Chapter 146 - To rescue his Angel (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nang makapasok sila Prin sa loob ng ballroom ng yate kung saan gaganapin ang event, nagsimula silang pag-aralan ang lugar.

May mga babaeng nasa loob ng bawat cage na animo ay mga hayop na nakakulong. Ang suot ng mga ito ay tanging underwear at halatang lutang ang mga ito na hinala nila ay naka-droga.

Naniningkit ang mata ni Prin habang iniikot ang paningin sa paligid.

Napaka-walang hiya ng taong gagawa nito. Sanay na siya na makakita ng namatay na tao. O kahit ang makapatay ng tao. Kahit ang nabubulok na laman ng tao ay sanay siya, pero hindi ang mga katawan ng mga inosenteng babae na nakakulong at tila walang magawa at walang alam sa nangyayari sa paligid.

May mga babaeng nagsasayaw ng slo-motion at naka tiger print underwear lang din sa iba't-ibang bahagi ng ballroom. May mga leather choker sa leeg na may chains na nakakabit sa pole.

Sumibol ang poot sa dibdib ni Prin para sa babaeng si Hitomi.

May stage at runway sa gitnang bahagi na hinala nila ay rarampa doon ang mga babae. Rarampa lang ang mga babae doon na may numero at huhulaan ng parokyano ang numero na sa palagay nila ay ang babaeng natipuhan.

Kapag may nakauna ng makapili, doon magsisimula ang bid. Parang bibili ng mysterious box na hindi alam kung sinong babae ang nabili nila sa gabi na iyon.

Ang maisip na isa si Bella sa mga ito ay hindi masikmura ni Prin.

Nagsimula silang maghiwa-hiwalay nila Kai at Cally para mas pag-aralan pa ang lugar.

"I am fu*king hating this!" narinig niyang angil ni Kai sa earpiece.

"Calm down, leader MB5" sabi niya dito.

Alam nila na nate-tense na ang leader nila sa nangyayari. Gumagana masyado ang imahinasyon nito lalo at kitang-kita nila kung ano ang nangyayari sa paligid.

Alam ni Prin na mas dumoble ang pag-aalala nito kay Bella.

Samantala, sa ilalim ng dagat, nag-scuba dive si Zuki at tatlo pang kasama nito hanggang sa makalapit sa likurang bahagi ng malaking yate.

Gamit ang isang pana, tumusok ang dulong bahagi na may claw sa gilid ng deck area ng yate. Nakakabit sa claw na ito ang mahabang tali saka sila nagsimulang magsi-akyatan.

Ang Dark Guards na nagtatago sa bubong ng truck ay naghihintay ng signal mula kay Kai. Sa loob ng 15 minutes darating ang apat na helicopter ng kapulisan para hulihin ang mga taong nasa loob ng ballroom.

Ang trabaho ni Mat-mat ay i-lock ang ballroom para walang makalabas. Pero kailangan niya ang tulong ng isang Dark Guard na mahanap kung nasaan ang lock.

"We are in!" narinig nilang sabi ni Zuki. Lahat ng armas na kakailanganin nila ay nasa bag na hawak nito.

Sa loob ng ballroom, nanatili si Prin na umiikot sa paligid. Ilang saglit pa, dumilim ang ilaw at tanging liwanag lang mula sa stage ang makikita.

"Magsisimula na ang show" sabi niya at alerto pa rin sa nangyayari sa paligid.

"I saw Hitomi, Major and Mr. Sy now. 10 o'clock, 11 meters sa pwesto mo Prin." narinig niyang sabi ni Kai.

Palihim niyang sinilip ang mga taong binangit ni Kai. Madilim sa bahagi ng mga ito. May mga armadong lalaki sa paligid ni Major Jaime at may dalawang babae rin na kasama si Hitomi. Nagtatawanan pa ang mga ito.

"This old lady made me sick!" narinig niyang sabi ni Rob.

"Dad? You are here?" nagulat si Prin kung bakit kasama nila si Rob.

"Nasaan ba ako dapat? I have to finish this old hag tonight! And I have to meet her in person in able to do that. I want to puke seeing her pointy nose na parang mangkukulam." sagot nito.

Napapailing na lang siya. Sa pagkakaintindi niya magseseventy na si Miss Hitomi, na inaanak ng lola niya. She doesn't look like a senior, pero halata na mahina na ang babae kaya may palagay siya na body guard nito ang dalawa pang babae na iyon na mukhang bihasa rin sa laban.

Ilang saglit pa, nagsimula na ang show.

Isang nakakaengganyong tugtog ang pumailanlang sa buong ballroom.

"Guys, the show is starting. get ready!" Narinig niyang sabi ni Kai para sa mga kasama nilang Dark Guard.

Si Cally sa kabilang banda ay lihim nang kinita ang grupo ni Zuki para makuha ang mga gamit na dala nito. Saka tumuloy ang grupo sa ibabang bahagi ng yate. Kailangan nilang makuha ang lahat ng ebidensya ng drugs. Si Cally ay mas pinili na bumalik sa ballroom.

Sa ballroom, nagsimulang lumakad ang mga babae na naka-underwear may humihila sa mga ito na nakasuot ng maid uniform. Walang masabi si Prin dahil talagang magaganda ang mga babaeng naglalakad nang wala sa sarili sa stage.

Naghihiyawan ang mga kalalakihan at parang hayok na hayok sa laman. Kahit si Hitomi sa gilid ay pumapalakpak pa.

Nasa ikalimang babae pa lang ang naglalakad nang magbigay ng signal si Kai.

"Guys, pasok na kayo!" Utos ni Kai.