Kakaiba ang isla na pag-aari ng mga Peters. Isang malaking mansion ang nasa pinakagitna ng lupain na napapaligiran ng mga damo kaya kitang-kita ang pagkaberde ng paligid. May tower malapit sa cliff sa likurang bahagi.
May highest point na 32 meters ang taas kung saan may bangin sa bandang likuran. May 0.63 kilometers length at 0.91 kilometers width ang buong isla. Malakas ang hampas ng tubig ng dagat sa mataas na bato kung saan naroon ang bangin. Sa bungad nakaparada ang puting yate ni Gon Peter.
Ilang kilometro ang layo ng grupo ni Cally sa isla at pinag-aaralan ng mabuti kung paano papasukin ang lugar. Nanghingi na siya ng tulong kay Aiden Park para makahiram ng limang skyjet na pag-aari ng pamilya nito.
Kabilang ang pamilya nito sa Dark Lords kaya hindi na ito nagdalawang isip na ibigay ang gusto niya.
Sinusuri ni Mat-mat ang mga video na nakalap niya. Sa malaking lupain na iyon din nagsasanay ang lahat ng White guards. Napansin niya mula sa mga videos na iyon na halos parehas ang training na grupo ni Cally sa grupo ni Gon.
Kung mayroon mang pagkakaiba sa dalawang grupo, disiplinado ang grupo ni Cally, samantalang parang walang sinasanto ang grupo ni Gon. Halatang pinilit lang ni Gon na makabuo ng White Guards. Base sa listahan na nakuha niya, karamihan sa White Guards ay mga goons, holdaper, mamatay tao at kung ano pa.
Malayo sa ugali ng Dark Guards. Kung mayroon mang mananalo sa araw na iyon, sigurado si Mat-mat na grupo ni Cally dahil mas hasa ang Dark Guards sa mga ito. Pero ayaw niyang magsalita ng tapos.
Inikot-ikot niya sa screen ang anyo ng isla. Nasa ganoong ayos siya nang makita niya na pumasok sa kwarto si Kai.
"Kai Jang, come here." Tawag ni Mat-mat sa binata.
"Kung ikaw si Gon, and having this kind of property, saan parte ng kamanyakan mo itatago ang shogun?"
Inikutan ni Kai ng mata si Mat-mat pero sinunod niya ang nais nito. Inikot-ikot niya ang isla sa screen. Zoom in, zoom out.
"I would definitely hide him in an underground chamber na posibleng nasa ilalim ng bahay na 'to."
Nagkatinginan silang dalawa. Napapitik si Mat-mat saka nila tinawag si Cally at iba pa.
=====
Mula sa bangka isang kilometro ang layo sa isla ni Gon Peters, anim na Dark Guards ang lihim na tumalon mula doon at nag-scuba dive para masuri ang pinaka-ilalim na bahagi ng isla. Gumamit sila ng 'diver propulsion vehicle' para mapabilis ang paglangoy nila sa ilalim ng tubig.
Isa si Kai sa grupo para pamunuan ang lima pang kasama. At tulad ng inaasahan, natagpuan nila ang bilog na butas na isang metro ang laki at may bakal na gate na humaharang papasok sa loob.
May nakakabit na maliit na camera sa bawat isa at konektado iyon sa computer ni Mat-mat na maiiwan na magtrabaho sa bangka na ilang kilometro ang layo para gabayan ang lahat ng Dark guards.
"Get in!" utos sa kanila ni MB10 na nanonood sa computer ni Mat-mat. Matapos ang utos nito, naglabas and isang Dark Guard ng oxyacetylene torch para tunawin ang bakal na gate.
"Tingin ko, para sa gustong tumakas talaga ang lagusan na iyan." komento ni Mat-mat.
Ilang saglit lang natunaw ang gate na bakal at sunud-sunod na lumangoy papasok sa loob ang anim na Dark Guard hanggang sa makaahon ang mga ito sa pinaka-sahig ng mansion sa loob.
"We are in!" sabi ni Kai.
"Okay, very good! Hanapin mo ang main computer ng panget na bahay ni Gon." sabi ni Mat-mat sa kanya. Kailangan niyang makuha ang kopya ng lahat ng CCTV sa bahay na iyon.
"As you can see it's super dark here."
Madilim ang buong paligid at halos wala silang maaninag. Gumamit sila ng night vision glasses para makita ang paligid. Hinubad nila ang diving suit at nagpalit ng Dark Suit.
"I can still see it. I can change the cam into night vision." mayabang na sabi ni Mat-mat.
Hindi na ito pinansin ni Kai. Naglakad na silang grupo papasok para mahanap ang shogun.
=====
Matapos makapasok nila Kai, sa loob ng sampung minuto ay susugurin nila ang isla. Kinakabahan si Cally, masama ang nararamdaman niya sa misyon na ito.
"Husbie, are you okay?" tanong ni Prin. Parehas silang nakasuot ng Dark suit at naghihintay ng oras.. Hinawakan ni Prin ang kamay ng asawa niya.
"Everything will be okay. Okay?" nakangiting sabi.
Tumango si Cally saka sumandal sa balikat ni Prin.
Hinaplos naman ni Prin ang dark brown na buhok ng asawa niya. Wala na dapat silang plano na sumama sa misyon na iyon, pero hindi mapakali ang kalooban niya. Kailangan niyang harapin si Gon at iligtas si Lorenz.
Mahalaga ang role ni Lorenz bilang shogun sa papel ni Cally. Bukod sa personal na guard niya si Lorenz, pamilya ang turing niya dito.
Inangat ni Cally ang mukha niya para mas matitigan ng maayos si Prin. "Huwag ka masyadong maglilikot mamaya, okay? Nitong mga nakaraan, sunud-sunod ang naging misyon natin."
"Don't worry, I'll stay by your side." sagot ni Prin saka siya kusang nagbigay ng halik sa labi ng asawa niya.
"You should be, dahil hindi ko hahayaan na makalayo kahit isang hibla lang ng buhok mo sa akin."