Parang bata si Prin na pinagagalitan ng asawa niya kaya nakanguso siya at hindi makatingin dito.
"Iyong karne mo na iisang piraso, nasa malaking wok? tapos 'yung noodles, nasa kaldero nga pero pinilit mo talagang lutuin nang walang tubig? Hindi ka man lang ba nagbasa ng recipe?" nakahalukipkip na tanong ni Cally.
"Bakit ako magbabasa ng recipe sa pagluto lang ng noodles?" kinuha ni Prin ang supot.
"...Look! It says, cook for 10 minutes!" sabi niya habang turo-turo ang nakalagay na numero sa harapan ng supot.
"Yes. sampung minuto na lulutuin... sa tubig! Baka pati ang sinaing, hindi mo rin alam na nilalagyan ng tubig?"
"Huh? Nilalagyan din ng tubig ang pagluto ng kanin?"
Cally "..."
Umirap si Prin "It's not my fault! Kasalanan iyon ng mga nagluluto. Kasalanan ko ba kung wala namang tubig 'yung noodles kapag hinanda na sa akin 'yung pasta? At yung kanin? They are normally dry. Ang alam ko na may tubig ay ang ramen! O kaya sinigang!" katwiran niya.
Cally "..."
Hindi naman alam ni Cally kung ano ang isasagot niya sa personal na katwiran ni Prin.
"With your knowledge, hindi na talaga ako magtataka kung iyan ang mga napupuna mo."
Kumalma naman si Cally matapos ang ilang sandali dahil alam niya na sinubukan talaga ni Prin na magluto para sa kanya. "Honey, tingin ko mas papayagan pa kita na sumama sa misyon, kaysa ang sunugin mo ang buong bahay natin"
Doon napakagat ng labi si Prin. Medyo guilty siya dahil nasira niya ang kusina ng bahay nila. Hindi niya mahiwa nang maayos ang carrots at patatas.
Isang basket na yata ng patatas at carrots ang nababalatan niya nang mapansin na umuusok ang nilulutong chicken saka ang kaldero na may noodles. Sa sobrang taranta ni Prin, nilundag niya ang kalan, nasagi niya ang mga kagamitan kaya kumalat ang mga iyon.
Imbes na patayin pa ang apoy ay nalakasan niya pa ang pihitan nito. Dumoble ang pagkataranta niya kaya kinuha niya ang kung ano man na liquid na makita. Nadampot ng makikinis niyang kamay ang whitewine sa gilid na lalong nagpaliyab sa niluluto niya.
Hindi niya alam ang gagawin. Binuksan niya ang lahat ng kabinet at naghanap ng maaring lunas sa disaster na ginawa niya. Binuhos niya ang asin, harina at kung ano pa hanggang sa wala na siyang makita sa kapal ng usok. Iyon ang nabungaran ni Cally.
Inakbayan siya nito saka inayang lumabas ng kusina. Pinalapit nito ang dalawang kasambahay.
"Huwag niyo nang hahayaan na pumasok ng kusina ang Miss niyo, okay" utos nito at napansin niya na nakahinga ng maluwag ang mga kasama nila sa bahay na para bang diyos ang tingin ng mga ito kay Cally para makaya nito na pagbawalan siya doon.
Hindi niya maiwasan na makaramdam ng hiya sa mga kasama lalo at tinakot niya ang mga ito.