Tumuloy si Prin at Cassandra sa market area ng isla. Isang kalsada iyon na iba-iba ang tinda kada pwesto.
"Dito ako sa kabilang gawi, magkita na lang tayo muli dito after 30 mins." Sabi ni Prin sa dalaga.
"Sige, sa prutas at gulay ka. Ako na bibili ng tinapay, gamot, asukal saka sa iba pa na nasa listahan." Sabi nito.
Tumango lang si Prin.
Sa loob ng ilang taon, hindi niya akalain na matututo siya na mamalengke sa poder ni Captain Yeo. Marunong na rin siyang pumili ng fresh na prutas at gulay saka marunong na rin siya magluto.
Kung mayroon siyang ipinagpapasalamat, iyon na nga ang mga natutunan niya sa barko dahil kailangan niya iyon na pag-aralan.
Matapos makapamili ng prutas, gulay napadaan siya sa isang coffee shop. Namimiss niya na ang dating buhay pero wala siyang magawa. Ngumiti ng mapait si Prin.
Napansin niya ang babae na nasa tapat ng mesang nasa labas ng shop. Nakaputing blusa ito na hanggang siko at slacks. Hindi siya makapaniwala na may naka casual suit sa isla na iyon.
Patuloy lang ito sa pagtipa sa laptop na gamit. Sa tingin niya ay hindi nalalayo ang agwat ng edad nila, may palagay siyang nasa bente tres o hanggang bente kwatro anyos ang edad nito na tulad niya. Nilapag ng waiter ang kape na order nito sa mesa. Dahil busy ito sa hawak na laptop, dinampot ng waiter ang wallet nito na nasa mesa saka ibinulsa.
Nanlaki ang mata ni Prin. "Hey!!!"
Sabay na napalingon ang waiter at ang babae sa kanya.
"Kinuha mo ang wallet niya! Ilabas mo!" Singhal niya sa waiter.
Biglang nilipat ng babae ang atensyon mula sa ginagawa nito sa laptop patungo sa mesa kung saan nakapatong ang wallet nito. Wala na nga roon ang wallet nito at tanging tasa ng kape na lang ang nandoon.
Sumama naman ang tingin ng waiter sa kanya saka ibinalik ang wallet ng babae.
Tinaasan lang ito ng kilay ni Prin.
"Oh my! Thank you so much! Kun'di, hindi ko na alam paano ako makakabalik sa hotel dahil nandito ang cellphone, pera at card-key ko sa hotel." sabi nito.
Nginitian ito ng simple ni Prin.
"Ahm.. Gusto mo ng meryenda, ililibre kita sige na kapalit man lang ng tulong na ginawa mo sa akin."
Nag-aatubili si Prin, pero hinila siya ng mga mata nito na maganda ngunit halata ang lungkot sa pinaka-loob. Umupo siya sa tapat nitong silya.
In-orderan siya nito sa parehas na waiter kung sino ang kumuha ng wallet nito. Umorder lang si Prin ng Cinnamon roll saka kape.
"wala kang plano na isumbong siya?" tanong ni Prin.
"No need" simpleng sagot nito.
Pinagmasdan siya nito "...Pwedeng malaman kung tagasaan ka? Taga Pilipinas ako" simula nito.
"ahhh kaya pala mukha kang Pilipina. Japanese ako, but my Mom is a pinay too." malungkot na sabi ni Prin namimiss niya na rin kasi ang magulang niya.
"Ahh, kaya pala you look like my old character because you're a japanese. I'm a cosplay artist" sabi nito.
Tumango lang si Prin bilang sagot.
Nagdadalawang-isip si Prin kung makikihiram siya ng laptop sa babae para sikretong magpadala ng mensahe kay Cally. Ngunit paglingon niya pa lang para tingnan ang paligid, nakita niya agad ang kasama sa barko sa 'di kalayuan. Napakuyom na lang siya ng palad ng lihim.
"Oh shoot! Miss, I'm sorry, uuna na ako. May kaibigan kasi ako na naghihintay sa akin. I hope you don't mind." paalam niya na lang dito.
"Oh sure! No problem!"
Ngumiti ng simple si Prin saka tuluyan ng naglakad paalis.
Mga apat na metro na yata ang nalalakad niya nang sumigaw ito. "By the way, I'm Bea!"
"Okay!" sabi niya na lang at hindi na nagpakilala pa. Tuluyan na siyang naglakad ng mabilis para balikan si Cassandra.
Samantala, nakatitig lang si Bea sa babaeng umalis na si Prin. Gusto niyang isipin na ito ang dating asawa ni Cally dahil may hawig ito kay 'Twilight Mary', ngunit malayo ang personalidad nito sa deskripsyon ng mga nakalap niya.
Nakasaya at simpleng blusa ang babae. May mga dala pang prutas at gulay. Malayo sa Prin na mga narinig niya na matapang, a warrior princess just like Twilight Mary.
Isa pa, ayaw niyang banggitin ang dating asawa ng kaibigan dito dahil sigurado na masasaktan lang si Cally.
Tinatanaw niya ang babae hanggang sa lumiko na ito matapos ang ika-anim na stall mula sa coffee shop na iyon, saka niya nakita si Cally na lumabas sa isang tindahan na nasa ika-apat na pwesto.
Simpleng T-shirt at short ang suot nito. Tipikal na suot ng magbabakasyon na nasa isla. Malayo sa normal na madalas nitong suot na naka coat and tie.
Patungo na si Cally sa direksyon ng lumikong babae nang tawagin niya ito.
"Hey, Cally!" sigaw niya.
Lumingon ito sa kanya. Napansin niya na may dalang paper bag si Cally. Seryoso lang ito na pinuntahan ang pwesto niya.
"Nandito ka pala Bea."
"Yes, naboboring na ko sa Hotel kaya naisip ko na magliwaliw. By the way, umupo ka dyan sa tapat at ikaw na umubos ng meryenda na in-order ko. Hindi naman nagalaw iyan ng babae na tumulong sa akin." saka niya ikinuwento ang mga nangyari.
Tumango lang si Cally saka umupo sa silya kung saan umupo ang babae, saka sinimulan na kainin ang cinnamon roll.
Ngumiti ng mapait si Cally habang tinitikman ang cinnamon roll na iyon. Kung matitikman lang ni Prin ang cinnamon roll na kinakain niya, siguradong matutuwa ito.