Chapter 145 - RSVP Names

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
[Feibulous : pantanggal stress, kaya pampagood-vibes muna]

Lumipas man ang panahon, hindi nagbabago ang tingin ni Rob sa nagka-edad na si Hitomi.

Umismid siya, hindi niya akalain na buhay pa pala ang babae at nananatili rin na buhay ang business nito na pagbebenta ng babae.

Sa panahon na ito, gusto niya nang markahan ang babae. Kahit pa nananatili ang ganda nito na hindi halata sa tunay nitong edad.

Sa tingin niya, si Hitomi ang partner ni Police Major sa Human Trafficking habang si Mr. Sy sa droga.

"We have to get that case" turo ni Rob sa bitbit ni Major Jaime na nakikita nila sa screen.

"By the way, where are the others?" tanong ni Rob kay Tom.

"Are you talking about us?" tanong ng isang matinis na boses mula sa pintuan.

Sabay-sabay na napalingon ang lahat ng nasa computer room sa pintuan. Nagliwanag ang mukha ni Prin nang makita ang grupo nila Ana at siyam pa na kasama nitong Dark Guards.

=====

Nagtatago ang grupo ng Dark Guards sa mga hilera ng nakaparadang truck sa port. Binabantayan nila ang yate kung saan naroon si Bella. Naghihintay lang sila ng signal gamit ang earpiece at maliit na camera.

Patuloy ang pagparada ng sasakyan sa port at kung sinu-sino ang lumalabas mula roon. Mga kilalang opisyal, businessman at kung sinu-sino pa.

Hinihintay nila ang signal mula sa Heneral ng pulisya saka sa signal ni Kai.

Matagal na rin palang minamanmanan ng Heneral si Major Jaime dahil kakaiba ang lifestyle nito. Kapwa Police Major ang nagre-report sa Heneral. At sa gabi na iyon ay tatapusin na nila ang laban ng droga at ilegal na gawain ni Major Jaime.

Si Cobra ang naka-assign sa computer na nasa loob ng van na nakaparada sa di kalayuan. Kausap niya si Mat-mat sa kabilang linya. Ang dalawa ang naka-assign sa CCTV, locks at mapa ng malaking yate sa loob.

Naghihintay si Prin, Cally at Kai sa sasakyan ng asawa niya dahil kailangan ipasok ni Mat-mat ang pangalan nila sa listahan ng RSVP para makapasok sila sa yate ng walang problema.

"Okay, your name Prin is Mia Khalifa and is now in their RSVP list." sabi ni Mat-mat sa telepono na naka-speaker sa sasakyan ni Cally.

Si Kai na umiinom ng tubig mula sa bote ay napabuga nang wala sa oras. Si Cally sa tabi ay lihim na natawa.

Kunot-noo si Prin at walang naintindihan.

"Hey, why are you laughing?" tanong niya kay Cally.

"Nothing!" saka hindi napigilan na humalakhak ni Kai. Halos magluha na ito kakatawa.

"Okay, Cally you are Johnny Sins!" sabi nito.

Cally "...." ganoon ba kabilis ang karma?

"and you Kai is…"

"Ryan Driller"

Kai "...."

"You are ready to go. Your face and name is now in their RSVP list" dagdag pa ni Mat-mat.

"Fu*k you! Pasalamat ka wala ka dito sa Pinas!" galit na singhal dito ni Kai.

"Dami reklamo… lapit na sa bouncer at sabihin niyo lang ang pangalan niyo. Hindi na importante ang pangalan na pinili ko, ang mahalaga ay maligtas mo ang iyong Angel" sagot nito sa speaker.

Napapikit si Kai para kalmahin ang sarili. Gusto niyang bugbugin ang hacker na ito na walang mukha nang harap-harapan.

Si Prin ay clueless kung ano ang mga pangalan na binigay ni Mat-mat.

Ilang minuto pa, huminto ang sasakyan ni Cally sa tapat ng mga gwardia na nakaabang sa bisita paakyat sa malaking sasakyang pandagat. Lumabas si Cally, Prin at Kai mula doon.

Kapwa naka-tuxedo si Kai at Cally habang nakapulang gown na may mahabang slit si Prin. Para silang mga anak ng diyos na nilabas mula sa sasakyan.

Hindi mawala ang titig ng mga gwardiya kay Prin. "name niyo po mam?"

Nakaliyad ang dibdib na sinabi niya ang pangalan sa lalaking nasa tapat ng scanner at may bitbit na ipad.

"Mia Khalifa!" taas noo na sabi niya dito.

Guard "...."

Tumikhim muna ito bago hinanap ang pangalan niya sa listahan.

"Kayo sir?"

"J-jhonny Sins and Ryan Driller!" pabigla ang pagkakasabi ni Kai dahil malapit niya nang ibaon ang sarili sa lupa.

Guard "...."

Matapos silang ma-scan mula ulo hanggang paa, pinatuloy silang tatlo sa loob. Saka nila binuksan ang aparato na nakakabit sa tenga at iba pa.

"We are inside!" sabi ni Prin sa maliit na bolitas na nakakabit sa tenga nila. Saka niya narinig ang malakas na halakhak ni Ana at ng iba pa.

"Oh my god! I love this Matthew so much! I saw your domineering look, I am going to die sa pagtawa." paliwanag ni Ana.

"Why?" tanong niya.

"Don't tell her." Utos agad ni Cally kaya natahimik ang lahat. May makaka-suway ba sa kanilang shi?

Kumunot ang noo ni Prin.

"Are they celebrities?" hindi niya napigilan na itanong.

"Yes!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.

"Guys, I am warning you, we are here for a mission" banta ni Kai kaya natahimik na ang lahat.

Saka tumuloy ang tatlo sa ballroom na nasa ikalawang palapag ng yate kung saan gaganapin ang 'laro' nila sa gabing iyon.