Chapter 185 - Wedding crashers (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
(AFTER TWO YEARS)

Kasalukuyang nasa Incheon, Korea ang barko ni Captain Yeo. One of the largest seaport sa bansa. May plano na naman ang grupo ng kapitan sa araw na iyon at iyon ay ang pasukin ang 'Queen Marina cruise' na natatanaw niya sa hindi kalayuan. Isang eleganteng barko na dumaong nang nagdaang gabi sa port.

Dalawang taon ang nakalipas nang magkita sila ni Cally. Matapos siyang ibalik sa barko ni Captain Yeo, iniwasan muli siya nito.

"Magpasalamat ka nga at hindi uminit ang ulo sa 'yo ng kapitan. Kung hindi, baka kanina ka pa namatay!" singhal sa kanya noon ni Casper kahit baha ng luha ang mata niya.

Nakiusap siya ng paulit-ulit sa kapitan na pakawalan na siya at pauwiin na siya. Pero nakatingin lang sa kanya ang lalaki na may halong kalungkutan ang mga mata at walang emosyon ang kabuuan ng awra nito. Matapos iyon ay iniwasan na siya nito.

Huminga ng malalim si Prin para iwaksi ang pagbabalik-tanaw niya sa nangyari sa Spain.

Hindi maiwasan ni Cassandra na mapatanong din kung bakit parang iba ang paraan ng kapitan 'pag dating kay Prin. Kahit siya ay nagtataka kung bakit ganoon ang turing nito sa kanya. Sa tigas ng ulo na mayroon siya, isang malaking palaisipan kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay buhay pa siya.

Nakita nila kung gaano karahas ang lalaki sa mga tao nito. Gumamit pa ito ng latigo para lang parusahan ang ibang kasama niya. Ilang bagong miyembro rin ang 'na-recruit' nito sa dagat

Sa loob ng anim na taon na pamamalagi niya sa barkong iyon, ni dulo ng daliri niya ay hindi ginalaw ni Captain Yeo. Pero tuwing makikiusap siya na paalisin na siya doon ay hindi ito pumapayag.

"Prin, ready ka na ba?" putol ni Cassandra na tumabi sa kanya.

"Yes."

Kapwa sila nakasuot ng ball gown, at sa loob ng magarbong kasuotan ay naka-blusang itim at black leather na pantalon ang suot nila para malaya nilang magagawa ang pag-ikot sa cruise na iyon.

Isang dilaw na off-shoulder na gown ang suot niya na halos katulad ng suot ni Belle ng 'Beauty and the Beast'. Pula ang suot ni Cassandra.

Inabot nito sa kanya ang maskara at nanatiling hawak nito ang kopya ng imbitasyon na galing kay Casper. Kailangan na may akitin sila sa mga guest ng cruise na iyon, patutulugin nila ito saka papapasukin ang grupo ni Casper sa kwarto kung nasaan sila. Saka sisimulan ang pagnanakaw.

Bumaba silang dalawa ni Cassandra ng barko saka sumakay sa dilaw na kotse na naghihintay sa tapat, hanggang sa ihatid silang dalawa sa entrance ng cruise.

Inabot ni Cassandra ang imbitasyon sa lalaking nag-aabang ng guest.

"Your mask ma'am" sabi nito sa kanila.

"Oh!" kinuha ni Prin ang maskara saka iyon sinuot, ganoon din si Cassandra.

"The wedding party will start soon. Natapos na ang seremonyas kaninang hapon." dagdag pa nito.

"...You can now go to our main hall for the party." Ngumiti lang silang dalawa dito bilang sagot.

"Wedding?" ulit na tanong niya kay Cassandra nang makalayo sila. Hindi niya alam na isang kasal pala iyon. Ang buong akala ni Prin ay Masquerade party lang.

"Yes a Hernandes… hhmm... Jang something…" nakatingala pa ito sa kisame na parang inaalala ang mga nakasulat sa hawak nitong card.

"...Hindi mo nga pala nakita 'yung invitation." saad ni Cassandra.

Natigil sa paglakad si Prin. "Hernandez... Jang?" nanlalaki ang mata niya.

Tumango ito.

"Sandra, I... I can't do this. They are my friends" sabi ni Prin na nagsimulang mataranta.

"What?!" hindi makapaniwala ang dalaga.

"The newly weds, they are my friends." sabi niya dito at nagsimulang lumuha ang mata niya sa likod ng maskarang suot.

Hindi tama na gumawa siya ng kalokohan doon sa kasal ng mga kaibigan niya. Taliwas na iyon sa gusto niya. Mas gugustuhin pa niya na patayin na lang ni Captain Yeo kaysa sirain ang kasal ng mga ito.

Pabalik na si Prin sa kung saan siya pumasok ng sinalubong siya ng mga taong pamilyar sa kanya.

"Bisita ba kayo nila Bella at Kai? Nagsisimula na ang party kaya tara na" aya sa kanya ni Ana na naka-midnight blue na gown kasama nito si Mat-mat na tulad ng dati ay may kakaibang presensya.

Natahimik si Prin at Cassandra. Hawak ang tig-isang braso nila ni Ana kaya nagpatianod na lang sila hanggang sa makarating sa ballroom ng cruise.

"Enjoy the party." sabi nito saka sila iniwan ni Cassandra sa isang mesa.