Hindi nag-aksaya ng oras ang grupo ni Cally nang makuha ang signal na nadakip ang Shogun.
Buong pamilya ng Han ay napapunta ng wala sa oras sa UK.
Nauna si Christen para matingnan at magbantay sa kasalukuyan kay Madam Lira. Kasalukuyan na nag-aaral ang dalaga ng medisina sa Paris at dahil nasa kalapit na bansa lang din ang dalaga, nauna ito ng halos buong araw kila Cally.
Nang buksan ni Cloud Han ang pintuan ng kwarto ni Madam Lira, kasunod ang buong pamilya, natagpuan niya ang Mommy niya na nakahiga sa malapad at malambot na kama.
Nasa loob si Christen para review-hin ang gamot at findings ng Madam. Nakasuot ito ng pinaghalong kulay na itim at puting bestida.
"Dad, Ma!" bati ni Christen. Mabilis itong naglakad patungo sa magulang.
"How is your Mama Lira?" tanong ni Cloud.
"She's okay, nagkaroon lang paninikip ng dibdib dahil sa nangyari. She was emotionally hurt" malungkot na sagot ni Christen. Noon niya napansin si Cally pati ang iba pa nilang pinsan.
"Cally!" nagyakap sila na magkapatid. Napansin din ni Christen si Prin na halata sa mukha ang pagkabahala.
Dahil close ang pamilya nila, magkakilala sila simula pa pagkabata pero hindi sila ganoon ka-close na dalawa dahil iba ang trip ni Prin, sa trip niya.
Isang Dark Guard si Prin, samantalang mas malalim mag-isip si Christen. Pero pamilya pa rin ang turing nila sa isa't isa.
"Prin!" bati ng dalaga.
Ngumiti si Prin kay Christen. Mas matanda sa kanya ng dalawang taon ang dalaga.
"How are you?" Tanong ni Prin.
"I'm good! Thank you!" sagot nito. Gustuhin man nila na magbiruan ay hindi makabubuti sa mood ng kwarto.
Gusto sanang biruin ni Christen si Prin tungkol sa kuya niya, pero seryoso ang lahat na nag-aalala kay Madam Lira.
=====
Tatlong daan na miyembro ng Dark Guards ang nagtipon-tipon sa Kent Mansion sa UK. Makalipas ang ilang taon, nagkita-kita ang Gray at Black Guards.
Sa malaking lupain ng Residente ng Kent, habang naghihintay ng utos, nagawa munang makipagkamustahan ng lahat.
Nasa hall ang lahat ng leader…
Nakaupo ang lahat ng leader sa harapan ng isang kwadradong table. Isang mahabang table 'yon na may twenty seats. Siyaman ang upuan ng magkabilang panig at tig-isa sa magkabilang dulo.
Nakaupo si Prin sa gilid ni Cally, na nakaupo sa pinakadulong bahagi bilang Master ng lahat. Kasama rin sa meeting si Ana at Joen.
Dahil suspendido si Kai, hindi siya ang tatayong leader ng Black guards na magbibigay ng huling salita. Pero pinayagan siya na dumalo para magbigay ng payo at strategy.
Hindi nga lang niya matanggap na nasa dulong bahagi siya nakaupo malayo kila Cally. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang salingpusa sa klase. Wala si Bella sa paligid kaya balik sa normal ang mood ni Kai na mainitin ang ulo.
Nakuha nila ang signal kung saan dinala si Lorenz bago tuluyang nawala iyon. Ayon sa mapa, sa dagat nawala ang signal ng Shogun pero dahil iisa ang kalapit na isla, hinala nila na naroon ang shogun sa oras na iyon.
"Sa tingin ko, nasuri nila ang relo kaya tinapon nila sa dagat" hinala ng isa.
"Shi, kailangan na masiguro natin na naroon nga sa isla ang Shogun" sabi ng isang leader sa nakapangalumbabang si Cally.
Malalim ang iniisip niya. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa kaibigan, ganoon din ang iba pang kasama.
Ilang saglit lang, bumukas ang mabigat na pintuan na gawa sa makapal na kahoy. Agaw-pansin ang pag-ingit nito kaya sabay-sabay na napalingon ang lahat sa direksyon ng pintuan.
Isang lalaking nakasuot ng maluwag na trousers na akala mo ay pajama, masikip na T-shirt at alpombra ang suot na tsinelas ang niluwa ng pintuan.
Matangkad ang lalaki na nasa anim na talampakan at dalawang pulgada ang taas, parang kinahig ng manok ang buhok nito sa kapal, maganda ang pangangatawan kahit na hindi ma-muscle na tulad ng Dark Guards, magandang lalaki na makalaglag shorts at may mata na kulay… asul?
May bitbit pang isang mataas na baso ng tumbler ng kape ang lalaking bagong pasok at laptop na Predator 21 X ang tatak sa kabilang kamay. Isang 21 inches na pinakamalaking laptop na nakita nila sa buong buhay nila.
Napakunot ang noo ni Prin dahil tila naligaw ito ng kwarto na pinasukan. Parang matutulog ang lalaking bagong pasok na basta umupo sa dulong bahagi na silya, katapat ng pwesto ni Cally at gilid ni Kai.
Nakakunot ang lahat sa bagong pasok na binata dahil pare-parehas ang tingin ng mga ito na naliligaw doon ang lalaking bagong pasok bukod kay Cally.
"Hey! Asan na ang usapan? Hindi niyo man lang ako nagawang hintayin?" reklamo nito.
"Ahmm… Sino ka?" Takang tanong Prin.
"Who are you?" mainit ang ulo ni Kai. Akala ba ng lalaking bagong pasok ay nakikipagbiruan sila o makikipaglaro.
"Hey Mia Khalifa, nah-hurt ako sa tanong mo ha! You too Ryan Driller, matapos ko kayong iligtas ng Angel mo! Hmp!" sabi nito bago humigop ng kape.
"Matty?!"
"Mat-mat?!"
Nanlalaki ang mata ng lahat ng tao sa meeting bukod kay Cally.