Chapter 154 - Matthew saved her

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Palabas na si Kai ng sasakyan, he kissed Bella on her forehead. Strange, but he doesn't want to go out at iwan ang dalaga na mag-isa.

*buzz buzz*

Nakita niyang nagb-bling ang isang berdeng ilaw sa unahan at nagv-vibrate.

Nakakunot ang noo na kinuha niya ang headphone dahil mukhang may gustong sabihin sa kanya si Mat-mat.

"Mat?"

"Kai, do not go! I saw something will happen when you get out of that car!"

"What do you mean?"

Narinig ni Kai na nag-lock ng kusa ang buong sasakyan.

"May infrared ang sasakyan ni Uncle Rob. Someone is near, I saw red heat in a night vision cam sa labas na nagmumula sa katawan ng tao. This is definitely Gon's follower. And, I-I saw Bella ended her life tonight… when you get out of that car"

Kinilabutan si Kai sa nadinig.

"What do you mean?!" napasigaw siya ng wala sa oras.

"Just trust me, the best thing you have to do right now is to drive that car away in that area!" utos nito sa mataas na boses.

Mabilis na sinunod ni Kai ang utos ni Mat-mat. Bigla siyang na-tense sa sinabi nito lalo na nang sabihin na namatay si Bella doon.

Nakita niya sa view sa dagat na may mga helicopter nang nakapalibot sa malaking yate mukhang wala nang lusot ang grupo ni Major Jaime.

"whew! Cobra, got the main switch finally! I can now watch Major idiot" sabi nito sa kabilang linya.

"What do you mean by Bella got killed tonight?" hindi maiwasan na usisa niya.

Noon napansin ni Kai na may sumusunod sa kanyang nakamotor at nakaputing suit.

"May panget sa likuran na sumusunod" sabi niya saka mas mabilis na pinaandar ang sasakyan. Namumukhaan niya na ang lalaki sa likod ang nagpaulan ng maraming bala ng nagdaang araw.

"That is the person who killed your Angel" komento nito.

"She will not idiot! How come you knew about this?" gustong mag-init ng ulo ni Kai at bugbugin si Mat-mat sa mga pinagsasasabi nito.

"I dreamed about your Angel and you wouldn't understand technology. You knew that the car you are driving is not that simple right?"

"You dreamed about my Angel?! You pervert!" galit na singhal niya dito. Sinong nobyo ang matutuwa na napapanaginipan ng kung sino ang nobya niya?

"Parehas kayo ni Cally! Kung maka possess wagas! It's not my fault okay! Anyway, kumaliwa ka sa susunod na kanto." utos nito.

"Why?" tanong niya pero sinunod niya ito.

Bago pa makaliko ang sasakyan, naramdaman na lang niya na may nilabas na pwersa ang likurang bahagi ng sasakyan na tila maliit na missile patungo sa lalaking nakaputi.

"Wow! Your car is amazing!" puna niya.

"Mabuti pa dumeretso ka na lang. I am serious, you have to end this guy's life or else you will never see your Angel tomorrow. His mission tonight is to kill Bella." sabi nito.

Naningkit ang mata niya sa nadinig. Sinilip niya si Bella na nakaupo ng maayos sa back seat at mapayapang natutulog. Walang makitang emosyon sa awra ni Kai pero hindi pa rin talaga nawawala ang galit at sama ng loob niya sa Mommy niya.

Matapos lang talaga ang misyon nila ngayong gabi ay dadalhin niya si Bella sa bahay at ipamumukha niya sa ina na hindi siya natatakot na itakwil ng buong angkan para sa nobya.

Narinig niyang may inuutos ito kay Cobra sa kabilang linya.

"Ang tindi mo t'song! Napakamulti-tasking mo ha! Ilan ba ang kamay mo? Walo?"

"Hmp! Tapos wala namang binabayad sa'kin si Cally kahit piso. Sayang 'yung kuryente ko, internet saka talino"

Kai "...." wow!

*bang bang*

Umingay ang likuran ng sasakyan dahil pinaputukan sila ng lalaking nakaputi ng maraming beses. Bullet proof naman ang sasakyan kaya wala siyang problema.

"Turn right!" utos ni Mat-mat. Sinunod naman ni Kai.

Nakita na lang niya na may nilabas na maraming armas ang sasakyan sa likuran. At parang armalite na pinaputukan ang lalaki sa likod.

"Wow! How much is this car? I like it!" sabi niya.

"150 Million"

Nanlaki ang mata niya sa nadinig.

"wow! para imaneho ang sasakyan na sobrang mahal parang mamamatay na ako bukas."

"Idiot! Hindi ikaw ang mamamatay kun'di si Bella kapag hindi mo naturuan ng leksyon ang ugok sa likuran mo. I saw how you cried so hard holding your little angel in my dreams."

Nagtaas ang kilay niya sa nadinig "Kung pwede, sa susunod, 'wag mo na kami isama sa panaginip mo. Ang creepy mo kasi!"

Naiwasan ng lalaking nakaputi ang mga bala at mabilis itong nagpaandar para masabayan ang van. Kapwa sila mabilis na nagmamaneho.

*bang bang* pinaputukan siya na nasa driver seat. Nabasag ang salamin ng bintana at yumuko lang si Kai.

Patuloy lang silang nagmamaneho ng mabilis.

"Now, stop the car!" sabi nito sa kabilang linya na agad na sinunod ni Kai pero mabilis siyang lumundag sa likuran para yakapin si Bella dahil sobrang lakas ng pwersa ng pagkakahinto niya. Sigurado siya na titilapon ang dalaga.

Nabigla naman ang lalaking nakaputi at hindi nito napansin ang umaandar na tren sa unahan. Sumemplang ang lalaki na sakay ng motor nito sa umaandar na tren, dahilan para tumilapon ito at masugatan. Halos masira ng ang suot nitong puting damit.

Nakita na lang ni Kai na halos hindi na makatayo ang lalaki na nasa unahan ng van kung saan sila nandoon.

Nanlilisik ang mata nito na nakatingin sa gawi nila. Ganoon din naman si Kai habang nakatingin dito. Hanggang sa nakita na lang niya na iika-ika itong umalis.