Nagtanong-tanong si Cassandra sa mga lokal kung nasaan ang trading shop sa isla na iyon.
Bukod kasi sa may bibilhin siya doon sa isla, trabaho niya rin na ibenta ang mga mahahalagang gamit na ninakaw nila sa paglalakbay.
Isang diamond ring ang ibebenta niya at ang matagal ng itinatago ng kapitan na gold plated dog tag ni Prin kaya humiwalay siya dito.
Nakita niya ang shop na nasa corner na bahagi ng kalsada na tulad ng itinuro sa kanya. Binuksan niya ang pintuan na may puting salamin at agad na umingay ang chime nito.
Inikot niya ang paningin. Masyado ng sumikip ang kwarto dahil sa dami ng mga nakastock na kung anu-ano. May armour ng samurai sa gilid, pigurin na kung anu-ano, may porcelain tea set, painting, grandfather clock. Para itong antique shop sa unang tingin.
Nakita niya ang matabang babae na may rollers sa buhok at may hinihithit na manipis na sigarilyo doon sa kahera kaya nilapitan niya ito.
"Hello, magbebenta po ako." sinabi niya agad ang pakay.
"Hmm, patingin."
Nilabas niya ang diamond engagement ring at ang gold plated tag necklace ni Prin.
'PM-GW8' ang nakaukit dito.
Unang sinuri ng matabang babae ang diamond ring. Gamit ang magnifying equipment para makita kung tunay ang dyamante o peke, may ilang minuto rin nito na sinuri iyon.
"800 US Dollars ito" sabi ng babae. Sunod nitong sinuri ang gold plated necklace ni Prin
Tumunog ang chime. Kaya napalingon si Cassandra sa bagong pasok. Isang lalaki na may matikas na pangangatawan ang bagong pasok. Nakasuot lang ito ng itim na Tshirt, shorts at tsinelas. Katulad niya ay alun-alon ang itim na buhok nito. Matalim kung tumingin at para bang hindi man lang marunong ngumiti ang lalaki.
Nagkatitigan silang dalawa nito, namula ang pisngi ni Cassandra kaya binawi niya rin agad ang tingin at nilipat sa matabang babae.
"This one is a 24 karat gold at personal na dog tag. Hindi ko alam kung magkano ito sa ngayon. Balik ka na lang ulit mamayang alas kwatro ng hapon para dito. Kailangan ko pa kasi na i-check sa market kung magkano ang maari naming kitain dito." inabot nito ang gold plated na dog tag kay Cassandra saka ang 800 US dollars kapalit ng engagement ring.
"Sige po." saka niya ito nginitian.
Nabigla na lang siya ng hinablot ng lalaking bagong pasok ang dog tag na nasa kamay niya.
"Hey!" singhal niya sa binata na nanlalaki ang mata.
"Where did you get this?!" galit na sabi.
Napalunok si Cassandra. "Hey! That's mine!"
"This one is definitely not yours." nilabas nito ang nakatagong dog tag na nakapaloob sa suot nitong Tshirt.
Nanlaki ang mata ni Cassandra nang ipakita nito ang suot nitong dog tag na katulad ng kay Prin. Ang pagkakaiba lang ay 'LOR-MB2' ang nakaukit sa dog tag nito.
Pinilit ni Cassandra na kalmahin ang sarili.
"Mister, If you want this necklace, ikaw ang bumili." sabi niya.
Bahagyang nagtaas ng kilay ang binata. Nilapit nito ang sarili sa kanya dahilan para mapaatras siya. May kung ano ang lalaking nasa harap para makaramdam siya ng kakaiba. Hanggang sa ma-korner siya nito sa dulo.
"I'll pay you 20 thousand US dollar for this dog tag necklace. But you have to tell me kung saan mo ito nakuha."
"N-napulot ko sa dalampasigan!" sagot niya.
Hindi alam ni Cassandra kung ano ang relasyon ng lalaking ito kay Prin pero hindi niya maaaring sabihin sa lalaki ang tungkol sa kaibigan.
Hinablot ni Cassandra ang tag. "I'm going!" sabi niya. Saka ito iniwasan.
"Wait!" pigil nito.
Nagmadali na si Cassandra na makalabas ng Trading Shop na iyon. Mabilis siyang nagtago sa katabing bakery para hindi makita ng lalaki.
Inis na inis naman si Lorenz pagkalabas ng shop dahil tila magic na nawala ang babae. Napasuntok na lang siya sa hangin.
Pinapangako niya na tuturuan niya ng leksyon ang babae na iyon sa susunod na magkikita sila.
Kahit ang tag man lang sana ni Prin ay nakuha niya. Narinig niya ang sinabi ng matabang babae na pinababalik ito ng alas kwatro ng hapon.
Sisiguraduhin niya na kikitain niya muli ang babae.