Chapter 167 - White versus Dark Guards (3)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Dalawa sa mga kasama ni Kai ang nakapunta sa main computer room ng mansion ni Gon habang nilalabas ng iba pang kasama ang shogun. Naging madugo ang pinagdaanan ng dalawang Dark Guards dahil may mga nakasalubong silang kalaban habang hinahanap ang kwarto.

Inutusan sila ni Mat-mat na ilagay ang isang USB sa computer na nakita nito sa screen.

Nakakuyom ang kamao ni Gon na nakatingin sa labas ng kanyang french window.. Matalim ang tingin nito na pinagmamasdan si Cally at Prin na sabay na nilalabanan ang mga tauhan niya na mga walang kwenta. Parang mga manikang nawalan ng buhay ang mga white guards niya na nagsama-sama sa iisang tabi. Mayroon din sa iba pang bahagi na nakadagdag sa pagkainis niya.

Kailangan niyang makabuo ng mas malakas na white guards sa susunod.

Hindi niya akalain na ganito kalakas ang asawa ni Cally na unang beses niyang makita nang araw na iyon. She's a warrior princess indeed katulad ng nababalitaan niya. Nakaramdam siya ng kakaiba habang nakatingin sa katauhan ni Prin. Para bang nasabik siya habang pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw nito.

"Master, let's go! Masyadong malakas talaga ang grupo ni Cally." paalala ni Levan Hung. Limang white guard ang kasalukuyan na kasama ni Gon sa kwarto at pinipilit ng mga ito na umalis na siya.

Sa palagay ni Levan. Hindi pa ngayon ang tamang oras para harapin niya ang mga dating kasama. Kailangan niya pang magsanay. Habang si Levan ay may pangako, mayroon din si Gon.

'Cally, we will see each other in the future' pangako ni Gon sa sarili.

Samantala, matapos matalo ni Kai si Thunder. Bigla siyang nakaramdam ng pagod.

"That's amazing MB5!" narinig ni Kai na puri ni Lorenz na nakasandal sa balikat ng isang Dark Guard na kalalabas lang din mula sa loob ng mansion. Noon lang nila napansin na may mga natuyong dugo na sa balat nito. Naghahalo ang pangangasul at pagkapula sa ilalim ng mata ni Lorenz.

"Bring shogun sa sky jet" utos ni Kai saka tinungo ang pwesto ni Prin at Cally na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga White Guards. Kailangan nilang protektahan si Cally.

Magkatalikuran si Cally at Prin at kapwa hinihingal na sa dami ng white guards na nilabanan nila. Sixty Dark Guards lang ang lumusob sa isla na iyon dahil kampante sila na maliligtas nila ang shogun. Ilan na rin sa mga kasama nila ang nasugatan na pero patuloy pa rin na lumalaban.

"Haaah!!!" galit na hiyaw ni Prin saka niya inikot ang hawak na katana para labanan ang anim na white guards nang sabay-sabay.

She lowers her body saka mabilis na sinugatan ang mga binti ng mga ito. Si Cally naman ay patuloy lang din sa paggalaw ng japanese sword na hawak laban sa iba pa.

Hindi napapansin ni Prin na lumalapit na siyang masyado sa pinakagilid ng isla.

"Tumatakas si Gon." narinig nilang sabi ni Mat-mat sa nakakabit na ear piece.

"Where is he?" tanong ni Cally. Kailangan nilang mahuli ang lalaki bago nito ulitin ang nangyayari.

"Nakalabas na siya ng mansion, mukhang may dinaanan siyang secret passage dahil bigla na lang siyang lumitaw sa kung saan kasama ang lima pang white guards. Patungo na sila sa yate na nasa bungad." sagot ni Mat-mat sa kabilang linya.

Nagkatinginan si Cally at Kai saka sabay na tatakbuhin na ang kabilang bahagi ng isla. Noon lang napansin ni Cally na wala sa likuran niya si Prin at patuloy na nakikipaglaban sa isa pang white guard.

Nakaramdam na ng pagod si Prin. ilang white guards na ba ang natatalo niya? Hindi niya na mabilang. Nagkaroon ng tyansa ang kalaban niya dahilan para masipa siya sa tiyan ng tuluyan.

Parang nagslow-mo sa paningin ni Cally ang nangyari na palabas ng lupain si Prin. Nabitawan niya ang hawak na katana dahil sa sobrang tensyon.

"Prin!!!" sigaw niya saka mabilis na tinakbo ang direksyon nito.

Sabay-sabay na napalingon sa gawi niya ang lahat ng Dark Guard na nasa paligid kahit si Kai.

Nagdilim ang paningin ni Cally na nalapitan ang White guard na tumulak sa asawa niya.

"Haaah!!!" he growl. Sinuntok niya ito sa mukha saka hinawakan ang leeg nito at agad niyang binali iyon.

Nasilip niya na nakakapit pa ang kamay ni Prin sa isang nakausling bato. Mabilis niyang inikot ang paningin. Nakita ni Cally ang tali na ginamit ng ibang Dark Guards para makababa sa isla at agad niyang hinagis iyon sa asawa.