Bella at Maya. Tatlo sa baso ang may bahid ng lipstick. Naisip niya na babae ang isa pang kasama ng mga ito.
Saka siya tumuloy sa CR kung saan niya nakausap ang dalaga at sinimulan na inspeksyunin ang lugar.