Parang nawala sa sarili si Cally nang humampas ang ulo niya sa tubig mula sa itaas ng bangin matapos niyang tumalon. Matinding kumirot ang ulo niya saka mabilis na hinahampas ng alon patungo sa pader.
Para siyang parte ng tubig-dagat na gumugulong-gulong sa tubig.
Mas mataas na ang tubig kumpara nang oras na lumangoy sila Kai sa ilalim ng islang iyon.
Mas mapayapa din ang tubig-dagat nang oras na pinasok nila Kai ang isla.
Sumisid siya ngunit hindi siya makalangoy ng maayos dahil sa nasugatang braso. Idagdag pa na kumikirot ng sobra ang ulo niya.
Mabilis siyang nag-isip. He wanted to see his wife. Naghahalo ang luha niya sa tubig alat. Umangat siya para kumuha ng hangin saka sumisid muli. His goal is to find Prin.
Nakikipaglaban ang hampas ng alon sa katawan niya na sobra nang nanghihina.
Sa lawak ng karagatan na iyon para siyang maghahanap ng karayom sa dayami. Hanggang sa sabay silang dinala ng katana ni Prin pahampas muli sa pader.
Dahil sa pagkakahampas ng alon sa kanya at panghihina ay nawalan siya ng malay.
Nagising si Cally na naroon na siya sa kwarto niya sa Kent Mansion.
Bumalikwas siya ng bangon at nakita niya ang Mommy niya at si Christen sa magkabilang gilid.
Hawak ni Ginny ang kamay niya at sinusuri naman ni Christen ang dextrose at gamot na nilagay nito doon. Bahagyang kumirot ang braso niya na may benda gawa ng sugat mula sa patalim. Idagdag pa na bigla siyang bumalikwas ng bangon.
"Ma, where is Prin?" kinakabahan niyang tanong.
Napansin niya na nagluha ang mata nito.
"How long… I've been staying here?"
"F-five days"
Hindi na kinaya ni Cally na ilabas ang luha dito. Naninikip ang dibdib niya tuwing maaalala ang nangyari nang araw na iyon.
"Haaah!" napahiyaw na lang siya sa sobrang sakit sa dibdib. Nangangatog ang buong pagkatao niya.
"Honey, I'm sorry we-we can't find her" sabi nito saka siya niyakap ng mahigpit.
Si Christen sa tabi ay nalungkot at nakagat ang labi upang pigilin na sumabay sa pag-iyak. Unang beses niya na makita na nagkaganoon ang kuya niya. Hindi ito nahiya na ipakita na tao rin ito at nasasaktan. Marunong din magmahal.
Ginamit ng Dark Guards ang yate ni Gon para mabilis na makaikot sa likurang bahagi ng isla at doon nga nila natagpuan ang kuya niya na inaanod ng tubig-dagat.
"I want to find her…" hiling ni Cally habang lumuluha.
Si Madam Lira na bagong pasok ay naawa kay Cally na humahagulgol sa bisig ni Ginny.
Biglang pumasok sa isip niya ang parehas na sitwasyon nang halos bawian ng buhay si Ginny noong bente anyos lang din ang anak niya. Sa parehas na paraan umiyak ang apo niyang si Cally.
She knew Cally loves Prin so much. Nilapitan niya ito at umupo sa dulong bahagi ng kama.
Kung may pagkakaiba man, si Ginny ay nasa harapan niya ngayon samantalang si Prin…
Tila isang sumpa ang bagay na iyon sa pamilya nila.
"Ma… I want to see Prin… Please" parang bata ito na humihiling ng laruan at nasasaktan sila na makita si Cally na halos wala nang itirang luha sa mata nito.
"I want to see her..." paulit-ulit nilang nadinig na sabi nito.
"Honey, Rob is searching sa buong karagatan for a couple of days… y-you stay here para magpagaling"
Napapikit ng mariin si Cally. "But I want my wife…"
"Haah… Haah" dalawang beses siyang huminga ng malalim sa pagitan ng pag-iyak. Parang pinupukpok ng bato ang dibdib niya.
Matapos ang ilang sandali biglang nangulit na naman si Cally.
"I want to go! I want to go with Uncle Rob!" tumayo na si Cally at aktong lalabas na ng pintuan.
"No Honey! You will stay here!" Nagalit na pati si Ginny.
Maisip niya lang na nagawa ni Cally na sundan si Prin na tumalon sa matarik na bangin ay hindi niya kinakaya. Sa lagay ng anak niya sa oras na iyon, hindi niya alam kung ano pa ang kaya nitong gawin.
Nagpumilit si Cally na layuan ang Mommy niya hanggang sa maramdaman na lang na tinurukan siya ng pampakalma ni Christen.
=====
Ilang linggo ang lumipas, hindi na niya nakita pa si Prin. He came back sa isla na kasama si Kai at Lorenz na masama ang loob sa sarili.
Mas maayos na siya mag-isip sa ngayon kumpara ng mga nakaraang araw. Kaya napilit niya ang dalawa na ihatid siya doon bitbit ang isang kumpol ng pulang rosas.
Lihim na lumuha si Cally habang nakatingin sa karagatan sa tuktok ng parehas na pwesto ng bangin kung saan nahulog si Prin.
Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na bigyan ng bulaklak ang asawa niya.
Binigyan niya ito noon ng tatlong pirasong bulaklak mula sa base sa villa niya para lang pang-suporta sa pagtatapat niya.
Nainggit pa ito kay Bella na halos araw-araw nakakatanggap ng bulaklak mula kay Kai.
'Honey… I will never forget the first kiss I gave you in Matsui Mansion, you look so cute five years ago…'
'I will never forget your fragrant, smells like cherry blossom…'
'I will never forget your "Kiss my @ss!" even though, I knew you are always waiting for my kisses...'
'I can't imagine that the word L.O.V.E. will hit me at the age of 23 because the girl named Prin deserve to be called my first ever love'
'You will always be my Baby Panda and no one will replace you inside my heart'
'Do you hear… My Baby Panda?'
'Do you hear my heart?'
Malungkot ang dalawang binata sa likuran habang pinagmamasdan ang pag-galaw ng balikat ng master nila dahil sa pag-iyak saka nito hinagis ang isang kumpol ng rosas sa bangin.