Kinakabahan si Kai habang katabi si Bella sa eroplano. Patungo sila ng Puerto del Carmen, Spain kasama si Cally, Lorenz at ang kaibigan ng Shi nila na si Bea, isang computer game designer.
May business transaction si Cally at si Bea sa napakagandang isla na iyon. At inimbitahan sila na magbakasyon doon ng Presidente ng bansa. Pero may goal si Kai bukod sa magbakasyon doon kaya siya kinakabahan. Napag-alaman niya na maganda ang lugar kaya naisip niya na doon ipagpatuloy ang pagpropose niya kay Bella.
Nagpagawa pa siya ng engagement ring kay Miss Penelope na malapit na kamag-anak ng Shi nila na isang jewelry designer, painter, pianist at kung anu-ano pa. Ang babae ang masasabi na high-end na raketera. Depende sa trip nito kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay.
Nilingon niya ang mga kasama. Una na nga si Bea, may masamang karanasan ang babae dahil napagkamalan itong nobya ng Master Cally nila. Dahilan para dukutin ito ni Gon Peter at may isang taon pa lang na nakaka-move on. Kasalukuyang may ginagawang proyekto ang babae na mas ginusto na mapag-isa sa kabilang isle.
Ang Master nila ay nasa unahang seat ni Bea na busy rin sa laptop nito, katabi nito si Lorenz na natutulog. Sa loob ng apat na taon, literal na naging bantay ito ni Cally.
Kung nasaan si Cally ay naroon din si Lorenz.
Nilingon niya si Bella sa tabi na nanonood ng koreanovela na may pamagat na Weightlifting Fairy. May nakakabit na headset sa tenga ng nobya niya at tutok na tutok sa screen ang mga mata. Ayos lang dito na kahit mamaga na ang mata sa kakabasa ng subtitles.
Maya-maya, kinukurut-kurot na siya nito dahil kinikilig ito kay Kim Bukjoo na hindi naman kagandahan at Jung Jun-hyung. Okay lang kay Kai kahit sipain pa siya ng kanyang Angel palabas ng eroplano ang mahalaga ay masundan niya ang lahat ng ekspresyon na mayroon ito. Gayunpaman, naaaliw siya dahil naaalala niya rin sa palabas ang college life nila ni Bella.
Ilang oras lang, nasa loob na sila ng Hotel suite. Sa gabing iyon ang meeting ni Cally at Bea. Kinabukasan naman ang plano nila na mag-ikot-ikot sa lugar.
=====
Kinabukasan, mas ninais ni Cally na magswimming sa beach kasama si Lorenz. Si Miss Bea naman ay mas ginusto na manatili sa hotel. Si Kai at Bella ay mahaba-haba ang plano sa araw na iyon. Nang umaga ay sumama sila kay Cally at Lorenz na maglakad-lakad sa dagat.
Magkahawak-kamay lang sila na dahan-dahan na naglalakad sa dalampasigan at ninanamnam ang araw na iyon na magkasama sila.
Hindi nila napapansin na napapalayo na sila ng lakad hanggang sa makarating sila sa parte ng isla kung saan naroon ang mga bangkang pangisda.
Ilang lakad pa ang ginawa nila nang makakita ng isang salu-salo. Parang pista. May tumutugtog na mga musikero na nakacostume pa at may malalaking intrumento, may kainan at nagsasayawan.
Napangiti si Bella na makita ang masasayang tao sa pagtitipon.
"Come!" nabigla sila ng ayain sila ng isa sa mga ito na naaaliw kay Bella. Isang may-edad na babae na mataba at nakasuot pa ito ng bulaklakin.
"I-Is it okay if we gate crash?" nag-aalaang tanong ni Kai.
Tumawa ito "We love gatecrashing. Come in! You can enjoy the party. The more, the merrier!"
Normal na maaliw si Bella at Kai sa ganoong pagtitipon kaya naengganyo sila na lapitan ang grupo. Isa pa, halos naging busy sila sa mga personal na trabaho sa loob ng ilang taon kaya napili nilang makisaya. Sa dami ng tao sa paligid, parang buong baranggay na yata ang mga tao doon.
Halos wala silang makita na malungkot ni isa. May masayang nagk-kwentuhan sa isang gilid. Nagsasayawan, may kumakain sa isang parte.
Nakisali sila sa mga sumasayaw na nagbuo ng parang snake line na susundan mo ang gagawin ng nasa harapan. She was really happy, parang nawala ang pagod niya sa trabaho ng mga nagdaang araw. Literal na tawa ng tawa si Bella dahil ang comedy na ng ginagawa ng nasa unahan niya pero sige lang siya. Iaangat ang kamay, iipitin ng kili-kili ang isang palad, kekembot at kung ano pa.
Pinagmamasdan ni Kai ang kakaibang saya na iyon ni Bella. Whenever she is happy, he is also happy.
Pakiramdam niya ay kaya ng ngiti ng nobya niya na makagawa ng world peace.
Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ang sayaw. Bigla niyang hinarap si Bella at hindi niya napigilan na bigyan ito ng matamis na halik sa labi sa gitna ng maraming tao na iyon.
Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid. Saglit silang tumigil at namula ng sobra ang pisngi ni Bella. Kahit ang mga tumutugtog ng instrumento ay napapalakpak sa kanila.
"Wow! Such a nice couple. You are so sweet." kinikilig na sabi ng babaeng nag-aya sa kanila. Nilagyan pa siya nito ng bulaklak sa ibabaw ng tenga niya.