Chapter 150 - Old Witch (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Haplos ni Kai ang pisngi ng kanyang Angel. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya nang mahalikan niya ito.

"I'll stay here… go and help them to save my sister… she was in cabin 3 with the other girls" hiling ni Bella.

Nagdadalawang-isip si Kai sa hiling nito dahil pansin niya na nanghihina pa si Bella.

"A-are you sure?" tanong niya.

"Hmmm."

Kinuha niya ang earphone na nakasabit sa unahang bahagi ng sasakyan kung ano ang gamit ni Cobra nang kausap nito si Mat-mat. Nagbabakasakali na baka nasa linya pa ang manyak na hacker.

"Mat?" tawag niya. Laking pasasalamat niya nang sumagot ito.

"Yes, Ryan Driller? Mukhang na-save mo na ang iyong Angel. Inggit ako sa sweetness niyong dalawa" komento nito.

Mukhang nadinig nito ang pinag-usapan nila ni Bella dahil naka-on pa ang koneksyon ng sasakyan sa computer nito.

"I almost thought na may aksyon din kayong gagawin sa Van e." dagdag pa nito.

'What a pervert hacker?!'

"Mabuti pa sabihin mo sa akin kung saan banda yung cabin 3. Saka, nasaan ang armas dito sa van?"

"Wow! Mukhang mas matalino ka kay Cobra. Pahanap na rin ng main switch ng yate habang papunta ka sa cabin 3. Anyway, itulak mo lang gamit 'yung kanang kisame diyan sa itaas ng pintuan kung saan kayo pumasok ng Angel mo."

Tinanggal ni Kai ang headset, saka sinunod ang payo ni Mat-mat. May naka-ukit naman na salitang 'PUSH' kaya hindi siya nahirapan.

*klink*

Bumukas ang gilid na parte ng sasakyan, ang ibabang bahagi ng bintana matapos niyang itulak ang tinuro nito sa kanya at lumitaw ang ibat-ibang uri ng armas.

May M-16, katana, baril at kung ano pa. Nilagay niyang muli ang earphone sa tenga.

"May armas ka dito at hindi mo man lang sinabi sa'min?" tanong niya kay Mat-mat.

"Wala namang nag-request e, ikaw pa lang. O siya, pili ka lang ng isa ha. Kay uncle Rob iyan"

"Sure, anyway, nasaan ang camera dito sa van?" habang tinatanong ito ay nakita niya ang bilog na bagay na parang mata ng stuffed toy, naka-gitna iyon sa aircon ng sasakyan at tutok na tutok kay Bella.

"Why?" tanong nito.

Inayos niya ang coat na nakatakip kay Bella.

"Dahil ayokong bosohan mo ang Angel ko. Akala mo ba ay hindi ko alam na may kopya ka ng mga larawan ni Prin nang mag-laro kami ng beach volleyball?"

Bago pa ito makatanggi ay kumuha na siya ng electrical tape na nakakalat sa ibabaw ng sasakyan at tinakpan ang sa palagay niya ay ang camera.

"Ano ba iyan, ang boring!" reklamo nito agad kaya alam niya na tama ang hinala niya.

Gustong magtaas ng kilay ni Kai sa manyak na si Mat-mat. "babalik na ko sa loob"

"Ok. Ingat! Pasalubong ko ha"

"Gagu!"

Tumawa lang ito sa kabilang linya. Napapailing si Kai sa pinsan na ito ni Cally. Hindi lingid sa kanya na mas mayaman pa sa kanilang lahat ang lalaki. Kaya nitong kumita ng milyon sa isang oras lang.

Binalingan niya si Bella.

"See you later, My Angel" saka niya ito hinalikan sa noo.

=====

Si Rob sa kabilang banda ay hinagisan ni Hitomi ng maliit na bomba.

"Ha ha ha!" tumawa ito ng nakakaloko pagkatapos.

"F*ck!" mabilis na gumalaw ang utak niya at tinungo niya ang pinakamalapit na pintuan bago muling sinara iyon. Eksakto naman na sumabog ang bomba.

Hindi naman ganoon kalakas ang pagsabog pero dumagundong pa rin sa labas ng pintuan. Nangigigil na siya sa gurang na babaeng ito.

Sinipa niya ang pintuan dahil nasira ang knob nito na bahagyang uminit at hinabol muli ang babae.

Pagdating sa dulo ay nakita niya na nakabantay ang isang Dark Guard sa pintuan. May mga pasahero na gustong lumabas pero mahigpit ito.

"Hindi dumaan dito si Hitomi?" Takang tanong niya dahil mukhang walang komosyon na naganap doon.

Nakakunot ang noo nito na sumagot. "Master, kanina pa ko nandito. Wala po akong nakitang Hitomi"

Nangigigil si Rob. Saan napunta ang gurang na iyon?

Isang Dark Guard na si GW35 ang narinig nila sa earpiece.

"Master, nakita ko si Hitomi lumabas sa secret door. sinusundan ko siya papuntang North ahhh!!!--." matapos iyon ay isang sabog ang nadinig nila.

Nag-aapoy na ang mata ni Rob at gusto niya nang ekisan ang pagmumukha ng babae.

"Palabasin mo ako!" hindi niya na hinintay pa ang sagot nito. Binuksan niya ang pintuan at tinungo ang lugar na sinabi ni GW35 na lugar.

Nakita na lang niya na nasa lapag na ang Dark Guard na si GW35 hawak ang isang isang maliit na pintuan na gawa sa bakal na galing sa eksaktong butas na nasa gilid.

Nagkalukot-lukot na ang bakal nito na sa tingin ni Rob ay hinagisan ni Hitomi ng Bomba. Mabuti at nasalag ng dalaga. Gayunpaman, may kakaunting sunog pa rin ang balat nito gawa ng pagsabog.

Ilang saglit pa, umingay sa bandang likuran at nakita niya na sakay na si Hitomi ng isang isang speed boat.

"Shit!" mura niya. Tinakbo niya ang likuran kung saan normal na nakaparada ang mga jet ski para mas mabilis na mahabol ang babae.

Patungo na siya doon nang makita niya si Prin at Cally na sakay ng jet ski at habol ang gurang na babae.

"Dark Guards, this is an order! Walang paaalisin sa lugar!" sabi niya sa ear piece.