Chapter 162 - A pervert hacker

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi akalain ni Prin na pupuntahan sila nang personal ni Mat-mat para sagipin si Lorenz. At mas lalong hindi siya makapaniwala sa hitsura nito. 

Kung si Cally ay kamag-anak ng iceberg dahil sa sobrang seryoso, si Mat-mat ay cool at nabigla siya na mukhang madali itong makagaanan ng loob. Taliwas sa normal na ugali ng isang computer geek.

"Bakit parang gulat na gulat kayo?" Tanong ni Mat-mat na inikot ang paningin sa lahat.

"Gag*! Ikaw ba naman ang walang mukha, kahit sa webcam ay hindi ka nagpapakita. Tapos isang araw ay papasok ka na lang dito sa meeting na parang makikitulog lang sa kapitbahay." Reklamo ni Kai habang nakahalukipkip.

"Nag-iingat lang ako sa mga kalaban. Kapag nabenta niyo nga ang larawan ko ay siguradong milyunaryo na kayo. O siya! dahil nakita niyo na ang kagwapuhan ko, saan na tayo?"

"We need to find Lorenz' location." Si Cally.

"K!" 

Binuksan lang nito ang malaki at mukhang mabigat na laptop. Mabilis na nagtipa sa computer. 

Nakataas ang kilay ni Kai na sinusuri ang binata. Mukhang nahalata naman nito na amazed siya sa itsura nito.

"Kai, may problema ka ba sa 'kin?" Tanong nito habang mabilis na nagtitipa sa keyboard at saglit na tumingin sa kanya.

"Wala naman, ang kapal kasi ng buhok mo, pwede nang tirhan ng inakay sa kapal! Tapos, interesado rin akong malaman kung bakit kulay blue ang mata mo."

"Cally, mukhang ayaw ng Dark Guards ng tulong" pagsusumbong nito.

"MB5, you are under suspension. You are not allowed to say anything" utos ni Cally para matapos na.

Ngumiti ng malapad si Mat-mat na halos magpasingkit na sa mata nito para kay Kai. Saka pinisil ang pisngi ng huli. 

"Your Angel is amazing! I can give you a secret video cam na pwede mong ilagay pasikreto sa CR ng bahay niya. At pwede mo siyang bosohan tuwing gagamitin niya 'yon." Pang-iinis nito kay Kai. 

Alam ni Mat-mat na gustuhin man ni Kai na gulpihin siya doon ay mapapagalitan ito lalo ni Cally at ng iba pang tao doon kaya naisipan niyang asarin ang binata. 

Tulad ng inaasahan, hindi makapag-react si Kai at makapaglabas ng kahit na anong salita dahil na-warning-an na siya ni Cally. Tama bang sabihin na bosohan niya si Bella? 

Isang titig na masama lang ang naibigay niya sa lalaki.

"Mat..." seryoso si Cally na nagbanta na rin. Naiinip na kasi siya. Hindi tama na magtagal sila sa meeting na iyon dahil nag-iinisan ang dalawa sa kabilang dulo ng Mesa.

"'Eto na, 'eto na! May gigil pa" pagkasabi nito ay hinarap sa kanila ang computer. Pinindot lang nito ang space bar at lumitaw ang isang p.o.r.n video sa monitor. Dahil normal na malakas ang speaker ng laptop ni Mat-mat nawindang ang lahat sa pinakita niya.

"Ahhh! ahhh! yeah! Oh my god! Oh my god!" Hiyaw ng isang mukhang arabong babae na may malaking dudu na nakikipagkemehan sa maputi at kalbong lalaki na malaki ang katawan. 

Nanlaki ang mata ni Mat-mat na pinindot ang pause at tinulak ang monitor ng laptop para magsara iyon. 

Pulang-pula ang mukha ng karamihan sa kwarto. Kahit si Prin ay napanganga sa pinakita ng binata, at bahagyang namula ang pisngi. 

"Cally! Don't tell me that is Mia Khalifa?!" Baling niya sa asawa. Pabulong pero may diin ang pagtatanong niya.

"Yes, with Johnny Sins" simpleng sagot ni Ana na narinig ang pagtatanong niya. Nakangisi ang kaibigan niya at tila nang-aasar.

"Ehem!" Tumikhim si Mat-mat at nagpipindot muli sa laptop.

"Seriously! You are so pervert!" Hindi na napigilan ni Kai na pagalitan na naman ang lalaki.

Bumaling muli si Mat-mat sa binata. "I am just giving you tips okay?! Para may matutunan kayo ni Angel mo."

Bumaling si Kai kay Cally at sa iba pa. "Shi, pwede ko bang saktan ang taong 'to kahit isang beses lang?" Hindi niya na napigilan.

"'No ba 'yan, Init ulo ng baby ko! 'Eto na!" Saka nito pinakita ang nasa monitor.

Isang satellite video ang nakikita nila sa monitor. Isang land area na makikita ang bubungan ng nag-iisang bahay.

"Dito kayo pupunta" naging seryoso ito bigla.

"Paano mo nalaman na nand'yan si Shogun?" Tanong ng Leader ng Gray Guards.

"Because of this..." pagkasabi ay may pinakita na kuha ng video mula CCTV si Mat-mat. 

Kita nila ang nakataling katawan ni Lorenz na halos hindi na makalakad na pinapasok sa loob ng isang madilim na pasilyo.