Chapter 143 - The guy in white suit

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pinatamaan ni Kai ang kung sino man na nasa bubong ang nagpapaputok gamit ang baril ng lalaking nasa ibabaw ng kama.

Halatang natamaan niya sa braso ang kung sino man na iyon. Yumuko ito para magtago saglit. Nagpaputok siya ng maraming beses hanggang sa maubusan siya ng bala.

"Sh*t!" Nangigigil na hinagis niya ang armas sa kung saan.

Nakita niya na tumayo ang lalaking nakaputi na overall suit nang mapansin nito na wala na siyang magagamit na armas. Puting leather pants at shirt na puti rin. May maliit na marka o simbolo na pula sa kanang dibdib. Ngumisi lang ito na para bang nakikita siya nito sa loob. Wala itong pakialam kahit pa may daplis ito sa braso.

Lumabas si Kai sa terrace at nagkatitigan silang dalawa ng lalaking nakaputi.

Maya-maya pa, nagbigay ito ng 'salute' sign habang nakaangat ang gilid ng labi. Sumunod si Prin sa terasa at buong-lakas na hinagis ang kanyang patalim sa lalaki. Dumaplis ang patalim sa pisngi nito ng bahagya pero nahawakan ng lalaki ang handle.

Nanlaki ang mata ni Prin. 'Who the hell is this guy?!'

Tapos ay kumaway ito sa kanila ng pamamaalam ng nakakaloko. Saka tumalon bitbit ang armalite na ginamit sa kanila mula sa bubong pababa.

Ilang saglit pa, nakita nila na sakay na ito ng motor kasama ang isa pang naka-puti rin palayo sa lugar.

Nasuntok na lang ni Kai ang bato ng terrace.

"Kai, who the hell are they?" Kunot ang noo na tanong ni Prin.

"I don't know but we have to find Bella as soon as possible." Nakakuyom ang kamao ni Kai na bumalik sa loob ng kwarto.

Halatang nanggigigil pa rin ang binata at hindi mapalagay.

Parang na-chop ang mga katawan ng dalawang nilalang sa ibabaw ng kama. Literal na taong nabutasan ang dalawa mula sa mga bala na pinaulanan ng lalaking nakaputi. Nakadilat pa ang mata ng babae na halos lumuwa na iyon at halatang takot talaga ito nang binawian ng buhay. Umiikot na rin sa buong kwarto ang malansang amoy ng dugo mula sa dalawa.

Sanay na sila sa mga ganoong eksana kaya wala man lang kakaibang reaksyon sa kanila ni Kai.

"Let's bring kung ano ang mga kailangan na pwede nating magamit." Sabi ni Kai.

"I saw this sa CR sa ibaba." Nilabas sa bulsa at inabot ni Prin ang basag na cellphone ni Bella sa binata. May Hello Kitty kasi iyon na bling kaya alam ni Prin na gamit iyon ng kaibigan niya.

Lalong kumuyom ang palad ni Kai saka nilagay ang cellphone sa bulsa nito.

Tinapik ni Prin ang balikat ni Kai. "We will find her soon don't worry."

Nalungkot si Prin at halata na galit din siya sa nangyari. Hindi nila alam kung sino ang kalaban pero sa galing ng lalaking nakaputi, may hinala siya na nagpaparamdam sa kanila si Gon Peter.

Ang grupo nito lang ang tanging may kakayahan na pantayan ang skills ng Dark Guards.

Kinuha nila ang laptop, cellphone, kopya ng cctv sa bahay at sa katapat na bahay. Kinuha nila ang lahat ng bagay na maaaring magamit saka sabay na bumalik sa Matsui Villa.

Halos mag-aalas nuwebe ng gabi na silang nakarating sa tahanan ng Matsui.

=====

Sa isang sasakyang pandagat na nakatigil ilang metro mula sa dalampasigan…

Isang helicopter ang lumapit dito at tumalon mula doon ang isang lalaking naka-white suit.

Sa loob ng cabin, isang lalaking may ginintuang buhok at nakaroba ng pula ang umiinom ng raki, isang uri ng alak na kilala sa Albania ang nakalagay sa isang clear na baso. Nakaupo lang ito sa isang malambot na couch na pinapatungan ng tiger wool rug. Habang hinihimas-himas ng isang kamay ang alagang leopard sa tabi.

Lumapit dito ang naka-puting suit na nanggaling mula sa helicopter.

"Master, South Caracass got Kai's girlfriend." pagbibigay-alam nito.

"Hmm."

"We saw Kai and Prin, sigurado na iisipin nila na tayo ang kumuha sa babae."

Matagal na natahimik ang Master nito na halatang nag-iisip ng mabuti sa susunod na hakbang.

"Yes, but please... get that girl for me. Mukhang importante ang babaeng ito kay Kai at Prin." Sabi bago lumagok ng alak.

"...Do you have news about his shogun?" Tanong nito bago nagsalin muli ng alak sa gamit na baso. And tinutukoy nito ay si Lorenz.

"Yes. He was still in UK for training dahil malapit na ang labanan ng Dark Guards para sa posisyon. Tingin ko, gusto ni Lorenz na manatili ang posisyon sa kanya."

Umismid ang lalaking may ginintuang buhok.

"Get that shogun for me! dahil siya ang kanang kamay at matalik na kaibigan ni Cally." Sabi bago lumagok ulit ng raki.