Chapter 142 - Where is Bella? (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Si Kai sa kabilang banda ay nakaakyat ng tahimik sa terrace ng ikalawang palapag. Sinilip niya ang bintana at may nakita siyang babae at lalaking nagse-s.e.x sa loob.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na sinipa ang pintuan ng malakas habang nahihibang ang dalawa sa loob.

Halatang nabigla ang mga ito nang makita siya. Dinampot ng lalaki ang baril nito na naka patong sa gilid na drawer. Pero bago pa siya nito paputukan ay hinagis ni Kai ang isang 'shuriken' sa braso ng lalaki. Isang Japanese blade o ninja blade na hugis star na may limang matutulis at matalim na bagay ang nakaikot. Nabitawan agad nito ang baril na hawak.

"Ahh!!" Hiyaw nito.

Kinuha naman ng babae na kasama nito ang flower base na nasa ibabaw din ng maliit na cabinet at akmang ihahagis kay Kai. Halatang hindi ito bihasa at basta na lang dinampot kung ano ang natipuhan nito.

"I dare you to throw that, I will throw you outside" banta niya sa babae na tinuro pa ang terrace. Kinuha na lang nito ang baril at nangangatog na tinutok sa kanya.

"H-huwag kang lalapit"

Noon napansin ni Kai na suot nito ang binigay niyang jade na hairpin kay Bella. Uminit agad ang ulo niya. How dare this girl na suotin ang bagay na binigay niya kay Bella?

"Hmm… too bad you messed with my girl." Nanlilisik ang mata ni Kai na nakatitig sa babae.

"H-huwag ka sabing lalapit!" Banta nito at saka nakapikit siyang pinaputukan.

"Oops! You missed!"

Hinagis naman ng lalaki ang shuriken pabalik kay Kai na nakatayo sa gilid ng kama at natuwa ito nang makita na umikot iyon hanggang sa dumikit ang dulong patalim sa braso niya.

Ngumisi si Kai saka naglabas ng apat pa na shuriken mula sa tagong bulsa at sabay-sabay na hinagis sa lalaki. Dumikit ang tatlo doon sa dibdib nito at sa hubad na 'alaga' nito ang isa.

"Ahhh!!!!" Hiyaw nito. Nanlalaki ang mata nito habang tinitingnan ang nagdudugo nitong alaga.

Nangulay pula na ang kama mula sa kawawa nitong junior at sa iba't-ibang parte ng nasugatan na dibdib. Dahil sa lakas ng hagis ni Kai, bumaon ng mas malalim ang shuriken at hindi agad ito nakabawi ng lakas.

Saka nanggigigil na hinugot ni Kai ang shuriken sa braso niya at sinuksok pabalik sa bulsa. Walang pakialam si Kai sa nagsugat niyang braso. Mas nanaig sa kanya na hanapin at makita si Bella.

"Young lady, where is Maya and Bella?" Tanong niya sa babaeng nakahubad ang katawan. Wala siyang pakialam kahit wala pa itong saplot sa katawan at sa totoo lang ay hindi siya nagagandahan dito. Kahit isang porsyento ay walang wala ito sa angel niya.

Nakagat nito ang labi nang madinig ang dalawang tao na hinahanap niya.

"I-I don't know them! You are trespassing!" Sabi na halatang natatakot kay Kai saka siya pinaputukan ng limang beses.

Nailagan ni Kai ang mga bala na tinira nito hanggang sa makalapit siya dito at masakal niya ang babae. Inipit niya ang kamay nito dahilan para mabitawan nito ang baril na hawak saka nagkakakawag.

Inangat niya ang katawan nito habang mahigpit na hawak ang leeg. Umangat ang paa ng babae mula sa sahig at hinawakan ng dalawang kamay nito ang kamay ni Kai na nasa leeg ng babae.

"Sa-sak..lolo…" halos namamaos na ang babae at malapit nang mangasul ang kulay.

Hinila niya ang hairpin na gawa sa jade sa dry na buhok nito.

Pinilit ng lalaki na makabangon para makaganti kay Kai. Napansin niya iyon kaya sinipa niya ito pabalik sa kama, saka walang awang hinagis ang katawan ng babae dito. Tumunog ang mga nabaling buto mula sa katawan ng dalawa.

Inuubo ang babae at pinilit na lumanghap ng hangin dahil sa ginawa niya dito.

"Nagagawa mo pang magsinungaling, matapos mo itong nakawin!" tukoy niya sa jade hairpin. Nag-aapoy ang mata ni Kai at anumang oras ay mapapatay niya talaga ang babaeng nasa harapan.

"Don't you know it was personally created for her? I was the one who designed this! Kahit ang buhay mo ay hindi kayang bayaran ang hairpin na 'to" sabi niya sa babae.

Bakas ang takot sa mukha nito.

Dinampot ni Kai ang baril na nasa lapag saka itinutok sa dalawa.

"Where is Bella?!" Galit na angil niya.

"Kai!" Tawag ng bagong pasok na si Prin saka tumalikod.

Ayaw niyang makakita ng ibang monster bukod sa monster ni Cally at napansin niya na hubo't-hubad ang dalawa sa ibabaw ng kama.

"Where the hell is Bella?!" Galit na galit si Kai na parang sinapian ng masamang espirito at alam ni Prin na hindi makakabuti kung tuluyan nito ang dalawa.

"Calm down Kai... ask them to cover at least"

Ginawa naman ng dalawa. Nagtakip ang mga ito ng kumot.

Matapos ang sandali, hinila ni Prin ang babae. "You! You are the friend who invited them, right?"

"Hu-huwag niyo po akong sasaktan..." nakikiusap ito habang nakatingin sa nanlilisik na mata ni Kai.

"Who is the other guy who get them?" tanong ni Prin dahil sigurado siya na wala dito ang lalaking nakausap niya sa telepono.

Bago pa makasagot ang babae, pinaulanan ng bala ang kwarto kung saan sila naroon mula sa labas.

"Shit!" Hinila siya ni Kai para dumapa saka mabilis na gumilid.

Nakita nila na parang mina-massacre ang dalawa sa ibabaw ng kama mula sa mga bala galing sa labas.

Nang makabawi si Kai, nilapitan at saka sinilip niya ang bintana. Napansin niya ang pagkinang ng isang bagay sa ibabaw ng bubong sa katapat na bahay. Sigurado siya na salamin iyon ng isang armas.

Mula sa pinakagilid ng bintana, pinatamaan niya ng bala ang kung sino man na nasa bubong na iyon.