Chapter 169 - Vows

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Dahan-dahan na inangat ni Cally ang katawan ng asawa niya na mahigpit ang pagkakahawak sa lubid. 

"Hindi ko na kaya Cally" nagsisimula nang magluha ang pisngi ni Prin habang nakahawak ang kamay sa makapal na lubid. 

She looked at her husband's face na kasalukuyang natataranta. She knew na sobra na rin itong nahihirapan. Ayaw niyang sumuko pero kaunting-kaunti na lang at bibigay na ang kamay at katawan niya. 

Humigpit ang tali na nakaikot sa braso at sumasakit na ang kamay ni Cally na nakadagdag sa pressure kaya hindi niya mai-angat ang katawan ni Prin nang mas mabilis. 

"Honey, honey, Please... Please... Hold on." hiling nito habang ginagamit ang buong lakas para maiangat siya papunta doon sa itaas. 

Prin looked at Cally's face. She was a Dark Guard and has promised that she will protect this man as long as she's alive. At sa oras na iyon siya ang nililigtas nito mula sa kapahamakan na halos hindi siya nito maiangat.

She knew he felt something bad either. Kung maayos ang pakiramdam nito, naiangat na siya doon ng mabilis. 

"Hindi ko na kaya, Husbie…" she cried. 

Humampas ang malakas na hangin sa gawi niya at halos umikot siya sa ere. 

"Ahhh!" napapikit si Prin. Dumausdos siya ng kaunti sa lubid. 

Dumaan siya sa mga pagsasanay at isa ang bagay na iyon sa mga pagsubok na napagdaanan niya. Pero hindi katulad nito na halos walang makapitan ang mga paa at halos putik ang pader ng bangin. 

"Ahh!!!" narinig niyang hiyaw ni Cally. 

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Prin dahil nakita ng dalawang mata niya na sinaksak ng patalim si Cally sa balikat kung saan nakaikot ang mga lubid. 

Ilang saglit lang, pinipilit na nito na itulak si Cally kasunod niya. Lalong dumaloy ang luha sa mga mata ni Prin. 

She can't let this guy to kill her husband. She's not just a wife but also a Dark Guard. At isa sa mga sinumpaan niya ay ang gabayan ang kanyang prinsipe. Paano niya gagawin iyon kung sa oras na iyon ay wala siyang magawa? Nakadagdag pa nga siya sa bigat ni Cally. 

She started to reminisce. There is no way she will let Cally died together with her. 

Hinarap ni Cally ang nakaputing suit at sinipa ito. 

Nakita ng isang Dark Guard ang ginawa nito kay Cally at agad na nilapitan iyon at isang matalas na katana ang sumalubong sa uluhan nito. Bumagsak ito sa lupa. Halos naubos na nila ang halos tatlong daan ng White Guards sa paligid. 

Naramdaman na lang ni Cally na gumaan ang lubid na hawak niya. Nang umikot muli siya, wala na ang asawa niya na ilang segundo lang ay mahigpit pang nakakapit doon. 

Natigilan si Cally. Mabilis na dumaloy ang lamig sa katawan niya. 

"Prin!!!!" hiyaw niya. 

"Shi!" hinila siya ng dalawang Dark Guard palayo sa bangin. 

"Bitiwan niyo ko! Nahulog si Prin!" saka pinilit na lumapit pabalik sa bangin. 

May hinala na ang mga Dark Guards na nahulog si Prin. Pero hindi nila hahayaan na magpakamatay si Cally kasunod ng asawa nito. Sayang ang pinaghirapan nila ng ilang taon. 

Mauuwi sa wala ang prinsipyo ng lahat ng Dark Guards at hindi nila alam kung paano haharapin si Madam Lira kapag may nangyaring masama sa apo nito.

Ang goal ng lahat ng Dark Guards ay protektahan ang Shi regardless kung ano pa ang rason. 

"Bitiwan niyo ko!" nagsimula nang lumuha si Cally. Dalawang guards at si Ana ang kasalukuyan at malakas na pumipigil sa kanya. 

"Parang awa niyo na! bitiwan niyo ko!" pakiusap niya. Nagsisimula ng sumikip ang dibdib ni Cally. Alam niya na hindi siya hahayaan ng mga ito na makalapit sa dating lugar. Pero paano na si Prin? Paano na ang asawa niya? 

"haaah!" hiyaw niya dahil sa sobrang galit. 

Napapikit siya ng mariin habang lumuluha. Ilang oras lang ang nakalipas ay sinabi niya dito na hindi niya kakayanin kahit isang hibla ng buhok nito ang mawala. 

Bumalik sa alaala niya ang anyo ng bangin sa baba at hindi niya nasisigurado kung buhay pa si Prin sa lakas ng hampas ng alon doon. 

Naninikip ang dibdib ni Cally na maisip na namatay ang asawa niya dahil napabayaan niya ito ng ilang segundo lang. 

"Haaah!!!" Napahiyaw siya sa sama ng loob. 

Wala na siyang pakialam kung hindi niya manahin ang Dark Lords but he wanted Prin right at that moment. 

"Bitiwan niyo ako… Pakiusap…" sabi niya sa pagitan ng mga paghagulgol. 

Sa lakas ni MB10 at isa pang Dark Guard, hindi na siya makakilos. Idagdag pa na nawalan talaga siya ng lakas. 

Pati ang mga ito ay nagluluha na rin sa nakikitang ayos niya. Sa unang pagkakataon, parang nilipad ng hangin ang pader na nakaharang sa pagkatao ng master nila. 

Nanghingi na ng tulong si Ana na lumuluha sa mga kasamang dark guard sa earpiece. 

"Hahhhh!! Bitiwan niyo ko! Prin…" basang basa na ang mukha ni Cally ng luha dahil sa sama ng loob. 

Kung sana ay hindi na sila sumama sa misyon na iyon. 

Kung sana ay hindi niya hinayaan na makalayo dito kahit isang segundo lang. 

Kung sana… 

"Haaahhhh!!!" wala na siyang nagawa kundi ang saktan si MB10 at isa pang Dark Guard saka mabilis na tumalon sa bangin.