Chapter 186 - Wedding crashers (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa loob ng dalawang taon, sumama ang loob niya kay Cally. Hindi maiwasan na mapatanong siya kung hinanap ba talaga siya nito noon. 

Nag-iwan siya ng note pero parang hindi man lang nito nakita. Did he checked it? She put it on the right spot, kung saan madali nitong makikita iyon dahil naroon ang cellphone nito. Sigurado siya na kung sakali na nakita iyon ni Cally, hahanapin siya nito agad. At hindi iyon aabot sa dalawang taon. 

Nagbuga na lang siya ng hangin saka kinalma ang sarili. 

Tumuloy na lang si Prin at Cassandra sa loob ng ballroom kung saan sila inakay ni Ana at pinagmasdan ang kasal ng kaibigan niya na si Kai at Bella. 

Halos mabalutan ng puting bulaklak ang kabuuan ng hall. Maraming bilog na mesa na may gold na runner at bulaklak sa ibabaw. Kumuha agad siya ng alak sa waiter na napadaan para mapakalma siya. 

Natutuwa siya para sa dalawang kaibigan na sa dulo ay nauwi rin sa pag-aasawa ang mga ito. 

Kasalukuyang nagsasayaw si Bella at Kai sa gitna ng dance floor. Their first dance as husband and wife. 

Pinagmasdan ni Prin ang kaibigan na si Bella. Mas nag-blooming ito at sumeksi, hindi na rin mukhang pabebe, kaiba sa bente anyos na Bella noon. Base sa hubog ng katawan nito, sigurado na nag-t-train ito ng pisikal kasama ni Kai. Nakasuot ito ng puting ball gown na nababalutan ng lace. Her smile is her best make-up that day. Sigurado na mas mai-in-love pa ang leader Kai niya dito. 

She missed her so much katulad ng pagkamiss niya sa pamilya niya. Kahit kaunti lang ang napagsamahan nila noon, itinuturing niyang best buddy si Bella. 

Ilang saglit pa, natapos ang sayaw ng mga ito sa isang halik. Tila walang pakialam ang dalawa sa mga bisita at parang sila lang ang nasa paligid. Normal lang naman iyon bilang ang mga ito naman talaga ang center of attraction sa araw na iyon. 

Napangiti si Prin ng mapait. May dumaan ulit na waiter na nagbibigay ng alak. Kinuha niya ang dalawang baso at magkasunod na nilagok iyon na may lamang tequila. 

"Ahhh…" napangiwi pa siya matapos inumin ang magkasunod na baso. 

"Hey! Baka naman malasing ka agad" Nag-aalalang sabi ni Cassandra sa tabi. 

"I'm fine" sabi niya lang dito. 

"Casper and the others are the waiters, mag-ingat ka okay" 

Napatiim-bagang si Prin sa narinig. Nilingon niya si Casper na nakasuot na uniform ng waiter na nasa isang sulok kaya naniwala siya kay Cassandra. 

"Now, may I ask all the ladies and gentlemen to come on the dance floor." tawag ng MC. 

Magsisimula na ang sayaw ng Masquerade Ball Waltz. Inakay siya ni Bella sa gitna. Oras na kasi iyon para maghanap sila ng biktima. Pero wala na doon ang pakay niya. Naroon si Prin para makiisa sa kasal na iyon bilang kaibigan at hindi para maghanap ng biktima. 

Pumorma ng malaking bilog ang palitan ng babae at lalaki na may bilang na tig-disiotso sa maluwag na dance floor. 

Nagsimulang tumunog ang pinagsamang violin at piano. 

Nagsimula ang sayaw sa bow ng mga lalaki sa mga kababaihan, sumunod ang mga babae. Matapos iyon, nilapit nila ang katawan sa kapareha. Ipinatong ang isang kamay sa balikat ng lalaking kapareha at kahawak ang kamay nito ng pa-sideways. Nakahawak naman sa bewang ang mga kalalakihan sa kaparehang babae. 

Matapos ang signal ng violin, nagsimulang umikot ng pa-counterclockwise ang magpapareha. Matapos ang mga bilang ng pag-ikot, ang kaparehang lalaki ay iikot sa susunod na babae. Magb-bow muli sa bagong kapareha at iikot muli ng sayaw. 

Nagpaulit-ulit iyon, hanggang sa magtama ang mata nila ng lalaking pinangulilaan niya ng ilang taon. 

Umikot sila ng umikot. Hindi gumawa ng aksyon si Prin kahit kasayaw pa si Cally. Nanatiling tikom ang bibig niya kahit pa pakiramdam niya ay hinaplos nito ang puso niya habang kasayaw ito. 

Ninais na lang ni Prin na namnamin ang pakikipagsayaw dito. 

Matapos ang mga bilang hindi ito umalis sa pwesto bilang kapareha niya kaya nagsimula siyang kabahan. 

Tinulak ni Cally ang kapareha na dapat ng babaeng kahawig ng labi ng dati niyang asawa. He chose to stay to dance with this girl. Hindi naman siya nahirapan dahil karamihan ng binatang nagsasayaw ay Dark Guards. 

Hindi niya alam, basta ang alam ni Cally lahat ng may hawig kay Prin ay okay sa kanya. 

"May I know your name?" tanong ni Cally. 

Hindi sumagot si Prin. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon sa tanong nito. Kumakabog ang dibdib niya kaya nagpanggap na lang siyang deaf sa harap nito. 

"You don't know how to talk?"

Hindi pa rin sumagot si Prin. Nagpaiikot-ikot lang sila sa pagsayaw hanggang sa matapos ang tugtog. 

Agad na hinila ni Cassandra si Prin para magtungo sa deck area. "Captain Yeo is there… as a guest" 

Nakuyom na lang ni Prin ang palad niya sa narinig.