"Are you okay now?" Tanong ni Kai kay Bella.
"hmmm." halata pa ang inis sa mukha ng nobya niya. Para bang simula sa pagiging malungkot ay napalitan iyon ng pagka-inis.
Napangiti ng simple si Kai. He wanted to be the perfect boyfriend for his Angel.
Gusto niyang makasama si Bella sa saya nito, sa lungkot at sa kung ano man ang nararamdaman nito. He wanted every detail of her.
May nadaanan pa silang kung anu-anong games at lahat iyon ay sinubukan nila. Magshoot ng bola, barilin ng bulitas ang maliliit na figure ng laruan na nakahilera sa pader at kung anu-ano pa.
Nang mapagod, doon lang napagtanto ng magkasintahan na madami silang napanalunan na malalaking stuffed toy para kay Bella at lahat iyon ay bitbit ni Kai na nasa loob ng malaking supot.
Hawak niya sa isang kamay si Bela at hawak ng isang kamay ang malaking supot na ipinatong niya sa likuran. Para siyang si Santa Claus na may dalang laruan. Okay lang na magmukhang tanga ang mahalaga ay ginagawa niya ang bagay na iyon para kay Bella.
Malaki ang inggit ng halos lahat ng makasalubong nila na magkasintahan kay Bella. Lalo na ang mga kababaihan. Naririnig na lang niya ang mga galit ng mga ito sa mga nobyo nito.
"Bakit siya madaming dalang stuffed toy?" tanong ng isang babae sa nobyo nito.
"Ow! Ang pogi na nga ng boyfriend niya, magaling pa makakuha ng stuffed toy. Hala! Galingan mo rin maglaro at bigyan mo ko ng stuffed toy! 'Yung pikachu na malaki"
"Ate Angel? Ate Angel! Woah! Yung buhok mo makakasira na ng relasyon sa haba"
Kumunot ang noo ni Bela nang makilala ang freshman ng school nila.
"Ikaw na naman? Nandito ka na naman?"
"Kung si Kai ang tagabuhat ng stuffed toys mo, ako ang tagabuhat ng buhok mo na malapit nang maapakan ng--"
"Layas!" putol at pananakot dito ni Kai.
"Hmp! Sungit"
Si Kai lang ang may karapatan sa lahat ng bagay tungkol kay Bella kahit pa ang magbitbit ng buhok nito na abot hanggang EDSA.
=====
May ilang araw na si Prin na nasa laot lang. Ilang araw na wala siyang makita kundi puro tubig-dagat.
Dahil nasa poder siya ng bangkang iyon, kailangan niyang tumulong sa paglilinis o sa iba pang gawain. Hindi siya sanay sa gawaing bahay dahil namuhay siya na parang prinsesa kahit nang mga panahon na nakatira pa siya sa Matsui Mansion. Hindi nga ba at muntik pa niyang masunog ang bahay ni Cally sa simpleng pagluluto lang?
Kinailangan pa niyang magpaturo kay Cassandra. Silang dalawa lang ang tanging babae na alam niyang nasa barkong iyon. Si Captain Yeo ay hindi na niya nakita pa simula nang unang pagtatagpo nila dahil madalas lang daw itong nasa kwarto nito.
Hindi alam ni Prin kung ano ang ginagawa ng mga kalalakihan, ngunit madalas na may sinasakyan ang mga ito na mas maliit na bangka para umalis at bumabalik doon sa barko makalipas ang ilang oras.
Nang araw na iyon halos parehas sila ni Cassandra ng kasuotan. Nakasaya at blusa.
"Cassy, tell me how long you've been here?" usisa niya habang hinuhugasan ang mga plato.
Nalungkot ito. "Three years" sagot nito.
"... Nakuha rin nila ako sa dagat" dagdag pa nito.
"Hindi ka na umuwi pa sa inyo?"
Tinitigan siya nito sa mata at malungkot na nagpahayag. "I already told you, you can't escape"
Nagsimulang kabahan si Prin. "Bakit nga pala hindi na makakaalis pa sa lugar na ito? H-hindi ba dumadaong ang barko sa land area?" tanong niya.
"Dumadaong, pero sigurado na hindi mo gugustuhin na makaalis"
Tumalim ang tingin ni Prin. "Anong ibig mong sabihin?"
"Prin, you've been marked as his own." tukoy nito kay Captain Yeo.
Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kaya pinagpag niya ang basang kamay at pinuntahan ang kwarto ng Captain Yeo na iyon.
"Prin!" tawag ni Cassandra sa kanya na nag-aalala.
"I want to see that Yeo idiot!" sabi niya.
Inisa-isa niya ang mga nadaanan na kwarto. Nanggigigil siya. Kung pwede na bawian niya ng buhay ang lalaki ay gagawin niya.
Binuksan niya ang isang pintuan at natagpuan ang lalaki sa harapan ng isang mesa. May bilog na bintana at kita ang karagatan sa labas. May mga nakasalansan na kung anu-anong maliliit na bote sa gilid. May malambot na kama sa kabilang banda, na may natutulog na babae.
Kumunot ang noo ni Prin, sa ilang araw niya doon hindi niya akalain na may iba pang babae bukod sa kanila ni Cassandra.
Nilingon sila ni Captain Yeo at matalim ang tingin nito na hinarap ang nanlilisik niyang mata.
"C-Captain, I'm sorry…" sabi ni Cassandra na nasa likuran niya.
"I want an explanation!" galit na sabi niya.
Sumalubong ang kilay nito.
"Bakit hindi ako pwede umalis dito? I am not yours!" galit na sabi niya na kahit ang babaeng natutulog nang nakabalot lang ng kumot ay nagising.
Sumilay ang mala-demonyong ngiti nito sa paningin ni Prin.
"I'm sorry but you are now mine! Lahat ng bagay na matipuhan ko sa dagat ay akin. And you have been marked as my own"
'Marked?'
"W-what do you mean?"
Tumingin ito ng pailalim.
"You have a bomb in your head, Miss Prin Matsui. See this?" pinakita nito sa kanya ang isang metal na kasinglaki ng Tuseran capsule.
"This one is a bomb. And one of this, is now in your head. If you tried to escape, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka."
Tila isang bomba ang mga sinabi nito na parang sumabog sa kanya.