Chapter 182 - A willing victim

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Alas nueve ng gabi…

Tatlo na may tig-dalawang miyembro ang naka-assign na pasukin ang kwarto ng tatlong business tycoon na kasalukuyang naka-bakasyon sa Grand Vellas Rivera Maya hotel sa grupo ni Captain Yeo.

Nakuha nila ang mga suite number mula kay Casper.

Si Prin at Cassandra ang magkasama na papasok sa isang suite na nasa west wing. Nasa ikatlong palapag matatagpuan ang suite na papasukin nilang dalawa. Ang dalawang grupo pa ay sa east wing tumungo. 

Kapwa sila nakasuot ng summer dress para kunwari ay bisita sila doon sa hotel. Gamit ang general card key na bigay ni Casper, malaya nilang mapapasok ang kwarto na puntirya nila. Hanggang sa makaakyat silang dalawa ni Cassandra sa third floor west wing.

"Naguguluhan ako. Ang sabi ni Casper, 346W. Bakit dalawa ang pintuan na may 346W?" Tanong ni Cassandra.

"Hindi ko din alam. Mabuti pa, maghiwalay tayo. D'yan ka sa kabila, dito ako. Magkita na lang tayo sa pine trees sa beach area mamaya." Mahinahon na sagot ni Prin.

Sumenyas ng okay-sign si Cassandra saka sila sabay na pumasok sa magkaibang pintuan. 

=====

Itinapat ni Cassandra ang card key sa maliit na card reader box sa pinto, mahinang tumunog ang electronic lock nito. Binuksan niya ang pintuan at dahan-dahan na sinara muli iyon. 

Madilim ang kapaligiran kaya kinailangan niyang gumamit ng maliit na flashlight. Parang ballpen ang hitsura nito na may pindutan ngunit LED light na puti ang dulong bahagi. 

Dahan-dahan na tinungo niya ang mga drawer para isa-isahin at makita kung may mahalagang bagay doon na pwede niyang kunin. 

Isang drawer pa lang ang nabubuksan niya nang may magsalita sa likuran niya. 

"Sino ka at ano ang kailangan mo?" bumalot ang kilabot sa pagkatao niya dahil sa laki ng boses ng lalaki. 

'Sh*t! Nahuli ako!' 

Mabilis na tinakbo ni Cassandra ang pintuan palabas ngunit nahawakan na nito ang braso niya. Tinulak siya pader na katabi ng pintuan, inangat nito ang mga kamay niya para lalong hindi siya makakilos saka hinarap. 

Pinagsisipa ng dalaga ang lalaki ngunit nakakaiwas ito. Ilang saglit lang nakilala siya nito. 

"Sandra?" kinuha ng isang kamay nito ang flashlight na hawak niya saka nito itinutok sa kanya ang ilaw nito. Hindi pa rin makakilos ang mga kamay niya na nakataas kahit iisang kamay lang nito ang pumipigil sa kanya. 

Nasilaw ang mata ni Sandra dahil sa diretsong liwanag mula sa ballpen na iyon kaya ginilid niya ang pisngi at pinikit ang mga mata. 

"Hmmm… 'di ko akalain na maglalakas ka ng loob ng pasukin ang kwarto ko." 

"N-nagkamali ako ng pinasok na kwarto." katwiran ni Cassandra. 

Patuloy lang sa pagsipa si Cassandra dahil hawak pa ng lalaki ang magkabila niyang kamay. Para pigilin siya, dinikit nito ang buong katawan sa kanya. 

Dumoble ang kaba ni Cassandra dahil sa ginawa nito. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng binata. Hindi na makakilos kahit ang mga binti niya dahil iniipit nito iyon. 

May kung ano ang babaeng si Cassandra sa pagkatao ni Lorenz kaya hindi niya napigilan na hapitin ito sa bewang. Tinitigan niya ito sa mata. May bahagyang ilaw na nagmumula sa labas ng bintana kaya malaya niyang nakikita ang mukha ng dalaga sa malapitan. 

Halata naman na natataranta na si Cassandra. Kaya nagsimula na naman siya na makawala sa kamay ni Lorenz. 

"May utang ka pa sakin." sagot ni Lorenz. 

"W-wala akong utang sa iyo!" ginamit lahat ng dalaga ang lakas niya para tuhurin ito sa maselang parte ng katawan. 

Tila itlog ng ibon na nagcrack ang pakiramdam ni Lorenz. Sa tagal niya ng pagiging Shogun, ngayon lang niya naranasan na may naglakas ng loob na sipain siya sa ganoong paraan dahil hindi niya rin napaghandaan ang tira nito. 

Nasapo ni Lorenz ang hinaharap. Kinabahan naman ang dalaga, nakawala siya sa mga bisig nito kaya nagmamadali siya na binuksan ang pintuan. Ngunit bago pa siya makalabas, hinila na siya muli ng binata sa bewang at tinulak sa kama. 

Mabilis na pumaibabaw ang malaking katawan nito sa kanya. "S-saklolo--" sigaw ng dalaga. 

Naputol ang pagsigaw niya dahil sinakop nito ang labi niya. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra. Marahas ang paraan ng paghalik nito kaya nagkakakawag siya sa una. Hanggang sa pareho silang dinadala sa langit. 

She smells like a ocean breeze na nakakalango sa pagkatao ni Lorenz. Tipikal na mukhang probinsiyana na nakadagdag sa kung ano ang meron ito para umakto siya ng ganoon. 

Sa sobrang pagkalasing sa halik ng binata hindi namamalayan ng dalaga na nakayakap na siya ng mahigpit sa leeg ni Lorenz. Napasinghap na lang siya ng maramdaman na nasa loob na ng blusa niya ang isang palad nito at pinisil ang dibdib niya. 

Agad niyang tinulak ang binata. Parang nahimasmasan din naman ito na tumayo sa kama. 

Agad na umupo si Cassandra sa dulong bahagi ng kama saka nagpaalam. 

"I-I'm going!" 

"Wait! Wala ka pang nabibitbit na mahalagang bagay sa kwarto ko." 

Cassandra "..." 

Mabilis na kinuha ni Lorenz ang wallet niya at inabutan ang dalaga ng one thousand dollars. Sa lahat naman ng nanakawan, parang siya pa yung kusang-loob na nagbigay ng pera. Mabilis na kinuha ni Cassandra ang pera nito para may mabibitbit siya sa pagbalik sa barko ni Captain Yeo at mabilis na lumabas ng kwarto.