Chapter 149 - A Beautiful Potion

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Natigilan si Kai sa nadinig. Humigpit ang kapit niya kay Bella na nanatiling tulala. Sa dinami-rami ng taong pinagkakatiwalaan niya, hindi niya akalain na magagawa iyon sa kanya ng Mommy niya.

Naramdaman ni Prin na may tao sa likuran kaya hinila niya ang fire extinguisher na nakasabit sa pader. Pinaputukan sila ng dalawang babae na nakita niya na bodyguard ni Hitomi.

Naging daan naman iyon kay Hitomi para makakuha ng tiyansa na makalusot kay Kai na natigilan. Dumaan pa ang babae sa kanya nang nakangisi.

"Ako na ang bahala sa kanya." sabi ni Rob saka sumunod kay Hitomi.

Tumango lang si Kai pero sumunod siya kay Rob para mailabas din si Bella sa lugar.

Nangigigil si Prin na lumapit sa dalawang babae ginamit niya ang fire extinguisher para masalag ang mga bala na pinapaputok nito sa kanya. Nabutas na ang lagyanan ng bitbit niya kaya may lumalabas ng malamig na puting hangin (nitrogen) doon. Nang makalapit sa mga ito ay sinampal niya sa mukha ng isa ang lagyanan kaya tumabingi ang mukha ng isang babae. Saka niya tinalon ang isa pa at pinigilan ang kamay nito na may hawak na armas. Mabilis niya itong tinulak sa pader.

Hawak-hawak niya ang kamay nito na pilit na itinututok sa kanya ang baril na hawak at pinipigil naman ng braso niya ang dibdib ng mukhang sanggano na babae. Nagpaputok ito at tumama iyon sa kisame. Ilang beses pa itong nagpaputok ng baril at kapwa sila nangigigil sa isa't-isa. Binigyan niya ito ng headbutt sa noo.

Bumangon naman ang isa pang babae at hinimas ang tumabinging panga saka muling sumugod. Naramdaman niya iyon sa likuran kaya pilit niyang itinutok ang hawak na baril ng pinipigilan niyang babae dito.

*bang!* tinamaan sa noo ang bagong tayong babae.

"Tapusin na natin ito!" angil sa sabi niya.

"wrahhhh!!!"

Siniko niya sa mata ang babae saka niya hinampas ang ulo nito sa kabilang pader at nangigigil na tinulak pasulong ang mukha nito sa pader. Saka niya hinampas muli ang ulo nito sa kabila pang pader. Nawalan ng malay ang babae.

Hinihingal si Prin pagkatapos. Dinampot niya ang baril nito saka tumakbo siyang muli pasunod kay Rob.

Si Cally sa kabilang banda ay walang kahirap-hirap na nahuli si Mr. Sy.

Si Kai naman ay bitbit si Bella na palabas na ng yate. May mga kasabay siyang ordinaryo na nagsisipagtakbuhan palabas pero hindi na niya pinansin pa ang mga ito. Ang nasa isip ni Kai ay ilayo ang nobya niya sa lugar.

Wala siyang pakialam kung masuspinde siyang muli dahil iniwan niya ang misyon.

"I'm going guys, ihahatid ko na si Bella." sabi niya. Bago pa niya marinig ang reklamo ng mga kasama, tinanggal niya na ang ear piece at hinagis iyon sa dagat.

Halo-halo ang nararamdaman ni Kai sa mga oras na iyon habang naglalakad sa madilim na bahagi ng port na bitbit si Bella. Sama ng loob, pagkainis, awa at pagkamuhi ang nararamdaman niya.

Malapit na siya sa motor na gamit nang madinig niya sa unang pagkakataon si Bella.

"Kai…" mahina at namamaos na tawag nito.

Huminto siya saglit ay nilapag si Bella sa s.e.m.e.nto "Yes , My Angel?"

Nakita niya na nagluha ang mata nito. "I'm... thirsty..."

Nakaramdam siya ng awa sa nobya.

"Hahanap ako ng tubig for you. Saglit lang ha." Inikot niya ang paningin. Naalala niya na may tubig ang van na gamit ni Cobra, kaya bitbit si Bella ay dinala niya ito doon. Laking pasalamat niya at hindi na-lock ni Cobra ang van.

Pag-aari iyon ni Rob na konektado sa computer ni Mat-mat. Nasabi na sa kanya ni Prin na may mga armas ang sasakyan na iyon.

Dahan-dahan niyang inupo si Bella sa likurang bahagi ng sasakyan saka naghanap ng tubig sa loob ng van.

"Here" tinapat niya sa bibig nito ang tubig pero hindi nito mainom ng maayos.

Wala siyang choice kundi inumin ang tubig saka isalin sa bibig nito iyon. Napansin niya na nakakabawi na ng lakas ang dalaga at hindi na tulad ng una na tulala lang ito na parang hindi siya nakikita.

"Matamis ang tubig..." komento nito.

Hindi napigilan ni Kai na halikan ang nobya niya sa mas malalim na paraan.

Hindi niya alam kung ano ang pinakain sa kanya ng babaeng ito at kaya niyang iwan ang misyon ano mang oras na hindi niya pa nagawa sa ilang taon niya bilang Dark Guard. Bella is like a beautiful potion who brings happiness inside his heart.

Ilang buwan pa lang sila na magkasama pero alam niya sa sarili niya na wala nang ibang Bella pa na dadating sa buhay niya. Kaya niyang iwan ang posisyon niya bilang Leader ng Dark Guard o kahit ang tagapagmana ni Master Chen para sa babae.