"Shi!" Bati ni Lorenz sa kapapasok lang na si Cally. Nanghinayang ang binata na hindi niya masusundan ang babaeng may pangalan na Sandra dahil dumating ang Master niya. Nasabi niya dito na nakita niya ang dog tag ni Prin doon sa trade shop na iyon at kukunin niya sa hapon, pero hindi niya akalain na susundan talaga siya nito dahil tungkol kay Prin ang usapan.
Inabot niya ang dog tag ni Prin dito. Bumalot agad ang kalungkutan sa mukha ni Cally. Humugot si Lorenz ng malalim na hininga at tinapik sa balikat ang kaibigan.
"I am going to say this as your friend, and not as your Shogun. I can't say 'okay lang iyan', but you have to move on, Cally." Sabi nito.
Tumango lang si Cally saka sinuot ang kwintas.
"Bukas ng gabi tayo susunduin sa Grand Vellas Rivera Maya hotel pabalik ng Maynila." Pagbibigay-alam ni Cally.
Tumango lang ang Shogun, binayaran niya ang babaeng nasa kahera saka sila lumabas.
=====
Dahil huling gabi na ng grupo ni Cally sa isla, nagkayayaan ang grupo nila na mag-inuman para iselebra ang proposal ni Kai kay Bella.
"Bella, are you sure na pumayag na magpakasal dito kay MB5?" Usisa ni Lorenz. Sa tagal ng panahon na magkakasama sila, madalas nilang asarin si Kai sa relasyon nito kay Bella.
"Hey Shogun! Hindi ko pa nakakalimutan 'yung prank na ginawa niyo sakin ha! dinamay niyo pa si Hunter! Tapos ayan ka na naman!" Banta ni Kai.
Hinawakan naman ng dalaga sa braso ang nobyo niya. "Babe, kalma ka lang. Hindi naman ikaw 'yung tinatanong. Anyway, I am very much sure." Sweet na sagot ni Bella.
Parang nabilaukan naman si Lorenz sa sagot nito habang umiinom ng whiskey. Hindi niya akalain na pakakainin siya ng isang lata ng asukal sa sagot nito.
Nilagok ni Cally ang alak na laman ng baso niya. Hindi niya na namamalayan na napaparami na siya ng inom. Masyado niya ng namimiss si Prin. He is missing her sweet scent of cherry blossoms. Her hugs and kisses. Simula nang mawala ang kanyang baby panda, tila nawala na rin ang habit niya tuwing malalasing. Mas gusto niya na lang matulog at hindi ang tumakbo para maghanap ng tao na matagal ng nawala sa piling niya.
Katulad ng oras na iyon, kaya nagawa niyang uminom ay para makatulog saglit sa kwarto bago sila sunduin ng helicopter papunta sa airport ng Lanzarote. Nakadagdag sa lungkot niya ang dog tag na nagbalik sa kanya. Kaya hindi talaga siya nakatulog ng nagdaang gabi.
"Shi, huwag ka masyadong uminom. susunduin pa nila tayo mamayang alas dyes."
"Nandiyan ka naman e." Sagot ni Cally.
Lorenz "..." 'okay fine! As a shogun, it's my responsibility to help you.'
"Guys, mauuna na akong bumalik sa suite. Aayusin ko pa ang mga gamit ko." Paalam ni Bea.
"Sasabay na 'ko" habol ni Cally.
"Ako din! Alangan namang iwan niyo ako sa dalawang ito na pati langgam matatakot na lapitan sila. Tss!" Reklamo ni Lorenz habang turo ang magkasintahan na kasalukuyang magkayakap. Naiiling na sumunod ito kay Cally.
Binuksan ni Lorenz ang pintuan niya na suite 349W, pero nagtaas ang kilay niya nang makita na nakaikot ang numero sa pintuan dahilan para mapalitan iyon ng 346W.
'Mukhang may nagpa-prank sakin. Hmp! Childish!' Saka ito pumasok.
Samantala, pagpasok ni Cally sa suite niya, bumalot agad ang kalungkutan sa pagkatao niya. Hinubad niya ang dog tag ni Prin na nakasabit sa leeg niya at hinimas ang mga pangalan na nakaukit doon.
He wanted to cry. It's as if there is no cure in the pain in his heart. The memories of her on that cliff keeps on haunting him.
Maayos niyang nilapag sa tokador na nasa tapat ng kama ang dog tag saka humiga sa malambot na kama para saglit na magpahinga.
Hindi alam ni Cally kung ilang minuto na siyang nakakatulog nang maramdaman na lumundo ang kama sa tabi. Nanuot agad ang pamilyar na amoy nito sa ilong niya. The sweet smell of cherry blossoms. Dahan-dahan siyang nagdilat ng mata at tumambad sa paningin niya ang mukha ng babaeng matagal niya ng hinahanap.
Sinalubong niya ang titig nito. Ang pangarap niyang dalawin ni Prin kahit sa panaginip ay tila natupad.
"My baby panda…" usal niya saka hinaplos ang mukha nito. Doon niya lang napansin na lumuha ang pisngi nito.
"I miss you so much, Cally." Bulong na sagot nito saka patuloy na lumuha.
Kinupkop niya ang buong pisngi ni Prin at hindi niya napigilan na halikan ang dating asawa. He missed her so much. Parang water drum na pinuno ng tubig ang dibdib niya dahil sa halik nito. Pinuno ng pagmamahal ang puso niya na matagal ng nangulila dito. Hindi niya alam kung gaano katagal na natapos ang mga halik. Kapwa naubusan sila ng hangin.
Matapos ang sandali, nagtiyaga siya na niyakap ito saka pumikit.
Isang ring ng cellphone na nakapatong sa bedside table ang gumising kay Cally. Inikot niya ang mata sa paligid at nakumpirma na mag-isa lang siya doon sa kwarto.
Dinalaw siya ni Prin sa panaginip. Ngumiti siya ng mapait. Kinuha niya ang cellphone at sinagot iyon.
"Shi, nandito na ang sundo natin" sabi ni Lorenz sa kabilang linya.