Chapter 180 - Sweet punishment

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tahimik si Cassandra nang makabalik sa pwesto kung saan sila magkikita ni Prin. Nakabili na siya ng mga nakatoka sa kanya sa listahan. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba sa kaibigan na may nakita siya na posibleng kakilala nito noon.

Pero, mas ninais niya na ilihim na lang lalo at sinundo sila ni Casper. Tapat ang binata kay Captain Yeo at ayaw niyang ikapahamak pa nila ang sasabihin kay Prin.

"Naka-order na ako ng mga prutas at gulay, ihahatid daw nila sa barko mamayang hapon." saad ni Prin.

Tumango lang si Cassandra saka tipid na ngumiti.

Sumakay sila sa bangka na pang-dalawahan saka nag-sagwan papunta sa barko na nasa malalim na bahagi ng dagat. Malalim ang nasa isip ni Cassandra habang nakatingin sa seryosong si Prin na nagsasagwan. Hindi niya alam ang tamang gagawin, ayaw din naman niya na mapahamak ang kaibigan kung sakali na gumawa ito ng ikapapahamak nito.

Ilang saglit pa, nasa loob na sila ng Barko. Dumeretso si Cassandra sa cabin ng kapitan para mag-report.

"Captain Yeo, nabenta ko ang engagement ring sa halagang 800 US dollars, pero ang dog tag ay kailangan ko pang ibalik sa kanila mamayang hapon para ma-compute kung magkano nila bibilhin."

"Sige. Bumalik ka. Mabigat ang gold plated dog tag na iyon. Kung bibilhin nila sa halagang one thousand dollars, ibenta mo kaagad."

"Mamayang hapon din ang dating ng mga na-order nating supplies."

Tumango lang ito at halatang nagdadalawang-isip sa sasabihin.

"May kailangan pa po kayo?"

Kumuha ito ng alak na nasa ibabaw ng mesa at nagsalin sa baso. "Kamusta si Prin Matsui?" Saka nito nilagok ang alak.

"Ayos naman siya kapitan, sa tingin ko ay nasanay na siya sa loob ng apat na taon dito kaya mas kalmado na siya ngayon." Sagot ni Cassandra.

"'Nga pala, bukas ng gabi papasukin natin ang Grand Vellas Rivera Maya Hotel, doon nagtungo si Casper kanina para magmanman. Tatlong business tycoon ang kasalukuyan na naka-check in doon. At sila ang target niyo bukas." Sabi nito.

Napalingon siya sa pintuan nang may kumatok. Isang seksing babae ang niluwa ng pintuan kaya nagpaalam na siya sa kapitan.

Kada papalaot sila ay may babae rin itong nakakalampungan at sanay na sila doon. Malaki magbigay ng bayad ang kapitan kaya ang mga babae na mismo ang lumalapit dito.

=====

Eksaktong alas kwatro ng hapon, nasa harapan ng pintuan si Cassandra kung saan ibebenta niya ang gold plated na dog tag.

Kabubukas pa lamang niya ng pintuan ay nais na niyang umatras dahil naroon ang lalaking na-meet niya nang umaga rin na iyon.

Hinila siya nito sa bewang saka muling sinara ang pintuan. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito. Sobrang lapit ng katawan nito sa kanya.

Tinaas naman ni Lorenz ang gilid ng labi nito ng nakakaloko. Hinila ang pouch na hawak ni Cassandra saka nito tinanggal ang braso na nakapalupot sa bewang ng dalaga dahilan para bumagsak ito sa sahig.

"Ouch!" Diretsong salampak kasi sa sahig ang buong katawan ng dalaga dahil na off-balance siya. Pakiramdam niya ay sumakit ang balakang niya.

Binuksan ni Lorenz ang pouch na bitbit nito at kinuha mula roon ang gold plated dog tag ni Prin at basta na lang binitawan sa harap ni Cassandra ang pouch. Bumagsak iyon sa dalawang kamay ng dalaga.

"I am going to buy this for 2 thousand dollars." Sabi ng binata.

Tumayo si Cassandra saka pinagpag ang saya na suot. Nakaramdam siya ng inis sa lalaki. Ang utos sa kanya ng kapitan ay maaari niyang ibenta iyon sa halagang one thousand dollars, kung bibilhin ni Lorenz ng mas mataas, e di mas maganda.

Tinapat niya ang kamay sa harapan ng binata. "Payment?" Nakataas ang kilay na sabi niya dito.

Tumitig sa kanya ang binata dahilan para kabahan siya. "Sige. But tell me your name."

Natigilan si Cassandra. Ayaw niyang sabihin ang pangalan niya sa lalaki pero tila inaarok siya ng mga mata nito. "Sandra".

Tahimik lang ito na pinagmamasdan ang mukha niya. Inabot sa kanya ang bayad. Binilang ni Cassandra iyon.

Nang makumpirma na sakto ang bayad nito, ipinasok niya ang pera sa loob ng blusa at sinuksok sa bra na suot. Nakalimutan niya na nasa harapan pa rin pala niya si Lorenz. Kaya parang may kung ano na dinudukot siya sa b.o.o.b.s sa paningin nito.

"A-anong tinitingin-tingin mo? Inggit ka ba? Dahil wala kang bra?!"

Sumimangot lalo ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Saka lumapit muli sa kanya.

"Hmmm mukhang sinusubukan mo talaga ako. Hindi pa nga kita natuturuan ng leksyon, may tirada ka agad."

Napaatras muli ang dalaga hanggang sa makorner siya nito sa parehas na pwesto nang umaga na iyon. Napalunok si Cassandra.

Iniisa-isa ni Lorenz ang bawat parte ng mukha ng babaeng nasa harapan. "Choose kung ano ang ibibigay ko sa 'yong parusa"

Tumunog ang chime kaya napalingon dito ang binata. Agad na nakakuha ng tyansa ang dalaga.

"Heto na lang!" Hinalikan niya sa pisngi ang binata saka lumusot at mabilis na tumakbo palabas. Nakasalubong niya ang bagong pasok na may kakaibang awra at may dark brown na buhok. Nagsalubong ang mata nila nito pero tuluy-tuloy lang siya na lumabas para makatakas.