Chapter 147 - To rescue his Angel (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
[Feibulous : warning , sobrang marahas content]

Sa labas ay lihim na nakalapit ang grupo ni Ana at siyam pang kasama matapos marinig ang signal ni Kai.

Isang sipa sa mukha ang binigay nila sa unang guard na malaki ang katawan. Napansin ng kasama nito na nasa likod ang nangyari kaya nagbigay ito agad ng alerto sa grupo ni Major Jaime.

"Red Alert! Red Alert!" Matapos nito iyong sabihin sa radyo ay isang saksak sa leeg ang binigay dito ng kasama ni Ana saka itinulak ito sa dagat. Ang ibang Dark Guards ay tumuloy na sa pagpasok patungong ballroom. Pinaulanan sila ng bala na nagmumula sa itaas habang tumatakbo papasok.

"Akong bahala sa ugok na 'to!" Sabi ng isang kasama nila.

Gamit ang dalawang matutulis na patalim, inakyat nito ang pader hanggang sa makaakyat sa palapag kung saan nagpapaputok ang lalaki. Gumulong-gulong ito habang pinapuputukan, sa gigil ng Dark Guard ay nagbato na ito ng shuriken sa lalaki.

Nakuha ng grupo ni Major Jaime ang signal na may nakapasok na mga hindi kilala, napansin ni Prin na bigla itong tumayo matapos mabulungan nang bagong lapit na lalaki.

Eksakto naman na naglalakad si Bella sa stage. Nakakuyom ang kamao ni Kai habang tinitingnan niya lang ang nobya na nangingitim ang mata, tulala at naka-underwear habang hawak sa kamay ng isang maliit na maid. Hindi niya masikmura na naghihiyawan ang mga kalalakihan sa paligid na makita ang walang awa niyang girlfriend.

Hindi na kinaya ni Kai ang emosyon niya nang makarating ito sa dulong bahagi ng stage, kaya agad siyang sumampa doon and he covered her body with his coat.

Nagsipaglingunan ang grupo ni Major Jaime dito at pinaputukan si Kai.

"Leader!" Sigaw ni Prin saka siya napansin ng ibang kalaban.

Gumulong si Kai nang yakap si Bella paibaba ng stage para mailagan ang putok.

Nagsipaghiyawan at nagkagulo naman ang mga tao sa ballroom matapos may magpaputok ng bala.

"Naloko na! Guys faster!" Sabi ni Prin bago niya sinipa sa mukha ang lalaking lumapit sa kanya.

Napansin siya ng grupo ni Major at Hitomi kaya pinaulanan din siya ng bala. Bago pa siya matuluyan ay ubod ng lakas na itinaas niya ang mesa kung saan siya naroon para gumilid ang bagay na iyon at maipananggalang sa katawan niya. Nagsipagbasagan ang base, wine baso at kung ano pang nakapatong doon.

Wala pa man ding armas na hawak si Prin. Napansin niya ang tinidor na nalaglag mula sa mesa kaya dinampot niya iyon.

Dahan-dahan na lumapit sa kanya ang lalaking may baril, at babarilin na sana siya nito nang makalapit si Cally at gilitan sa leeg ang lalaki.

"Oh my gosh Husbie, thank you!"

Nakuha niya ang baril nito saka sabay silang sumugod patungo sa pwesto ni Hitomi. Nakita nila na patakas na si Hitomi, Major at Mr. Sy papunta sa pintuan na nasa likuran.

Nakita nilang sumunod si Rob sa mga ito. Samantalang hinarangan silang dalawa ng mga bodyguard ng grupo ni Major Jaime.

Nagpalitan ng paputok sa pagitan nila Cally at Prin laban sa bodyguards.

"Cobra anong balita sa lock?" Tanong ni Cally.

"Wala pa shi!" Naiinip na rin ito na nananatili sa sasakyan kaya nangigigil na ito na lumabas ng van bitbit ang laptop. Sa tingin ni Cobra ay kailangan niya nang magkusa na hanapin ang lock at main switch ng yate. Tumakbo na rin ito papasok ng yate.

Si Kai at Bella sa kabilang banda ay palabas na sana nang harangin ng dalawang lalaki na akala niya ay waiters. Kapwa may hawak na patalim ang mga ito kaya nilapag niya si Bella na nananatiling tulala sa isang gilid.

Galit si Kai at talagang nagdidilim ang paningin niya.

"Come here!" Sabi niya sa dalawa.

"Ahhh!!!" Saka sabay na sumugod kay Kai ang dalawa.

Hinuli niya ang braso ng isa habang sinipa ang isa pa. Nagkikiskis ang mga ngipin niya na pinag-untog ang dalawa kinuha niya ang mga hawak nitong patalim at sabay na tinusok ang mata ng dalawang lalaki. Binaon niya ang patalim na iyon hanggang sa hindi na makita ang hugis ng mata ng mga ito.

Tapos napansin niya na inaakay ng maid na nakatoka kay Bella ang nobya niya para itakas sa paningin niya.

Isang lalaki pa ang sasalubong sa kanya na agad niyang sinuntok ang mukha saka hinagis. Tinakbo niya ang babaeng maid hanggang sa maharangan niya ito.

"Saan mo siya dadalhin?" Matalim ang tingin ni Kai na tanong sa maid.

Natatakot na nabitawan nito si Bella. Sinakal niya ang maliit na maid gamit ang isang malaking palad na may panggigigil hanggang sa lumawit na lang ang dila nito at marinig na lang na nabali na ang leeg ng babae dahil sa tindi ng pagkakasakal ni Kai.

Sa oras na iyon, galit talaga si Kai at parang walang kahit na ano pa man ang makakapagpagaan ng kalooban niya. Kung maaari lang na pasabugin niya ang buong sasakyang pandagat na iyon ay ginawa niya.

Binuhat niya si Bella para ilayo na sa lugar.

"Find her sister." Utos ni Kai sa mga kasama.