Chapter 165 - White versus Dark Guards (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Naglakad sa isang pasilyo ang anim na Dark Guards. Ilang saglit pa, pinigil ni Kai ang mga kasama niya at tinuro niya ang puti at mahabang CCTV camera.

"Mat, may CCTV." bulong niya kay Mat-mat sa ear piece. 

"Get the camera's card, then put it in the reader I gave you." sagot nito.

Sinenyasan ni Kai ang isang kasama na kunin ang sinasabi ng binata sa kabilang linya. Ilang saglit lang nakuha nito ang memory card at sinuksok sa reader na tinutukoy din nito. Agad na nag-transmit iyon sa computer ng binata saka mabilis na kinopya ang lugar at posisyon nito pati ang larawan na kuha nito. 

Ilang saglit lang may lumabas na manipis na larawan sa machine na hawak ni Kai. 

"Put it on the camera lense" sabi nito na agad na sinunod ng kasama niya.

Ilang kamera pa ang nadaanan ng grupo ni Kai na patuloy na ganoon ang gawa nila hanggang sa makarinig sila ng ungol. 

Sinenyasan ni Kai ang mga kasama para walang mag-ingay at patuloy lang na makinig.

Ilang saglit lang, narinig nilang nagmula ang tunog ng isang latigo na humampas sa katawan ng tao. 

"Ahhhh!!!" saka ito nangigigil na umangil. Narinig nila na si Lorenz ang tao na iyon. 

"He he... Tell us the secrets of the Dark Guards and we need the names of your people" sabi ng isang lalaki. 

"Shogun..." bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga kasama ni Kai. Kahit siya ay napahigpit ang hawak sa bitbit niyang katana. 

Pinakinggan muna nilang mabuti kung ilan ang posibleng makalaban nila sa loob. 

Sa parehas na oras, sakay ng skyjet, lumipad isa-isa ang mga ito patungo sa isla. Malayo pa ang agwat ng sasakyan mula dito, pinaulanan na sila ng bala na nagmumula sa puting tower. 

Agad na lumihis ang skyjet. Napakapit si Prin kay Cally dahil sa biglaang paglihis at halos pag-ikot nito. 

"Shi, I'm sorry." paghingi ng paumanhin ng piloto. Sampu silang sakay ng sasakyan na iyon na halos mawindang dahil umikot ang skyjet sa ere. 

"What the f*ck! Talagang pinaghandaan niya ang pagdating mo ha. May pa-welcome party si Mayor Gon!" komento ni Mat-mat. 

"For sure it was made with a computer sensor. I don't think someone will hit at us nang gan'on kabilis. Mabuti pa, hanapin mo ang main switch ng armas ng tower na 'yon" utos ni Cally.

"I'm on it, alright!" hindi pa sinasabi ni Cally ay kumikilos na talaga si Mat-mat. 

Mabilis ang pagkilos na hinanap nito nang IP address at computer address ng tower. 

Bumalik ang sinasakyan nila Cally patungo muli sa isla. Pinaulanan sila ng bala ng tower. Tatlong maliit na missile din ang nilabas ng skyjet at pinuntirya ang pinakauluhan ng tower kung saan naroon ang armas nito. 

**Boom!**

Bumagsak ang mga bato ng haligi nito at unti-unting nalalaglag. 

"No need na pala my help. Hmp!" reklamo ni Mat-mat. 

"Anyway, Aiden's skyjet is surely amazing! I want one for me!" 

"Ano naman ang gagawin mo sa skyjet?" 

"Mahal ng mga babae ang bigtime na lalaki! Okay? I want Mia Khalifa. The real Mia Khalifa in bed. at sa isang sky jet ko siya 'kakaririn' at literal na dadalhin ko siya sa langit." nangangarap na sabi nito. 

"Does she have herpes or infection?" sabad ni Prin. Normal na mag-isip siya ng masama sa mga p.o.r.n stars tama? 

"Masyado ka madumi mag-isip, Miss Prin." 

Hindi na ito pinakinggan pa ni Cally at Prin. Bigla itong naging seryoso at nagbigay ng impormasyon sa lahat. "They've got the shogun!" 

"Good! It's time for the showtime!" 

Unti-unting bumukas ang pintuan ng skyjet. Doon lang nila napansin na ilang White Guards na ang naghihintay sa kanila. Sa palagay nila, nagbigay signal sa mga ito ang pagsabog ng tower. 

Pinagbababaril sila ng mga ito. Mabilis ang galaw ng kamay at espada na sinalag lang ng isang Dark Guards ang mga bala. 

Kasabay ng pagpapaulan sa mga ito ng bala ng iba pang skyjet na sunud-sunod na tumungo sa isla. 

"They want war! We will give it to them!" galit na sabi ni Ana na nag-iinit nang makipaglaban na nakaupo sa kabilang skyjet.

Naunang nagsipagtalunan ang walo pang kasama ng mag-asawa bago sila magkahawak na tumalon ilang metro lang ang layo mula sa berdeng damuhan. 

Isang mahabang katana ang sinalubong nila sa mga nakaputing suit. 

Sa oras na iyon, literal na parang digmaan ang nangyari sa pagitan ng dalawang grupo.