Chapter 168 - Gon has escaped

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nakaramdam ng ngalay ang braso ni Cally at ganoon din si Prin dahil sa dami ng nakalaban nila. 

Nakadagdag pa sa pressure ang biglaang pagbali ni Cally sa leeg ng White Guard na tumulak sa asawa niya. At dahil sa pagmamadali at pagkakabigla sa pwersang ginamit niya dito, bahagyang napilayan ang balikat niya. 

Nang makita ni Cally si Prin na nahulog sa matarik na bangin, parang nilipad ng hangin ang lahat ng talino na mayroon siya at hindi na siya makapag-isip pa ng maayos. 

Nanlamig ang buong pagkatao niya. 

Mabuti at may natagpuan siya na makapal na lubid na ginamit ng ilang Dark Guards mula sa Sky Jet pababa sa isla. 

Hinagis niya iyon kay Prin saka dumapa. 

Nakalitaw ang katawan ni Cally mula ulo hanggang kili-kili sa matarik na bangin. Kita niya ang paghihirap ni Prin habang mahigpit na nakahawak sa nakausling bato. May anim na metro ang layo nito mula sa kinaroroonan niya. Kita niya mula sa pwesto ang handle ng nahulog na katana ng asawa sa batuhan sa ibaba na patuloy na humahampas sa pader. 

Humahampas ang malalaking alon sa pinakapader ng bangin. Hindi sigurado si Cally kung mananatiling buo ang katawan ni Prin kung sakaling natuluyan ang asawa niya na mahulog doon. 

Nagsimula siyang kabahan.

"Honey, I know you can do it. Hold it please…" bakas na sa mukha niya ang pag-aalala. Maisip lang na mahulog ang asawa niya sa batuhan na iyon ay hindi niya kaya. Inikot ng mahigpit ni Cally sa braso at kamay niya ang dulong bahagi ng makapal na lubid.

Agad na nilipat ni Prin ang pagkakahawak niya mula sa nag-iisang bato na naka-usli sa pader sa lubid. Napapapikit na ng mariin si Prin dahil pakiramdam niya ay naubos ng sobra ang lakas niya sa pakikipaglaban. 

Bumigat ang pakiramdam ng braso ni Cally pero gumaan ng kaunti ang pag-aalala niya dahil kaunti na lang hawak-kamay niya na si Prin. Unti-unti niyang hinila ang lubid para umangat ang asawa.  

Paliko na si Kai nang mapansin niya ang katawan ni Cally na nasa dulong bahagi na ng bangin. Napasuntok na lang siya sa hangin. Nagdadalawang-isip siya kung susunod kay Gon Peter na ayon kay Mat-mat ay pasakay na ng bangka. 

Pero mahalaga din ang buhay ng Shi nila. 

"Dark Guards! Please help Shi Cally!!!" hindi niya napigilan na mag-utos kahit pa suspended siya. 

Dalawang Dark Guards lang ang kasalukuyan na nakabantay sa gilid ni Cally na patuloy na lumalaban sa walong White Guards. 

Nang mapansin ng ibang White Guards ang lagay ni Cally na nasa gilid ng bangin, tumakbo palapit ang karamihan sa mga ito sa kinaroroonan niya. 

Ang misyon ng mga ito ay si Cally naman talaga. 

Nagpaulan ng bala ang Sky Jet sa lugar ng white guards na nasa paligid. Saka naglabas ng granada ang Dark Guard na sakay nito sa likuran. 

**Boom** napatalon na lang ang karamihan sa White guards dahil sa pagsabog. 

Tinakbo ni Kai ang pwesto ni Gon na may kasamang dalawa na nakaputing suit. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa gawi niya patakbo. 

Nakasuot ito ng puting formal suit na tumatakbo palayo sa mansion, na sakto sa deskripsyon ng pagkatao ni Gon kaya hinabol ito ni Kai.

Pinaputukan ang tatlong lalaki na patungo sa yate ng mga bala mula sa Sky Jet. Ilang saglit lang, kita ng mga mata ni Kai na sabay-sabay na kumalat ang dugo sa mga puting kasuotan ng tatlong lalaki saka bumagsak. 

Tinakbo niya ang mga ito. Hinarap niya ang katawan ng lalaking nakaputing formal suit at may ginintuang buhok.

"F*ck!!!! This is not Gon Peter!" napamura si Kai. Nalaglag ng kusa ang wig nito.

"Sh*t!" sabay silang napamura ni Mat-mat na nanonood sa screen. 

Biglang naalala ni Kai ang lagusan kung saan sila pumasok. Gusto niyang mapamura nang maisip iyon. 

"Pervert Mat! Please check kung dumaan ang galunggong sa secret passage sa ilalim ng dagat." 

Sinunod naman ni Mat-mat. Ilang saglit lang itong nagtingin sa computer. 

"Sh*t nasalisihan nila tayo!" hindi akalain ni Mat-mat na malulusutan siya ni Gon kahit nakabantay siya sa camera ng mismong mansyon nito. 

Nangigigil si Kai. Sakto pa na naiwan nila ang diver propulsion vehicle sa lagusan. 

"Dark Guards, we need help! Dito sa lugar ni Shi Cally." biglang sigaw ni Ana. 

Napabalik si Kai nang nangagalaiti at wala sa oras sa lugar kung saan niya iniwan ang mag-asawa. 

Nakita na lang niya na nagpupumilit si Cally na labanan ang tatlong Dark Guards na pumipigil dito kabilang si Ana at panay ang hiyaw nito. 

"Ahhhh!!! Huwag niyo kong pigilan! Ahhh!!!" panay ang hiyaw nito at halata nang umiiyak.

Kita ni Kai ang sugat sa braso ni Cally. Napakuyom na lang ng kamao si Kai lalo na nang makita na pinagsusuntok nito ang mga kasamang Dark Guard saka ito tumalon sa bangin.