Chapter 177 - Kai's Proposal

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hinawi ni Kai ang ilang hibla ng buhok ni Bella na matamis ang ngiti sa labi na umaabot sa kumikinang nitong mga mata. She is wearing a long white summer dress na nababagay talaga dito. 

He is just wearing a simple white shirt at makulay na shorts. 

May plano si Kai na sa gabi pa magpropose kay Bella, nagpa-reserve pa siya sa mamahaling restaurant pero ang saya ng nobya niya sa oras na iyon ay walang kapalit na halaga. Her smile at that moment is the sweetest smile of her. 

"My Angel, I wanted to tell you since the first day I met you that you are the most beautiful girl I have ever met." 

Lalong namula ang pisngi ni Bella. Tinapik niya sa braso si Kai. "nakakahiya sa kanila. Ano ka ba..?" 

Nilingon niya pa ang mga tao sa paligid. 

"oh! what a lovely couple." mula sa mga tawanan, napalitan ng kilig ang nararamdaman ng mga tao sa paligid. 

"You are the most perfect woman I've met and I love everything about you. When you Smile, when you're sad, when you are happy. I don't want to miss a single expression of your face." 

Hinalikan ng binata ang kamay ni Bella. 

"Ohhh…" naging seryoso naman ang lahat nang marinig ang sinabi na iyon ni Kai. 

"I wanted to tell you that all the joy and happiness in my heart is because of you…" 

Nagsimula namang mangilid ang luha niya sa mata. 

"...You are my whole entire universe. You taught me how to love which is the most amazing feeling that I couldn't ever imagine." 

Tuluyan ng napaluha si Bella sa mga sinabi na iyon ni Kai na tumagos ng sobra sa damdamin niya. She felt the same with Kai. 

"Don't you know that I plan to marry you since the first day of our relationship?" he said everything he felt for her ng walang script o kung ano pa man. What he said is those things he really felt for his Angel. 

"Having the thought…" 

Napatigil na lang ang lahat nang lumuhod sa harapan ni Bella si Kai. Nanlaki naman ang mata ng dalaga at inikot ang paningin sa paligid saka ibinalik ang tingin sa binata. 

Naglabas ito ng isang maliit na box mula sa bulsa. 

Natutop ni Bella ang bibig sa ginawa nito. Binuksan naman ng binata ang box na iyon at lumitaw ang 1 karat of diamond ring sa harapan niya

"My Angel… will you marry me?" 

Hindi nakapagsalita ang dalaga at talagang na-mental block siya. Hindi niya kasi inaasahan ang gagawin nito. Pero naluha talaga siya sa mga pinahayag ni Kai.

"Say 'Yes!', say 'Yes!'" hiyaw ng mga tao sa paligid. 

"Of course, Yes!" naiiyak na sagot niya habang panay ang tango sa binata. 

Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid. 

"Whew!" parang nakahinga ng maluwag si Kai saka mabilis na sinuot ang singsing sa nobya niya. Mahirap na, baka magbago pa kasi ang sagot nito. 

Ganoon pala ang pakiramdam ng magp-propose. Kahit pala alam mo na mahal niyo ang isa't-isa, may kaba pa ring nararamdaman dahil baka matulad siya doon sa mga napapanood niya sa youtube na 'Marriage Proposal Gone wrong!' 

"I'm sorry guys for troubling you, she's happy in your place, so I should make my move in order to get my 'Yes'." paghingi ng paumanhin ni Kai. 

Nagtawanan naman ang iba sa mga ito saka nagbalik na naman sa sayawan. Para bang commercial ang ginawa ni Kai at binigyan lang sila ng moment ni Bella. 

Habang masayang nagsasayawan ang lahat, nanatili naman si Bella at Kai sa slo-motion na sayaw sa gitna. Naka-angkla ang mga braso niya sa balikat ni Kai habang nakaikot sa bewang niya ang mga braso nito. 

"I love you so much, My Angel!" 

"I love you too, Kai Jeon Jang!" 

They shared the kiss after.