Chapter 172 - His Angel is sad

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"I already told you, hindi ka na makakaalis dito" narinig niyang sabi ni Cassandra.

"But I have my own life. May asawa ako na naghihintay sa akin." nag-aalala na sabi ni Prin.

Bahagya itong natigilan "I'm sorry, but you can't. Hindi ka na basta-basta makakaalis dito."

Napatiim-bagang si Prin. Kahit naman kasi gustuhin niyang umalis ay hindi rin siya basta-basta makakaalis dahil puro tubig lang ang paligid ng buong barko.

Paano naman siya makakaalis doon?

=====

Panay ang pag-galaw ng balikat ni Bella dahil sa mga hikbi na nakaupo sa couch sa loob ng unit nito. Nang araw na iyon lang nito napag-alaman na kinain ng dagat si Prin.

Nasa tabi nito ang nobyo na si Kai.

"My Angel, huwag ka nang umiyak." pakiusap ni Kai.

Kaunting-kaunti na lang, iiyak na rin pati siya. Mahigit isang buwan pa naman silang hindi nagkita at namiss niya na masyado ang nobya niya. Nilihim niya dito ang nangyari kay Prin dahil ayaw niyang malungkot ng mag-isa si Bella.

Hindi niya akalain na hindi pa tapos ang parusa niya sa UK nang makita si Cally na kaunting-kaunti na lang ay susunod na sa asawa nito. Kinailangan nilang bantayan ng Shogun si Cally na tila kinain ng kabilang buhay.

Buong pamilya nito, ang Dark Guards at iba pang na malalapit na kaibigan ay masyadong nag-alala sa Master nila.

Ilang linggo na nagkulong si Cally sa Kent Mansion na halos mapagkamalan na itong anak ni Dracula dahil ayaw nitong lumabas sa loob ng sobrang dilim na kwarto nito. Naiintindihan naman niya si Cally dahil siya man ang malagay sa lugar nito ay baka abutin pa ng taon bago siya maka-move on.

"What will happen to Cally?" tanong ni Bella habang umiiyak.

Lalong nalungkot si Kai. "Unfortunately, ayaw niya munang bumalik sa Pilipinas. His goal right now is to find Gon Peter. And… it's not good for him to stay here."

Natahimik si Bella. Totoo na hindi magandang manatili si Cally sa Pilipinas at naiintindihan niya ito. His life together with Prin is beautiful.

"Mabuti pa ay magpunta tayo sa amus.e.m.e.nt park" aya ni Kai habang pinupunasan ang luha ng mga mata ni Bella.

Hindi naman niya pwedeng sabihin na -- 'tama na, my Angel okay lang yan' dahil alam niya na hindi naman talaga okay na namatay si Prin. All he can do is to give Bella the happiness he knew para saglit na makalimutan nito ang kalungkutan na nawalan ito ng kaibigan.

Hindi na nag-atubili pa si Kai nang pumayag ang nobya niya na magpunta sila ng Amus.e.m.e.nt Park.

Ang totoo, unang beses ni Kai na magpunta ng amus.e.m.e.nt park kaya hindi niya alam ang gagawin.

Napatanga siya dahil kailangan pala ng ticket para makapasok. Pinaupo niya si Bella sa maliit na mesa saka matiyagang pumila sa ticketing booth para bumili ng dalawang ticket.

Nang makuha ang ticket, hawak-kamay na pinasok nila ang loob ng park. Hindi naman ganoon karami ang tao pero napansin niya na karamihan sa mga tao sa paligid ay magkakarelasyon na tulad nila ni Bella.

Napakamot sa ulo si Kai dahil pansin niya na malungkot pa rin ang nobya niya at tahimik sa tabi.

May nakita siya na mga skill games at arcade. Unang napansin niya ang 'Break a plate' kung saan kailangan basagin ang plato. Kaya doon niya unang inaya si Bella para mailabas na rin nito ang sama ng loob.

Kumuha siya ng anim na set na may tig-ta-tatlong bola kada set.

"Come here, my Angel" tawag niya sa nobya. Inabot ni Kai ang maliit na bola kay Bella.

Tiningnan naman ni Bella ang hawak na matigas na bola saka sa mga hilera ng mga plato sa pader.

"Ilabas mo ang lahat ng sama ng loob mo sa mga plato na iyan, okay?" sabi ni Kai.

Tumango naman ang dalaga. Huminga siya ng malalim saka hinagis ang isang bola. Wala siyang natamaan.

"Ubusin mo ang lahat ng bola. Gusto ko 'yung galit ka talaga" malakas na sabi ng binata para maging determinado si Bella.

"Okay, 'yung mas galit!" Sabi niya na nagsisimula nang mag-init sa mga puting plato na nakahilera.

"Haaah!" Hiyaw niya saka binato ang hawak na bola.

Nabasag ang isang plato.

"Yung mas galit pa!" Utos ni Kai.

Parang robot naman siya na sinunod ito. "Walang hiya ka Prin! Akala ko pa naman sisters tayo! Hah!" Saka niya binuhos ang lahat ng lakas sa bola.

Kai "..."

Kumuha siya ng isa pang bola. "Sino na ang makakasama ko sa pag-shopping?!"

"Sino na ang bubungisngis na kasama ko saka mangungulit?!"

"Sino na magsasabi sa akin na kahit langgam ay lalayuan ako dahil sa sobrang sweet namin ni Kai?!"

Kai "..."

"Salbahe ka! Hindi ka man lang nagtext bago ka nang-iwan!"

"Wala man lang goodbye!"

Kada litanya ni Bella ay naghahagis ito ng bola na lahat ay nakatama sa kada plato para mabasag. Tumatahip ang dibdib niya ng maubos ang lahat ng bola na hawak.

Nakatulong kahit papaano ang activities nila na iyon ni Kai sa nararamdaman niya.