Maingat at dahan-dahan na binuksan ni Prin ang pintuan ng kwarto na naka-assign sa kanya 346W. Halos walang marinig kahit katiting na kaluskos sa pagkilos niya.
May kakaunting liwanag sa kwartong iyon na nagmumula sa dim na kulay puting LED lights sa ilalim na bahagi at gilid ng kama.
Pinakiramdaman niya ang paligid. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila pamilyar sa kanya ang presensya ng kung sino man na nasa loob ng kwarto.
Una niyang tinungo ang isang drawer at nabigla siya sa nakita. Pin ng MGM ang bumungad sa mga mata niya. Kinuha niya iyon. Pamilyar sa kanya ang MGM pin dahil madalas siyang magsuot ng ganoon sa kwelyo ni Cally.
Marami naman ang may pin sa opisina ng MGM lalo na kung parte ka ng executive team, pero nagsimulang kabahan si Prin.
Isang bagay ang kumikinang sa bandang tokador kaya maingat niyang sinara muli ang drawer at nilapitan niya ang bagay na kumikinang. Maayos na nakapatong ang isang gold dog tag necklace sa ibabaw nito. Nanlalaki ang mata niya at hindi makapaniwala na makakita muli ng dog tag ng isang Dark Guard.
Ngunit nagsimulang lumuha ang mata niya lalo na nang mabasa ang nakaukit doon.
'PM-GW8', her dog tag.
Naaalala ni Prin na suot niya ang dog tag na iyon nang makipaglaban siya sa isla ni Gon Peter. Paanong napunta iyon doon? Dumoble ang kaba niya na nilingon ang bulto na natutulog sa kama.
'Cally is that you?'
Parang waterfall na dumaloy ang luha sa pisngi niya dahil unti-unting bumabalik ang sakit sa kanya.
Mga ilang minuto siyang nanatili sa kinatatayuan dahil halos ayaw niyang lapitan ang bulto na nasa ibabaw ng kama. Natatakot siya na harapin ito kung sakali man na si Cally talaga ang tao doon.
Ilang saglit pa, hindi siya nakuntento na nakatayo lang sa malayo kaya nilapitan niya ang kama.
Dumoble ang agos ng luha sa mata niya nang masilayan ang natutulog ng nakatagilid na si Cally. Bakas ang kalungkutan sa mukha nito. Bakante ang kalahating bahagi ng kama na para bang hinihintay siya nito na sakupin iyon.
Parang nakikinita niya ang larawan nito na iyon, na ganoon ang ayos ni Cally gabi-gabi.
Parang pinipiga ang dibdib ni Prin na makita si Cally na nangungulila sa kanya sa loob ng ilang taon pero wala siyang magawa. Hindi siya makabalik sa bisig nito. Humihikbi ng tahimik si Prin at bakas sa kanya ang paghihirap.
Humiga siya sa kama para mas mapagmasdan ang mukha nito sa malapitan kahit sa saglit lang na oras.
Ilang saglit lang, dahan-dahan na dumilat ang mata ni Cally at sinalubong nito ang mata niya na nakatitig dito. There is a sadness in his eyes na parang tumatarak sa dibdib ni Prin.
"My baby panda…" sabi nito at hinawakan ang basa niyang pisngi.
Hindi napigilan ni Prin ang pag-iyak dito.
"I miss you so much Cally…" kumawala ang lahat ng sama ng loob niya sa dibdib at hindi niya napigilan na ilabas ang lahat ng luha niya. Bakit naman sa dami ng isusumpa, silang dalawa pa?
Ang saya-saya ng pagsasama nila noon, na sa isang pitik lang kapwa na sila nasasaktan.
'His baby panda.' ramdam niya ang pangungulila nito sa kanya base sa paraan ng haplos nito. Tila tumatagos sa dibdib niya ang sakit ng nararamdaman nito. Parang pinipiga ang puso ni Prin na sa loob ng mahabang panahon ay inaalala pa rin siya ni Cally.
Kinupkop ni Cally ang magkabila niyang pisngi saka nito sinakop ang labi niya. Naaamoy ni Prin ang matapang na alak sa bibig nito.
Hindi niya alam kung gaano katagal na ninamnam niyang muli ang halik nito makalipas ng ilang taon.
She couldn't control herself to opened her mouth because of yearning. Her tongue felt his movement until she felt numb. It's not rough but rather sweet.
Parang pinuno ng halik na iyon ang apat na taon na pangungulila nila sa isa't-isa. He missed her so much and she felt the same way.
Habol ang hininga na niyakap siya ng mahigpit ni Cally. Saka ito muling pumikit.
Tinitigan ni Prin ang nakapikit na mukha ni Cally. Nasasaktan siya sa ganitong awra ng asawa niya. Gusto niyang manatili sa bisig nito pero mas masasaktan ito kung babawiin din agad ang buhay niya. Nasa paligid lang ang mga kasama niya at mas kailangan niyang tanggalin ang bomb capsule sa ulo niya bago siya magdesisyon para sa sarili.
Sa kakaunting saglit na iyon ay gusto na niyang magpasalamat. Nagpapasalamat siya na pinagtagpo sila kahit saglit. Nagluluha ang mata ni Prin na dahan-dahang umalis sa bisig nito. Saglit na tinitigan muli ang mukha ni Cally.
'Saglit na lang Cally, I will do my best para makaalis sa sitwasyon na nakasadlakan ko'
Kinuha niya ang pen at notepad at nagsulat doon.
[Please look for 'Maria Celeste 1' - Your Baby Panda]
Saka niya nilagay ang notepad ng hotel katabi ng cellphone nito. Mas maganda na maabisuhan niya si Cally at ito ang maghanap sa kanya, katulong ang Dark Lords kaysa magdesisyon siya basta.
Dahan-dahan na lumabas si Prin ng kwarto.