Chapter 175 - She has a Love team

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Makalipas ang apat na taon, isang sikat na singer at aktres na si Bella. Gamit lang ang matamis na boses at gitara, nagustuhan siya ng mga tao.

Ganoon yata talaga, nasa dugo niya ang maging celebrity na namana niya sa Daddy niya.

Sa loob rin ng mga taon na iyon, nasanay na siya na bigla na lang aalis ng bansa si Kai at bigla na lang din itong susulpot sa harapan niya. Hindi na rin naman lihim sa kanya ang trabaho ng nobyo. Ipinaliwanag nito ng maayos sa kanya ang buhay nito bilang Dark Guard matapos mamatay si Prin.

They have a long-distance relationship pero ayos lang, ang mahalaga ay nagkikita silang dalawa.

=====

Ramdam ni Kai ang pagod mula sa mahabang biyahe. Sa loob ng isang buwan, panay ang ikot nila sa kung saan-saang bansa. Nagtungo sila sa India, sa UK, sa Japan at sa China para gabayan si Cally sa mga transaksyon nito.

Literal na naging guards ni Cally silang dalawa ni Lorenz.

Simula ng mamatay si Prin, nagsimula na rin na pag-aralan nito ang lahat ng tungkol sa Dark Lords kaya panay ang punta nila sa kung saan-saang bansa para i-meet ang mahahalagang tao.

Matapos nga ang isang buwan ay nanghingi siya ng pahinga kay Lorenz. Gusto niyang isorpresa ang nobya na si Bella.

Nang makalabas si Kai ng airport, nakita niya agad si Hunter na naghihintay sa tapat ng kotse. Disiotso anyos na binata at bagong Dark Guard pero mahusay at matalino kaya napili niya ito na siyang maging gwardiya ni Bella ng palihim.

"Leader MB5, okay na 'yung order mo. Si Shogun ang kumausap kay Miss Penelope na pagandahin pa iyon. Nasabihan na rin ako na pwede mo nang kunin ang order mo ngayong gabi sa Fleur de Lys" pagbibigay-alam nito.

"Okay, kamusta naman si Bella?" tanong niya habang inaayos ang malaking dalang bag sa likuran ng sasakyan.

"Okay naman siya L-leader." sabi at uutal-utal.

Nilingon niya ito saka pinilit na titigan sa mata. Hindi normal ni Hunter ang magpauta-utal na halatang may tinatago ito sa kanya.

Dahil sadyang matalino si Hunter, nakuha nito sa mga mata niya ang pagbabanta.

"*sigh* fine… M-may bubuyog ulit si Bella" tukoy nito sa bagong umaaligid sa nobya niya.

Sumama agad ang mukha niya. "Sino na namang bubuyog iyan?" nakaramdam siya ng inis sa kung sino man na iyon na uma-aligid sa Angel niya.

"Her love team"

"Love team?!" nanlaki ang mata ni Kai.

Uminit na ang ulo ni Kai. Paanong nagkaroon ng ibang ka-love team ang Angel niya? Hindi naman niya ito pinakikialaman sa desisyon nito sa trabaho. Iyon nga lang, nakaramdam siya ng selos na malaman na may ibang ka-love team si Bella at may plano pa na manligaw dito.

"Where is she?"

"She's at MGM now" sagot nito.

"Let's go to MGM. I want to surprise her." sabi niya saka sumakay na sa passenger seat habang si Hunter ang magmamaneho.

Habang daan, hindi siya mapakali, gusto niyang manggulpi. Pumikit na lang siya saka kinalma ang sarili.

Nang makarating sa building ng MGM, Dumeretso agad sila ni Hunter sa kwartong nakalaan kay Bella.

Mahigpit ang MGM sa seguridad pero espesyal ang IDs nila ni Hunter kaya malaya silang makakaikot at makakapasok ano mang oras sa opisina ng pamilya ni Cally. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ng dressing room ng nobya, kinuha niya ang cellphone saka niya ito tinawagan.

"Hello Babe." sagot nito sa telepono makalipas lang ang ilang ring.

"Open your door. I'm here."

Napasinghap si Bella sa telepono at ilang segundo lang bumukas ang pintuan nito.

"Oh my god!" tinalon nito si Kai para mayakap.

Nakaramdam naman ng init si Kai parang umabot ang yakap nito hanggang puso niya. Tinunaw ng yakap ng nobya niya ang init ng ulo niya ilang minuto ang nakaraan.

"I'm surprised. Come in" masiglang sabi nito.

Pinagmasdan ni Kai si Bella. Malaki ang pinagbago nito sa loob ng apat na taon. Mas nag-mature saka mas gumanda, kaya mas lumalim din ang pagmamahal niya sa babae.

"Gusto ko munang malaman kung bakit ka nagkaroon ng ka-love team." nagtatampo ang tono ng nobyo ni Bella.

"Ka-love team?" kahit si Bella ay nagtaka.

"Ahhm, leader I am going!" biglang paalam ni Hunter. Ngunit bago pa ito makatakas ay hinila niya na ang kwelyo ng suot nito.

Itinaas nito ang dalawang kamay "Sorry! Sorry leader, gusto ka lang i-prank ni Mat-mat. Napag-utusan lang ako na nakisali si Shogun at ang Shi." pagdadahilan nito.

Naglabas ng mabigat na hangin si Kai saka ito binitawan. Napaglaruan talaga siya ng manyak na si Mat-mat at nagawa pa nitong gamitin ang tao niya. Nakahinga naman siya ng maluwag.

"Sabihin mo kay Mat, gugulpihin ko talaga siya sa weekend"

"Weekend?" sabad ni Bella.

"Yes. We are going to Spain"

*****

Hello Everyone,

I'm encouraging you to read MY FIRST LOVE IS A PROBLEM BOY, tapos isunod niyo ang SI MAKISIG AT SI MAGANDA para mas malinawan kayo sa storya.

Sa sequence, ang first volume nito ang naganap bago ang SMSM.

Genres:

MY FIRST LOVE IS A PROBLEM BOY (Romance, Comedy, Teens, Drama) First love never dies kaya ma-drama

SI MAKISIG AT SI MAGANDA (Comedy, Romance, Tragedy) 'yung tipo na kakabahan ka, mag-iisip ka na parang puzzle hanggang sa gusto mo na akong saktan!

Hehe. Anyway, salamat sa pagsuporta. And happy reading sa inyo.

-Feibulous