Nagising si Cally dahil sa malakas na ring ng cellphone. Kinapa-kapa niya ang bedside table hanggang sa mahulog ang notepad at balllpen sa kabilang bahagi nito at mahawakan ng kamay ang cellphone.
Hindi niya na pinag-aksayahan pa na kunin ang bagay na nahulog dahil pag-aari naman iyon ng hotel. Saka niya sinagot ang tawag ni Lorenz.
"Shi, nandito na 'yung sundo natin, ikaw na lang ang hinihintay namin." pagbibigay-alam nito.
"Sige pababa na ko. Nakaayos naman na ang gamit ko." sabi ni Cally.
Hindi na rin niya pinag-aksayahan pa na buksan ang ilaw.
Dinampot niya ang dog tag ni Prin, ang mahalagang gamit sa isang drawer. Binitbit ang luggage na maayos na naghihintay sa gilid saka binuksan ang pintuan.
Nilingon niya pa ng isang beses ang medyo may kadiliman na kwarto bago tuluyang lumabas at isara ang pintuan.
=====
Pagsara ng pintuan ng kwarto kung saan naroon si Cally, hindi napigilan ni Prin na humagulgol. Naabutan siya ni Cassandra na kalalabas lang din ng kwarto ni Lorenz. Halata ang pagtataka sa mukha nito saka siya hinila na paalis ng lugar dahil baka may makakita pa sa kanila tulad ng security.
Para siyang robot na sumusunod lang sa kaibigan habang basa ang pisngi ng luha.
Hanggang sa dalhin siya nito sa mga pine trees malapit sa dalampasigan. May naririnig silang paparating na helicopter ilang metro ang layo sa kanila.
"Tell me, what happened?" tanong nito sa kanya.
"Sandra, I saw my husband. Siya ang nakatakda nating nakawan" paliwanag niya habang umiiyak.
Natutop ni Cassandra ang bibig at hindi makapaniwala.
"I want to stay with him. Ayoko ng bumalik sa barko. I want to stay with him" hiling niya. Nilabas niya ang lahat ng luha sa kaibigan. Niyakap lang siya ni Cassandra. Hindi na rin siya nakapag-isip ng maayos dahil nakita niya muli si Cally.
Tama ang hula ni Cassandra na kilala ni Prin ang lalaki na bumili ng dog tag sa kanya na hindi niya alam ang pangalan. Halos mamolestiya na siya ng binatang iyon pero hindi man lang niya nakuha ang pangalan nito.
Dahil nasa iisang pasilyo lang ito. Malamang na kasama nga nito ang asawa ni Prin.
"I want to stay Sandra, okay lang kahit na mamatay na ako, at least nakasama ko sa huling sandali ang mahal ko. I want to go!" humahagulgol na sabi.
Naawa naman si Cassandra sa kanya.
"Prin, even if you wanted to go, even if you wanted to die. How about your husband? How about your family? Ganyan din ang gusto kong gawin noon pa, Prin. Gusto kong makauwi. Pero kailangan nating paganahin ang isip kaysa ang puso sa ngayon. Katulad mo naniniwala rin ako na magkikita kayo ng asawa mo." Paliwanag ni Sandra.
Saka siya yumakap dito. Nasa ganoong posisyon siya nang makita si Bella at Kai na magkahawak-kamay na naglalakad at tinutungo ang helicopter. Natigilan siya.
Kasama pala ang dalawa sa bakasyon na iyon.
Ilang saglit pa, nakita niya ang babae sa coffee shop nang nagdaang araw na sumakay din sa parehas na helicopter. Kasunod si Lorenz na may kausap sa telepono. Huminto pa ito saka nagtuloy sa lakad.
Naglakad siya patungo sa mga ito, kahit masilayan niya lang ang mga kaibigan sa mas malapit.
Ilang saglit pa, nangilid na naman ang luha niya nang makita si Cally na naglalakad na patungo na rin sa helicopter.
"Cally…" hindi na kinakaya ni Prin na tumakbo patungo sa mga ito.
"Cally!!!" tumatakbo siya patungo dito hanggang sa maramdaman ang matigas na katawan ang humila sa kanya para magtago sa kumpol ng mga halaman at tinakpan ang bibig niya.
Pinilit niya pang manlaban kahit halos wala nang makita ang mga mata niya dahil sa luha.
"Prin Matsui! Don't you dare try my patience!" narinig niyang pagbabanta ni Captain Yeo.
Doon siya natahimik.
Patuloy lang ang daloy ng luha niya habang hawak nito ang bibig niya. Naninikip ang dibdib ni Prin. She wants to go home for crying out loud!
Hanggang sa narinig na lang niya na palipad na ang helicopter. Nang malayu-layo na ang sasakyan-panghimpapawid, doon lang siya binitiwan ng kapitan.
"Hahhh!" naglabas si Prin ng isang malakas na hangin na kanina pa bumabara sa dibdib niya.
Sinipa niya ang kapitan na sinalag naman nito. "You're a monster!"
Saka niya sinuntok sa mukha ang kapitan. "A beast!"
"I am not yours!!! I want to go home!" sabi niya sa pagitan ng mga pagluha.
Sinipa niya ito. Hindi naman nanlalaban ang kapitan at parang nakaramdam pa nga ng awa sa kanya. Akmang pupukpukin niya ng malaking bato na nadampot niya sa buhangin ang kapitan nang pigilan siya ni Casper.
"Sige ituloy mo iyan, Prin Matsui. Kung ayaw mong mapahamak si Cassandra."
Natigilan siya nang makita na hawak nito si Cassandra at may patalim sa leeg nito na ano mang oras ay sasaktan nito ang kaibigan niya.
Binitiwan na lang niya ang bato at saka humagulgol. Sa mga oras na iyon hawak talaga siya sa leeg ng lalaki at wala siyang magawang paraan.
"Patayin mo na siya kapitan, nangigigil na ako d'yan!"
"Shut up!" singhal nito.
"Bring her back sa barko" utos nito.
Walang nagawa si Casper kundi ang bitawan si Cassandra at bitbitin si Prin pasakay sa bangka.
*****
(A MESSAGE FROM FEIBULOUS)
Hello Readers,
Nanghihingi ako ng paumanhin kung masyado ng overwhelming ang story. Though I am happy na nadadala kayo sa storya. Sa buhay, dadanas talaga tayo ng sakit. Hindi perpekto ang mga karakter sa storya at may mga pagsubok sila na dadaanin. katulad lang ng normal na tao, minsan nasa itaas madalas nasa ibaba.
Pasensya na kung mabigat at malalim ang storya nila. Bukod sa AT THE END OF THE RAINBOW na short stories, mabibigat at malalim talaga mga storya na nagawa ko. (I think, alam niyo na 'to. Twisted ang utak ni Author Feibulous kaya maraming twist)
I don't want to create a cliché stories na alam niyo na agad 'yung magaganap sa susunod na chapter. Alam ko rin na ayaw niyo rin ng ganon.
Alam ko na gusto niyo na akong pakuluan sa banga. Kaunting kapit na lang dahil lalabas na ang baby ni Baby Panda.
Thanks much dahil patuloy pa rin kayo sumusuporta kahit masakit na yung ganap sa kanila. Promise, promise na gagantihan natin si Captain Yeo ng masarap.