Chapter 152 - His Angel (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nabigla si Kai na makita ang lalaking nakaputi. Ngayong mas malapit ang lalaki, mas kita niya sa malapitan ang kabuuan nito. Sa tingin ni Kai ay hindi nalalayo sa edad niya ang edad nito. Halos parehas lang din sila ng bulto ng katawan.

Mestizo ang lalaki na may gray na mata, samantalang halata ang pagiging asyano ni Kai.

Nginisian siya nito saka umabante para ihampas sa kanya ang hawak na espada sa tagiliran niya na sinalag ni Kai gamit din ang mahabang japanese sword.

*klink* matapos isalag, inikot niya iyon para siya naman ang maka-hampas ng gamit na espada.

"I like you!" sabi nito saka muling umabante para tirahin siya muli.

"Sorry, but I don't like you! Haahhh!" umabante rin si Kai pasulong. Nagpalitan sila ng hampas gamit ang matalim at mahabang katana kaya madidinig ang pagkalansing ng dalawang armas.

"Interesting!" nagsisimula nang mapagod ang lalaki.

Natutuwa siya na patas ang laban sa pagitan nila nito. Sa loob ng maraming taon si Lorenz at Cally lang ang nakapag-pa-excited sa mga kalamnan niya bago ang taong ito.

"I'm not interested!" Sinipa niya ito sa mukha saka hinampas muli ang katana. Hindi man nailagan ng lalaking nakaputi ang sipa niya, nailagan nito ang katana na hinampas niya mula sa itaas saka siya sinipa sa dibdib dahilan para mapaatras si Kai.

Pinigil niya ang sapatos sa sahig para hindi siya mawala sa balanse. Sumakit ng bahagya ang dibdib niya. Aminado siya na magaling ang kalaban niya na ito.

"I'm sorry, I am on a mission." nakangisi na sabi nito saka umabante muli para masugatan siya.

"I know you are Gon's idiot follower" sabi niya bago ito sinuntok sa mukha. umikot para makakuha ng tyansa na maipasok ang lalaki sa pagitan niya at ng espada. Buong pag-gigil na hinihila niya ang patalim para masugatan ito. Bago iyon, binigyan siya ng headbutt sa likod.

Kaya siya napaatras.

"He wish to have Cally's position."

Napangisi lang si Kai "In his Dreams!"

Matapos muli ang palitan ng hampas ng espada, nahuli niya ang brown na buhok nito at isinampal ang mukha nito sa hood ng kalapit na sasakyan. Siniko siya nito sa dibdib pagkatapos kaya napaatras siya.

Limang metro ang layo nila sa isa't isa at kapwa hinihingal. Ilang saglit lang, parehas na nag-aapoy ang mga mata nila at sabay na umabante.

"Hahhhh!!!" galit na hiyaw nilang parehas at sabay lang na dumeretso na halos hindi makita kung ano ang kinilos nilang dalawa kung hindi titingnan sa malapitan.

Nagpalitan sila ng pwesto at doon lamang lumitaw ang sugat sa kanilang dalawa. Nasugatan siya nito sa braso at ang lalaking nakaputi sa tagiliran.

Halata ang guhit sa braso ng itim na suot ni Kai. Namumula iyon at kita ang guhit sa balat niya na nagsugat.

Gan'on din ang lalaki. May hiwa din ang tagiliran nito at mas kita ang pagkalat ng dugo dahil nakaputi ito. Alam ni Kai na nasugatan niya ng mas malaki ang lalaki, hindi lang nito pinahahalata.

"He he!" ngumisi ito sa kanya. Noon lang niya napansin na nasa likuran nito ang van kung saan naroon si Bella.

Nagsimulang kabahan si Kai at hindi nga siya nagkamali dahil gamit ang espada, sinira nito ang pintuan. Mabilis na tinakbo ni Kai ang pwesto, ngunit huli na.

Matapos mabuksan iyon, mabilis na hinila ng lalaki mula doon si Bella.

"No!" sigaw niya. Halata sa mukha ni Kai ang pagkabahala.

"Subukan mong lumapit!" banta nito kaya napatigil si Kai. Nakakuyom ang mga kamao niya at hindi alam ang gagawin.

Napaluhod ang nobya niya na nanghihina sa lapag. Nanlalaki ang mata ni Kai at nanggagalaiti sa galit. Hindi niya kaya ang nakikita.

Hawak nito ng mahigpit ang buhok ni Bella habang naka-diin sa leeg nito ang espada. Nanlalaki ang mata ni Kai at hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. Nagsimulang bumalot ang lamig sa pagkatao niya. Kaunting kaunti na lang, at babawian na ito ng buhay sa talim ng espada na hawak ng lalaki.

"Leave her alone!!!" galit na angil niya dito. Halos madurog na ang ngipin niya sa sobrang galit.

"Tsk tsk! too bad, Leader Kai! You fell in love sa mahinang babae."

"Gag* ka! Huwag mo siyang sasaktan!" sigaw niya dito.

Si Bella ay nakatingin lang sa kanya at wala man lang maramdaman na takot na lalong nakadagdag sa pagkabahala ni Kai. Pero may namuo pa ring luha mula sa mata nito. Ngumiti sa kanya si Bella na lalong nagpalungkot sa kalooban niya.

Alam niyang nanghihina pa ang nobya niya kaya para itong manikang de-susi na nananatiling nakaluhod. Nangingitim pa rin ang magandang mata ni Bella.

Inangat nito ang kamay at hindi niya kinaya ang mga sumunod na nangyari.