Chapter 151 - Old Witch (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kinulong ni Cally si Mr Sy sa isa sa mga cage kung ano ang ginamit ng mga ito para ikulong ang mga babae. Pinabantay niya ang intsik sa isang Dark Guard kasama ng iba pang nawalan ng malay na kalaban.

Nagkita si Prin at Cally sa hallway at sumimangot agad ang asawa niya nang makita nito ang suot niyang kaunti na lang ay mahuhubo na lang iyon ng kusa. Hinubad nito ang buong kasuotan at lumitaw sa mata ni Prin ang itim na Dark Guard suit. Sinuot sa kanya ang itim na polo na hinubad nito..

"How come, I don't have a suit?" reklamo ni Prin. nabigla kasi siya na may suot itong Dark suit.

"Because you are Mia Khalifa and you should be wearing a red gown"

"Who is that anyway?" usisa niya dito.

"A P0rn star"

Prin "...."

Nanlalaki ang mata ni Prin, kaya pala ganoon na lang ang tawa ng mga kasama niya nang buong tapang niyang sabihin sa gwardiya ang pangalan niya at saka kung gaano ka-grabe tumawa si Kai.

Kapag nakita niya ang Mat-mat na ito sa personal ay isasampal niya talaga dito ang keyboard na gamit nito.

Habang binubutones ni Cally ang polo sa katawan niya ay nakarinig sila ng pagsabog. Nagkatinginan silang dalawa at saka tumakbo palabas ng pasilyo.

Isang palapag mula sa kinatatayuan ay nakita nila si Hitomi na pasakay ng isang speed boat. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon, pinaputukan ito ni Prin pero agad itong nakailag.

"This old biatch!" ngayon ay naiintindihan na rin niya kung bakit asar and Daddy niya sa babae. Sabay sila na tumalon ni Cally pababa para mahabol ito, saka tumakbo pagawi sa pwesto ng babae.

"Ha ha ha!" tawa lang ito ng tawa. Hanggang sa makita nila na umandar na ang gamit na speedboat palayo.

Nakakita sila ng jet ski sa tabi at hindi na nag-aksaya ng oras na magkasunod na sumakay doon at hinabol si Hitomi. Si Cally ang nagmamaneho habang nakasakay si Prin sa likuran.

Naging problema nila ang dilim ng paligid. At umaasa lang sa kakaunting liwanag na nagmumula sa half moon.

Binatuhan sila nito ng bomba. Para makaiwas, umikot ang sinasakyan nilang Jet ski sa ere. Kumapit ng mabuti si Prin sa leeg ni Cally para hindi mahulog.

Bumalik naman sa pwesto ang sinasakyan at patuloy na umandar para sundan si Hitomi. Hindi niya hahayaan na makatakas sa paningin niya ang walang hiyang babae. Nang makalapit dito ay hinagisan niya ng patalim ang babae. Nakaiwas ito pero hindi ang speedboat na gamit dahilan para mabutas iyon.

"Sh*t!" Nangigigil si Hitomi na naghagis muli ng bomba at umiwas muli sila ni Cally.

Pero hindi nito nakita ang pasalubong dito na isa pang jet ski na sakay si Rob. Tumalon si Rob mula sa sasakyang pandagat patungo sa speedboat kung nasaan si Hitomi.

"I am so waiting for this" nakangisi na sabi ni Rob. Hindi na niya hinintay pa ang sagot mula rito na binali ang leeg saka sinaksak sa dibdib ang babae.

Ilang saglit lang umingay na ang buong paligid mula sa limang helicopter na tulong mula sa Heneral. May mga ilaw o spotlight na nanggagaling mula sa mga ito at nakatutok sa kabuuan ng yate. Ilang saglit lang bumaba ang Heneral gamit ang lubid mula sa isang helicopter.

"General, Nakatakas si Hitomi pero nasa loob si Mr. Sy at ang nagtatago na si Major Jaime." pagbibigay-alam ng isang dark Guard.

Tumango ito. "I want to see that bastard! Let's go!" Utos nito sa iba pang kasama para inspeksyunin ang lugar at makuha ang mga ebidensya.

=====

Matapos hubarin ang tuxedo, lumitaw ang itim na suit ni Kai bilang Dark Guard saka siya nagpaalam kay Bella.

May tatlong metro na ang nalalakad ni Kai palayo sa sasakyan bitbit ang mahabang katana when he felt something wasn't right. Huminto siya at nakiramdam.

Nang maramdaman na may pasulong sa kanya na kung anong bagay ay umikot siya at hinampas ang katanang hawak para pigilin ang pwersa mula sa kung kanino..

*klink* tunog ng dalawang nagkiskis na metal. He pushed his sword against his enemy.

"Ha! What a small world, I see you again!" sabi niya sa lalaking naka-white suit na may pulang marka sa dibdib na nakita nila ni Prin nang hapon na dinukot si Bella.