Apat na taon makalipas nang sabihin sa kanya na may bombang na-inject sa ulo niya, nanatili si Prin sa poder ni Captain Yeo.
Nakakatawa pang isipin na naging bahagi siya ng buhay nito. She is twenty-three and doing their job. Gustuhin man niyang tumakas ay hindi niya magawa. Ang trabaho ng mga ito ay magnakaw ng literal sa mga nakakasalubong na sasakyang pandagat para may maipangtustos sa araw-araw.
Hindi nakaligtas sa kanya ang ibang kasama na sumabog ang ulo dahil kay Captain Yeo. Parang bilog na pakwan ang mga ulo ng mga ito na pinukpok sa batuhan na nagkapira-piraso dahil sa capsule bomb.
Mainitin ang ulo ng kapitan ng barko na iyon. Kaunting kibot lang ng mga kasama niya na hindi nito nagustuhan ay may kaakibat na agad na parusa.
Hindi naman siya pwedeng magpadalos-dalos na tumakas. Gustuhin man niya na tumakas ay mas pipiliin na niyang mabuhay. At least, may pag-asa pa sila na magkita muli ni Cally kahit matagal. Kailangan niyang makuha ang remote ng bomba na ipinasok sa bandang itaas ng batok niya.
Alam ni Prin na naroon lang iyon sa kwarto ng kapitan. Pero sa dami ng tao na nilagyan nito ng bomb capsule sa ulo, hindi niya alam kung paano ma-identify kung nasaan ang kanya.
Huminga ng malalim si Prin.
Ilang kilometro na lang ay dadaong na sila sa Puerto del Carmen para mamili ng pagkain, tubig, gamot at iba pa na maaaring gamitin sa karagatan. Isang isla na matatagpuan sa Lanzarote, Spain.
May mga nakadaong na iba't ibang klase ng sasakyang pantubig. Karamihan ay bangkang kulay puti na gamit ng mga taga-baryo sa panghuli ng isda.
May bahayan sa paligid na halos puti rin ang kulay ng pintura. Maririnig ang mga huni ng puting tagak sa paligid.
Tila sinasayaw ng hangin ang buhok ni Prin na lampas balikat na lang. Pinaputol niya ang dating haba ng buhok para saglit na makalimutan si Cally. Nasanay na rin siya sa suot na saya at blusa na tulad ni Cassandra. Sa loob ng ilang taon, hindi na niya nagawa pang humalakhak. Ano na nga ba ang pakiramdam ng tumatawa?
Nakatayo siya sa gilid habang nakapatong ang mga kamay at matiyagang naghihintay sa pagdaong nila. Gusto niyang padalhan ng mensahe si Cally nang pasikreto pero alam niya na hindi rin basta-basta. Siguradong may nagbabantay sa kanila ni Cassandra.
'Cally, wait for me. I will make sure to return by your side.' Isip-isip niya. Bahagyang nagluha ang mata ni Prin nang maalala ang asawa.
Kahit pa abutin siya ng ilang taon, panghahawakan niya ang pangako nito.
Sa loob din ng apat na taon, naging mailap siya kay Captain Yeo. Halos ayaw niyang makita ang kapitan at mukhang umiiwas din naman ito sa kanya.
Kahit pa nalaman nito na may kakaiba siyang talento sa unang buwan pa lang niya doon, nang minsan na may mang-hipo sa kanya na kasamang lalaki sa barko.
Nasa edad trenta na ang manyak na iyon pataas, na hinawakan siya sa puwitan. Hindi nagdalawang-isip si Prin na ginamitan ng dahas ang lalaki. Gamit ang kutsilyo na kasalukuyang ginagamit niya pang-tanggal ng lumot sa mga gilid-gilid na kahoy, diretso niya iyon na tinusok sa kamay nito.
Nagalit ito sa kanya. Sasampalin na dapat siya nito gamit ang isa pang kamay pero hindi siya nagdalawang-isip na sipain ito. Napaatras ang lalaki.
"You bitch!" Galit na sabi sa kanya.
Hindi na siya nagdalawang-isip pa na mabilis na ginilitan ang leeg nito. Kitang-kita ni Captain Yeo ang mga naganap habang naroon ito sa itaas na bahagi ng deck. Walang salita o ano mang emosyon na makikita dito habang nakatingin sa kanya.
Nag-aapoy ang mata na sinalubong niya ang paningin nito saka niya tinulak sa dagat ang lalaki na nawalan ng buhay. Galit si Prin ng mga panahon na iyon at talaga namang wala siyang sinasanto. Gusto niyang ipakita sa kapitan na hindi siya simpleng babae.
Sa loob din ng ilang taon, naranasan niya na ang lahat ng klase ng sakuna sa dagat. Naranasan niya na ang ilang beses na halos lamunin sila ng dagat dahil sa sobrang lakas ng bagyo habang nandoon sila sa pacific ocean.
Ilang saglit lang, naputol ang pag-ala-ala niya dahil huminto na ang barkong sinasakyan. Naging busy na ang lahat.
"Tara na Prin!" Aya ni Cassandra.
Tumango lang si Prin saka ngumiti ng simple. Sumakay sila sa bangka na pang-dalawahan at nagsimulang mag-sagwan palapit sa dalampasigan.
Napalingon siya sa isang gawi dahil tila may naghihiyawan.
"Say 'yes'! Say 'yes'!" Narinig niyang sabi ng nagkukumpulan at masasayang lokal ng lugar.
'Hmmm.. mukhang may nagpo-propose'