Chapter 144 - Hitomi is back

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Dumeretso si Prin at Kai sa computer room ng Matsui Villa. 

Pinagamot agad ang nasugatan na braso ni Kai sa isang maid. Walang gustong kumausap sa binata dahil halata nila na hindi maganda ang mood nito. 

Habang si Cobra naman ay busy sa computer nito na may dalawang monitor. Kausap nito si Mat-Mat at Tom sa headset na pare-parehas computer codes ang pinag-uusapan. Ang tatlo ang nakatoka sa lahat ng gamit na nakuha ni Prin at Kai sa apartment kung saan dinukot si Bella. Pati na rin ang issue sa South Caracass Gang. 

Nasa meeting si Cally, ang Daddy nito na si Cloud Han at ang Daddy niya kay Senator Cruz. Nagpapunta ng sampung Dark Guard si Rob mula sa Japan dahil kailangan nila ng back-up. 

Malalim ang iniisip ni Prin, iniisip niya ang mga naganap sa apartment. Hindi niya maiwasan na itanong sa sarili kung sino ang dalawang nakaputi na nakita nila sa apartment ng gabi na iyon. 

Si Kai naman sa kabilang banda ay nanghingi ng papel saka pen para iguhit ang simbolo na nakita niya sa dibdib ng lalaking naka-white suit kahit pa ginagamot ang braso niya. 

"Base dito sa phone messages ni Bella, inimbitahan siya ni Maya na lumabas. How come na napunta sila sa bahay na 'yun?" takang tanong ni Cobra habang kausap nito si Mat-Mat. 

Napalingon si Prin dito. "Kung mag-a-unwind ang magkapatid, sigurado na pupunta sila sa mall para mamasyal, manood ng sine, kumain sa labas. Hindi para dumalaw sa taong hindi naman kilala ng isa." komento ni Prin. 

Lumapit siya sa computer ni Cobra para kausapin si Mat-Mat sa kabilang linya. Pinalitan niya ang gamit ni Cobra mula headset to speaker para marinig niya ang sasabihin ng binata sa kabilang linya. 

"Matty, can you get all Maya's phone call and text history?" nasanay siya na tawagin itong Matty kahit Matthew ang totoo nitong pangalan. Ang totoo, walang ideya si Prin kung ano ang hitsura ng binata dahil hindi naman ito nagpapakita. Isang larawan lang nito ang hindi sinasadya na lumabas sa computer ay siguradong deleted agad. 

"I'm on it kanina pa!" alam ni Prin na hindi ganoon kadali na makuha ang impormasyon lalo at wala ang telepono nito sa kanila. Hindi nila natagpuan sa apartment ang cellphone nito o kahit anong gamit. 

Umaasa lang sila sa numero ng kapatid ni Bella at saka sisimulan na i-hack sa Mobile company na gamit ang sim card number ng dalaga. 

Ilang minuto pa, may nakuha agad itong impormasyon. "Got it!" 

"Okay, base sa phone history, sa social media account ni Maya, this girl is her classmate and they are working on a project." pagbibigay-alam nito. 

"How did you know she was her classmate?" takang tanong ni Tom sa kabilang ibayo. 

"I got her Phone data" 

"Wow! You got her data? As in, All of it? just using her phone number?" nanlalaki ang mata ni Cobra na sunud-sunod na tanong sa binata. 

"Is it surprising? I will never be a number one hacker in the world, kung simpleng phone data ay hindi ko makukuha" mayabang na sabi. 

"Base dito sa palitan nila ng mensahe, pinapunta niya saglit si Maya sa bahay dahil may ibibigay na paperwork. And I guess, her intention was to kidnap Maya. Isang malaking regalo na lang na nasama si Bella." paliwanag ni Mat-mat. 

"Yes, and her boyfriend was the mastermind. He will received a 100 thousand kada babae." pag-sang-ayon ni Cobra. 

"Nanggigigil na nga akong malaman kung sino ang may pasimuno e." si Mat-mat. 

Napaisip si Prin 

"Do you think it's South Caracass?" tanong ni Prin habang nakatingin kay Cobra. Sa palagay niya ang lalaking namatay sa apartment ang tinutukoy nito na tumatanggap ng 100 thousand. 

"Guys! Guys! I found Bella!" biglang sigaw ni Tom sa speaker. 

Napalingon si Kai at tinungo ang pwesto nila nang marinig nito ang pangalan ng babae. 

Agad na nag-share si Tom sa computer nila kung ano ang nakikita nito sa sariling monitor. Isang kuha ng CCTV mula sa malayong lugar ang pinapanood nila. Medyo malabo ang kuha dahil malayo ang CCTV camera, pero base sa anyo, si Bella, Maya at iba pang mga babae ang bitbit ng mga lalaking hindi mapagkakatiwalaan paakyat ng Yate. 

"Let me handle that!" sabi ni Mat-mat at agad nitong ninakaw ang files ni Tom para palakihan at palinawan ang kuha sa CCTV. 

Kita nila sa mas malinaw na kuha na sinasakay si Bella at Maya sa isang yate. 

Base sa hitsura ng lalaking may bitbit sa kaibigan niya, hinala ni Prin na ito ang lalaking nakausap niya sa telepono ni Bella.

Si Kai sa tabi ay gustong gusto nang manapak. 

"Where the hell is that?" tanong ng binata. 

"Port B! Marina Bay" sagot ni Tom. 

"Okay, get that yacht's name!" utos ng binata kay Tom. 

Doon nagsipasukan si Cally, Rob kasama si Zuki papasok sa computer room. Eksakto na napansin ni Cally ang monitor. 

"Pause the video" utos nito. Lumapit ito sa kanila. 

Nakakunot ang noo ni Prin. "Matty, pause the video."

Sinunod naman nito. 

"rewind for 10 seconds" 

Sinunod muli nito saka nag-play muli. 

"Stop!" 

Mukha ng isang lalaki at babae ang na-capture ng screen. Nagkatinginan si Rob at Cally. 

"It's her! Hitomi together with Police Major!"