Chapter 160 - Principles in Life

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos pindutin ni Lorenz ang signal at GPS ng relo niya. Agad na kumonekta iyon sa main computer ng Dark Guard na si Tom.

Nang makuha ni Tom ang signal, nagpadala siya agad ng mensahe kay Cobra na nasa Pilipinas at sa iba pang Dark Guards na kasalukuyang nagsasanay sa UK para hanapin ang Shogun.

=====

Ilang araw na lang ay magsisimula na ang klase kaya naisipan na dalhin ni Kai si Bella sa isang farm house.

Tulad ng inaasahan, suspended na naman siya bilang Dark Guard at si MB10 ang gaganap munang leader sa loob ng ilang buwan kaya nakapagbakasyon siya na kasama si Bella.

Siguro kung nasuspinde siya at walang Bella na nag-eexist sa mundo niya, malamang ay galit na galit siya sa nangyari. Ilan sa mga kasamahan niya ay nagtataka na kung ano ang nangyayari sa kanya at nawawala na siya sa prinsipyo niya bilang Leader at Dark Guard.

Nagagalit na rin sa kanya si Lorenz at napapatanong kung anong meron kay Bella para iwan niya ang lahat para sa babae. Hindi rin alam ni Kai at wala siyang pakialam na isipin pa o ianalisa pa ang bagay-bagay.

Kung mayroon man na nakakaintindi sa ginawa niya, 'yon ay si Cally. Tahimik lang ang Master nila at walang reaksyon sa ginawa niya pero ramdam niya na naunawaan siya nito. May palagay siya na gagawin nito ang parehas na ginawa niya kung malagay din sa alanganin si Prin.

Nakabawi na ng lakas si Bella matapos ang ilang araw. Gamit ang motor ay nagbyahe sila mula sa Blue City kung saan sila nakatira ni Kai hanggang sa farm house na matatagpuan sa kalapit na probinsiya.

Maingat magmaneho ang nobyo niya at parang ninanamnam nito na nakayakap siya sa likuran nito.

Madilim na rin sa farm house nang makarating sila doon.

Isang bungalow house iyon na kakaiba ang disenyo. Bato ang pinakahaligi na pinatungan ng malalaking kawayan. Ang bubungan ay may solar battery na siyang sumusuporta sa kuryente ng kabahayan. May maliit na kusina, isang kwarto na hindi niya pa nakikita at sa pinaka-main area ay may mga silya na gawa sa matibay na kahoy.

"B-bakit nga pala gabi ang naisip mo na magpunta tayo dito?" Kinakabahan na tanong ni Bella habang pinapakain siya ni Kai ng hapunan. Puro gulay iyon na tanim doon sa farm kung saan sila naroon.

Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya lalo at dadalawa lang sila ni Kai sa romantic house na iyon. Nakapag-out-of-town naman na siya kasama ang huling nobyo na si Josh at saka si Kai pero madalas na sa ibang tulugan sila nagpapahinga.

Kung tutuusin, ilang beses na rin niya na nakatabi ang nobyo na si Kai sa pagtulog, pero iba ang kaba niya sa oras na iyon.

"Because it's beautiful. I'll show you later." nakangiti na sagot nito.

"O-okay."

Matapos nilang maghapunan, may inasikaso si Kai sa labas ng bahay. Nagpanggap naman si Bella na nagb-browse sa cellphone. Medyo mahina ang signal kaya nahihirapan siya at natatagalan sa bilis ng internet.

Nang magbalik si Kai, napalunok si Bella lalo na nang inakay siya nito na pumasok sa loob ng kwarto.

Handa na ba siya na ibigay ang sarili sa nobyo?

'Wait lang!!!' Masyado siyang advance mag-isip.

Isang Queen size na kama nga lang ang laman ng kwarto. At kulay puti pa iyon kaya lalo siyang kinabahan.

"Close your eyes." Utos ni Kai. Walang nagawa si Bella kundi ang sundin ang binata. Kumakabog ang dibdib niya lalo nang ihiga siya nito sa kama. Kinakabahan ba siya o excited?!

"Now, open your eyes..."

Dahan-dahan na iminulat ni Bella ang mata niya at tumambad sa kanya ang mga bituin sa langit. Napasinghap at natutop niya ang bibig sa nakikitang ganda ng kalangitan.

"Oh my gosh!"

"It's beautiful, right?"

Tumango si Bella. Pinatay pala ni Kai ang mga ilaw sa labas kaya ito sumaglit sa labas ng bahay.

Ang bubong sa kwarto ay gawa sa espesyal na salamin na halos hindi na makita kaya kitang kita niya ang mga bituin sa kalangitan. Ang saya ni Bella kaya nayakap niya si Kai nang wala sa oras.

"Thank you, babe!" Masaya niyang sabi.

Ilang minuto niyang tinitigan ang pagkinang ng mga bituin habang nakahiga sa malambot na kama. Hindi niya napapansin na nakatitig na pala sa kanya ang binata sa tabi. Paglingon ni Bella ay nasalubong niya ang mata nito.

Matapos ang ilang sandali ng pagtitig sa isa't-isa, nilapit ni Kai ang mukha sa kanya para halikan siya sa labi.

Naaadik na si Kai sa labi ni Bella.

Ang alam niya ay hindi nakakasawa ang labi ng nobya. Hanggang sa lumalim ang halik niya dito. Hindi niya namamalayan na nakapatong na siya sa ibabaw ni Bella.

Gumagapang ang kamay ni Kai simula pisngi, sa leeg pababa sa dibdib. Parang sumapi sa kanya ang masamang espirito at nawala na naman siya sa prinsipyo niya bilang nobyo ni Bella.

He wanted all of her. Bumaba pati ang paghalik niya mula sa labi hanggang sa leeg.

"Ohh…" narinig niyang ungol ng nobya na lalong nakapagpa-demonyo sa pagkatao ni Kai.

Isang malakas na ring ng cellphone mula sa bulsa na may kasamang vibrate ang nagpatigil sa kanila. Bigla siyang napaupo at nangigigil na kinuha ang cellphone. Si Bella sa tabi ay pulang pula ang pisngi at halos hindi makatingin sa kanya.

Naging seryoso si Kai nang mabasa ang pangalan ni Cally sa telepono.

"Shi!" Bungad niya.

Sinabi agad ni Cally ang pakay "MB5, we have to go to the UK! Kinuha nila ang shogun at naospital si Mama Lira. We'll be doing a rescue mission!"