Chapter 153 - His Angel (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
[Feibulous :sobra sobra, sobrang marahas content.]

She looked at Kai's beautiful face. In her life, this guy brings out the best in her. He always making her feel pretty. 

She sung in a stage beautifully having the thoughts of him. Bawat stoke ng kamay niya sa gitara at bawat kataga na inawit niya ay nilalaan niya sa lalaki. 

Sa palagay ba ni Kai ay hindi niya alam na lihim itong nanonood? During that audition day, ramdam niya ang presensya ni Kai sa paligid. 

Before she was drugged, sinabi sa kanya ng babaeng may mapulang lipstick, na boss ng lahat ng maid, na Mommy ng nobyo niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa gan'ong sitwasyon. 

Masyado daw kasi niyang inakit ang anak nito. 

Strange but she doesn't feel any sourness in her heart kahit nang painumin siya ng droga nang labag sa kalooban niya. Her days together with Kai is beautiful. Sa unang pagkakataon, she fell in love with the right man. Her life with him was short but beautiful. How can she blamed him or his mother for whatever bad things happened to her?

Kahit sa magulang niya ay hindi niya naramdaman ang pag-alaga na binigay nito sa kanya. She felt like she was the lost princess who finally found her prince. 

Kinikilig siya kapag kasama ang binata. Kapag binibigyan siya ng bulaklak tuwing umaga. Tuwing bibigyan siya ng matamis na halik sa labi. Tuwing kukuhaan siya ng larawan ng simple at patago, tapos ipo-post nito sa social media. 

She felt proud knowing that she was his first love. Okay lang kahit hindi ang binata ang una niyang nobyo, she found her true love anyway.

Her every moment with Kai was really beautiful. She likes it whenever he calls her his Angel. 

His Angel… She will always be his Angel. 

She smiled sweetly looking at him at lihim siyang nagpaalam. She reached out her hand as if he was near. 

"Mahal na mahal kita, Kai…" narinig niyang sabi nito. 

Kai looks at Bella's innocent eyes na nanatiling kumikinang dahil sa liwanag ng buwan kahit ilang agwat pa ang layo niya dito. Namumutla at magaspang ang labi dahil sa droga na pinainom kay Bella. She smiled at him na lalong nagpasikip ng damdamin niya. 

"Wow! Ang sweet! But, you know what my mission tonight?" nakangisi na tanong nito. Tila isang halimaw sa mata niya ang pagkakangiti nito

"To… kill her!" sabi saka mabilis na ginilitan sa leeg si Bella gamit ang espada. 

"No!!!!!!!!!!" Nanlaki ang mata ni Kai at nanginig ang lahat ng kalamnan niya sa nasaksihan. Tila parang electrical current ang lamig sa katawan niya na mabilis na dumaloy mula paa paakyat sa ulo. Parang lumobo ang ulo niya sa nasaksihan. 

Nag-apoy ang mata na nilapitan niya ang lalaki. 

"Haaahhh!!!!" para siyang sinapian na mabilis na hinampas ito ng katana. Binalewala ni Kai ang sugat sa braso. Pasulong ang ginawa niyang pagtira. Sinasalag lang nito iyon hanggang sa ma-corner niya ito sa container truck. Nakatulong siguro sa panghihina nito ang sugat nito sa tagiliran. 

Nanlilisik ang mga mata at parang sumapi sa kanya ang masamang espirito na sinuntok niya ito ng ubod lakas. 

Ginulpit niya ito at binuhos ang lahat ng galit sa lalaki. 

"Hahhhhhh!!!!" gigil na hiyaw niya saka mabilis na naihampas ang matalim na katana sa leeg ng lalaki. 

Parang slo-motion na humiwalay ang ulo nito mula sa katawan. Tumilapon ang ulo ng nakaputing lalaki at unti-unting nalaglag ang naiwan na katawan sa lupa. 

Mabibigat ang paghinga at parang biglang nanghina ang pakiramdam ni Kai matapos iyon. 

Nabitawan niya ang madugong katana na hawak. Pinihit niya ang katawan at dahan-dahan na nilapitan si Bella. Nakagat niya ang ibabang labi dalawang hakbang ang layo sa babae saka siya yumukod para harapin ito. 

"Ahhhh!" hindi niya alam kung paano ito hahawakan. Nananatili ang ngiti sa labi ni Bella. 

Sa unang pagkakataon hindi napigilan ni Kai ang humagulgol at sobrang naninikip ang dibdib niya na makita ang babae sa ganong ayos. 

"Bella…" mahinang tawag niya sa babae. Napapikit at kagat ang labi na lumuluha si Kai. 

"Ahh…" nasuntok niya pa ang simento. 

Kung hinayaan niya ba na mauhaw si Bella at iuwi sa bahay, mananatili ba sa bisig niya ang dalaga? Kung hindi niya iniwan si Bella sa sasakyan kahit saglit lang, mananatili bang buhay ito nang nakangiti sa kanya?

"ahhhh!" nangigigil na hiyaw niya dahil sa sama ng loob. Isang malakas na paghinga ang nilabas niya. Sinimulan niyang haplusin ang buhok nito. 

His Angel is gone. Labis-labis na kalungkutan ang nararamdaman niya sa oras na iyon. Para siyang batang iniwan ng magulang sa oras na iyon. Naninikip ang dibdib niya sa sama ng loob. 

'Put*ng in*ng buhay naman ito!' napapamura na lang siya sa sarili. 

He looked at her peaceful and pretty face. Nangangatog ang labi na hindi niya alam ang gagawin sa unang pagkakataon. 

Mariing napapikit si Kai habang baha ng luha ang pisngi. Sobrang sakit sa dibdib. 

"Hah.. Hah.." huminga siya ng malalim ng ilang beses dahil sa sobrang sikip ng dibdib parang hindi na siya makahinga. Sinong matutuwa na mamatay ang babaeng mahal mo sa harapan mo mismo? Hindi akalain ni Kai na iyon na ang huli. 

Niyakap niya ang duguan na katawan nito. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang tanga sa ganoong ayos. Nakipagbiruan pa siya kay Mat-mat bago niya ito iwan. 

Kung alam niya lang sana… 

Nasa ganoong ayos siya nang dumating si Prin. 

"Oh my god!" napasinghap ito nang makita ang katawan na pugot ang ulo pati ang paghagulgol ni Kai na nasa gilid ng sasakyan.